Graize's POV
Alam niyo ba yung feeling na biglang bubuka yong bibig mo ng di mo alam. At eto ako ngayon, tumatakbo dahil bigla akong nahiya dun sa lalaking di ko alam ang pangalan. Tumakbo nako hanggang room at nakita kong 1:26 na! 4 minutes na lang at next at last class ko na pero 3 hours to. Hay nakakatamad. Hayaan na baka enjoy yung teacher dun. Pero yung subject is History! Langya. Bakit ganyan. Tumakbo ng napakabilis at nakadating ako ng wala pang 2 minutes dahil ang lapit lang pala. Umupo nako at ilang sandali lang ay nandito na yung teacher ko. Kabaligtaran pala yung sinabi napaka strict pala niya. At ang ginawa lang namin ay nagpa kilala syempre. First day e, pagbigyan.
At pagkatapos ng napakahabang discussion.
"Class dismissed!" Sabi ng strict kong teacher.
Naglakad na ako papuntang gate at may biglang bumangga sa akin. Isang babeng maganda at sexy. Inggit ako. Ako kasi ay isang nerd na panget tapos hindi pa sexy. Bakit ganito ba itsura ko?
"Sorry po, tulungan na po kita diyan."sabi niya at tinulungan niya akong tumayo at tinulungan niya din akong kunin yung mga gamit ko. Mag pa paalam na sana ako kaso inunahan niya ako.
"Uuwi ka na po? Tara po samahan niyo muna ako sa Mall, libre po kita."sabi niya with halong excitement.
"Uhmm.." Hindi ko na natapos yung sasabihin ko at hinila na niya ko.
Nandito kami ngayon sa Mall sa Department Store.
Bumibili siya ng mga gamit na pampaganda like lipstick make up etc. Mayaman siguro siya . Andami niyang pinamimili.
"By the way, ano po name niyo?" Tanong niya. Namimigla siya.
"Call me Graize nalang." Sabi ko.
"Okay po, ilang taon ka na po?" Tanong niya ulit.
"16 yrs old." Sabi ko.
"Okay po. Im Patricia Jamian po, 15 years old po" Oh! So matanda ako sakanya.
"I hope we can be friends po." Dagdag pa niya. Meron gustong makipag kaibigan sakin. Hihi.
"We can be." Excite kong sagot.
"Talaga po?" Tanong niya with a questioning look.
"Oo naman." Sabi ko.
"Tara po let's eat na gutom na po ako, punta po tayong Pizza Parlor." Sabi niya, halatang gutom na kanina pa kasi kami lakad ng lakad pero ako wala man lang naramdaman pero ngayon gutom na din ako.
At pumunta na nga kami sa pizza parlor pumasok kami at biglang mag oorder na sana kami ng biglang
"Ms.Nerd?!" Sabi ni Mr. Wiley meron siyang kasamang dalawang lalake at lahat ng tao dito ay nagulat. Pinabayaan konalang kasi naman nahiya ako dito, talaga bang pinapahiya niya ba talaga ako?
YOU ARE READING
One Great Special Love
Teen FictionSa buhay minsan napaglalaruan ka ng tadhana lalong lalo na sa love. Kagaya mo si Frelhy Graize isang Nerd ng Campus ay binuksan ang puso ng isang Mr. Player. Minsan mapapatanong ka nalang Bakit ganyan ka tadhana?
