3: Clash!

108 17 15
                                    

  JAR'S POV

"Hey,are you crying?" Sabi ko dahil narinig ko siyang humihikbi.

Pag kasabi ko nun bigla na lang siyang tumakbo. Napano yun? Sinabihan ko lang naman siya ng nerd at panget. What's the deal about it? Baka magsumbong yun sa kuya niya tapos pa murder niya ko naku!

By the way I'm Javey Arbrease Ramer Wiley. Weird ng pangalan ko diba? Acronym po ay Jar. Katawa diba? Im 17 years old and I'm at 4th year High School. Actually we own this school kaya walang kahit sino ang pweding makipag away sa akin dahil alam nila na isang salita lang laban sa akin ay pwedi na silang bumagsak dito. Masama ba yun? Hindi naman diba? Pero inaalala ko talaga yung nerd na yun. Actually maganda siya, gusto ko siyang maging girlfriend for a day. Haha. Bakit po? Alam niyo naman na tinagurian po akong Mr Player sa school. Pero malabong agad na umoo yun. Puntahan ko nalang kaya siya? Huwag na lang, mag pahinga na lang ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
At dahil kabaligtaran ang sinabi ko, agad kong hinanap yung babeng yun. Ang laki pa naman ng school na to? Saang lupalop kaya nagpunta yung babaeng yun? Baka sa Library? Tignan ko nga.

Habang nag lalakad ako. May mga babeng haliparot na naman ang mga nag punta sa harap ko. Ang dami pa ng sinasabi nila, hindi ko maintindihan. Yung iba sabi nila

"Hi Fafa Javey, gwafu mo po! Hihi! 😘"

At malala pa may bakla pang sumabi ng

"Fafa Javey, anakan mo ako." Yuck! As if naman papatol ako sa bakla. Buntis? G*go ba yun? Nabubuntis ba mga lalake? --_--

Tumakbo nalang ako at dali daling pumunta sa library. Hinanap ng mga mata ko yung babeng yun.

At dahil nga swerte ako. Wala siya dito. Hay! Ano ba namang buhay to?

Nag buntong-hininga na lang ako at nag lakad-lakad. Nahihirapan nakong hanapin yun.
Pumuta ako sa puno at nag pahinga. Napagod ako dun. Tapos may narinig akong isang babae dun sa likod at humihikbi. Tinignan ko siya at nalaman ko na si Ms Nerd lang pala yon.
.
.
.
.
.
.
Si Ms. Nerd yun!

"Why are you crying again?" tanong ko na lang.

"Wala kang pakielam, leave me alone!" Nasabi niya at nabigla na lang ako, at noong tinignan ko siya parang nabigla lang din siya. Ibang nerd tong nakikita ko ngayon. Yung mga nerd diba hindi sila sumisigaw at nahihiya nalang at biglang aalis pero siya hindi nerd siya na matapang. Lalo akong naging interested sa kanya.

"Sorry po." At bigla siyang tumayo at nag bow sa harap ko at... Tumakbo na naman siya. Dapat siguro pangalan non "Ms. Runner" haha. Bahala na nga siya. Magla lakad lakad na lang ako.



After a meanwhile, nandito ako ngayon sa Mall kasama ang aking mga kaibigan.

"Jar tara dun sa Quantum" sabi ni James.

"Sige sige." Sabi ko nalang.

"Libre mo kami?" Sabi naman ni Pines.

One Great Special Love Where stories live. Discover now