CHAPTER TWO
"Ella, si Patrick."
Bigla nalang tumulo ang luha ko nung magsalita na ang nasa kabilang linya.
Anong masamang nangyari kay Patrick?
"Ano pong nangyari?"
"Nabundol ng isang truck si Patrick habang umuuwi. Andito kami ngayon sa hospital."
Di ako makapagsalita. Hindi ako makagalaw.
Bakit? Bakit kelangan pang ngayong unang monthsary namin mangyayari to?
Humagulgol na ako sa iyak hanggang sa napaupo na rin ako sa sahig.
Iyak lang ako ng iyak.
*tok tok tok*
Biglang nagbukas yung pintuan.
"Anak, sa tingin ko alam mo na yung nangyari kay Patrick."
Sabi sakin ni Mommy.
Pagkatingin ko sakanya, bigla kong niyakap si mommy.
"Ma, bakit ganun? Bakit kelangan pang mangyari to?"
Tanong ko kay Mommy habang tumatahan na ako ng konti.
"Anak, may mga bagay talaga na di natin inaasahang mangyayari. Tahan na."
"Pupunta tayo sa hospital gusto mo?"
Tanong ni Mommy sakin.
Tumango lang ako.
"Magbihis ka na. Bumaba ka nalang kapag handa ka na."
Tumango nalang ulit ako.
Hayy. Napabuntong hininga ako.
Patrick, sana di masyadong malala ang nangyari sayo.
Naligo na ako at nagbihis. Bumaba na rin ako.
Habang nasa sasakyan kami, may tumatawag ulit.
09XXXXXXXXX calling ...
Sino naman to?
Huminga ako ng malalim tsaka ko sinagot yung tawag.
"Hello?"
"Is this Ella Dimalanta?"
Kung makapag-english naman to. Wala ako sa mood para makipagenglish'an. Tsk.
"Yes, why?"
"Im so sad to inform you that your friend Christian has already passed away."
Ano daw?
Di pa nagsisink in ang sinabi niya sa utak ko pero tumutulo na ang luha ko.
Friend? Christian?
Correction, EX ko yun!
Ok ok. Anong sabi ulit?
Passed away?
Teka, passed away?
Ibig sabihin ...
Uwaaaahhhh! Bakit ba ang tagal magsink in sa utak ko yung sinabi niya?
Nakakaintindi naman ako ng English.
Teka, teka, patay na ba si Christian?
Uwaaaaaaahhhhh!!!! TT___TT
Inend ko na yung call at tuloy tuloy pa rin ang aking pag-iyak.
Anong date ngayon? Bakit ang daming nangyari?
Monthsary namin ni Patrick.
Pagkabundol ni Patrick.
Pagkamatay ni Christian.
Ano pang susunod?
AYOKO NA! >.<
I cursed this date. March 15.
Pagkadating namin sa hospital, tumakbo kagad ako dun sa information center at tinanong kung anong room si Patrick Rivero.
Room 215.
Halos malimutan kong may elevator sa hospital at dahil sa gustong gusto ko nang makita si Patrick, sa hagdan ako nagdiretso.
Tanga ko.
Pero parang wala akong pagod na nararamdaman kasi alam kong pagkakita ko lang kay Patrick na OK siya, mapapawi lahat lahat ng mga sakit na nararamdaman ko ngayon.
Sana lang ay matapos na ang araw na ito.
Nakita ko sila Tito at Tita na nasa labas ng room ni Patrick.
Sa tingin ko andun pa sa loob yung doctor.
"Ella."
Isang malungkot na ngiti ang ibinigay sakin ni Tita.
Makikita mo rin na namumugto na ang kanilang mata ni Tito dahil sa sobrang kakaiyak.
"Ano pong balita?"
Tanong ko naman sa kanila.
"Kanina pa hindi lumalabas ang doctor kaya sa palagay namin baka grabe ang nangyari kay Patrick."
*plok plok*
Luha ko mga yun. Nagbagsakan na naman sila.
Pumunta ako sa may mini church sa hospital para magdasal.
Siguro eto nalang ang magagawa ko.
Lord, bakit po ganito?
Ano po ba ang nagawa kong kasalanan para parusahan niyo ako ng ganito?
Bakit kailangan pang madisgrasya si Patrick?
Bakit kailangan pang nawala si Christian?
Bakit po nangyari ang lahat ng ito ngayong espesyal na araw na ito?
Nagmamakaawa po ako, wag niyo pa pong kunin si Patrick.
Isang buwan palang po kami.
Lord, sige na po.
Pagalingin niyo na si Patrick.
Di ko namalayan na humuhagulgol na naman ako.
Sa pagdilat naman ng aking mga mata, sinalubong ako ng isang panyo.
Iniangat ko ang aking ulo para makita kung sino ito.
Hindi ko siya kilala pero parang ang familiar ng mukha niya.
"Miss oh, panyo."
Nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko yung panyo o hindi.
Sino ba siya?
BINABASA MO ANG
The Story of Us [Im Inlove BOOK 2] -- HiATUS
Fiksi Penggemar[IM INLOVE BOOK 2] Ang nagbabalik na ElRick ay nandito na muli! Ngayong mag-on na sila, ano na kaya ang mangyayari? Mauuwi na kaya sa KASALAN? Abangan!