8: Confuse

10 2 0
                                    

Graize's POV

Nandito ako ngayon sa school. Ilang araw na rin ang lumipas nung matapos ang pangyayari. Nakikita ko ding parang iniiwasan ako ni Javey. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong nagawa o nasabi sa kanya. Hayaan mo, sana nga ganyan na lang lagi. Para tumahimik muli ang buhay ko. Simula kasi nung naging magkakilala kami ni Javey ay parang andaming matang nakatingin sa akin. Kaya minsan ayaw ko na lang pumasok pero kailangan ko nalang tiisin. Binalewala ko nalang yung iniisip ko at nagbasa nalang. Konting minuto lang ay pumasok na ang teacher namin.

"Okay class settle down now." Wika niya. Minsan lang pumapasok itong teacher namin. Pero kung pumasok, tambak kami sa schoolworks and projects kaya ewan ko lang kung anong papagawa niya ngayon.

"Ready for a new project?" Dagdag pa niya.

"No, we are not ready sir!"
"Ano na naman ba 'yan ser."
"Lagi namang ganyan."

Ayan sila sa mga sagot nila, habang ako ay nananahimik at hinihintay ang sasabihing muli ng teacher namin.

"Dont worry guys, this is a group project." Sagot naman agad ng teacher.

"Ayun!"
"Graize! Sana makagroup kita!"
"Ako magiging kagroup ni Graize. Duh!"
"Asa naman kayong lahat. Diba ako magiging kagroup mo Lhy?"

Hala sila, pinabayaan ko nalang sila at pinagpatuloy ang pagbabasa. Habang nagsusulat ang teacher kung ano ang magiging project namin, bigla nalang ako napatigil sa pagbabasa dahil may humarang na kamay upang hindi ako makabasa. Tumingala ako at tinignan kung sino 'yun. Nakita kong mga babae na mukhang mangangain ng tao. Kinakabahan na ako. Ayaw ko ng magulo ang tahimik kong buhay, gusto ko yung dati. Wala silang pakielam sa akin. Aalis na sana ako ng biglang nagsalita yung babae.

"What? Bakit ka aalis?" Takang tanong niya.
"Dito ka na muna, may sasabihin pa kami." Dugtong pa niya.

"A-ano yun?" Kinakabahan na ako, nanginginig ang mga kamay ko. Nakita niya ata ang panginginig ko kaya nagsalita ulit siya.

"Don't worry, we won't hurt you. We just want to be friends with you." Tapos bigla siyang ngumiti ng napakalapad. What?! Tama ba ang pagkakarinig ko?

"H-huh? Ako? Di ba kayo nagkakamali?" Tanong ko ulit sa kanila.

"No we are not. We just saw you and your beauty." Sabi nila. Linapit niya ang kamay niya na para bang makikipag-handshake siya. Wala na rin akong magagawa, nakipag shake hands nalang din ako. Pagtapos nun ay bumalik na sila sa mga chairs nila. Oh! So kaklase ko sila? Bakit hindi ko alam. Ay ewan, bahala na.

Lunch break na at hindi ko pa nakikita si Jar, saan kaya siya? Sana okay lang siya. Nakaupo ako sa seat ko ng pumunta si Pat sa harap ko.

"Pat, bakit nandito ka?" Tanong ko sakanya.

"Tara sabay tayong kumain." Aya naman niya sakin ng may halong pagpapa-cute.

"I guess I have no choice. Let's go. I need to review, malapit na test natin" sabi ko sakanya. Naglakad na kami hanggang sa canteen kaso bigla akong napatigil noong nakita ko si Jar sa isang bench. Parang may hinihintay siya. Lalapitan ko sana siya para ayain na kumain kaso biglang may dumating na babae, sinalubong niya yung babae ng yakap at ngiti. Napatigil ako sa kinatatayuan ko, tinitgan ko silang dalawa hanggang sa lumayo sila. Noong tinawag ako ni Pat at doon palang ako naalis sa pagkatulala.

"Are you okay ate?" Pagaalala niya.

"Yes Im fine, let's eat. Im hungry." Sabi ko nalang at nauna na, pagkarating namin sa canteen ay wala namang masyadong tao. Pumila na kami at bigla na lamang may bumangga sa amin.

"Excuse me, can you get out of the way?" Pagtataray naman ng babae.

"Im sorry but we came here first ate." Sagot naman ni pat. Hinawakan ko nalang si Pat na parang sinasabing tumigil na lang siya.

"Pabayaan mo na sila Pat, paunahin mo na sila." Bulong ko pero parang narinig nila ako. Tinignan nila ako.

"Oh, may kasama ka pala. I didn't know that you like to hangout with nerds. By the way, ang ganda mo pa naman but you don't have taste at choosing friends." Sabi niya at itinapon ang isang baso ng tubig sa akin.
"Oops, Im so sorry. I didn't mean it. Haha!" Sunod na sabi niya at umalis na siya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Yinakap nalang ako ni Pat

"Ate I'm sorry.sorry.sorry." Sunod sunod na sorry ang natanggap ko.

"Wala kang ginawa, its okay." Sabi ko sakanya. "Cr muna ako okay? Magpapalit lang ako ng damit." Paalam ko sakanya. Sasamasana siya ngunit pinigilan ko nalang siya. Tumakbo nalang ako at pagkalayo ko ay bigla nalang tumulo ang luha ko, why is this happening to me? Why is the world so cruel? May mali ba samin? Habang naglalakad ako at nasa harap na ako ng locker ko, kinuha ko ang extra uniform ko at umalis na. Ngunit ang may nagpatigil talaga sakin ay si Jar. Kasama niya yung babae. Nakita ko sila sa stairs, bigla nalang ako napatakbo nung naghalikan sila. What am I doing? Bakit ako apektado? Andaming problema ang nangyayari sa akin. Gusto ko nalang matulog. Pagkapasok ko sa cr ay nilock ko ito. At nagbihis nalang ako, pagtapos ko ay tumingin ako sa salamin. Tinanggal ko muna ang malaking salamin ko, tinignan ko ang sarili. Wala namang bago sa mukha ko ngayon. Natanggal lang ang salamin ko. Im still not beautiful nor sexy as them. Inayos ko na ang sarili ko at bumalik na sa canteen, hinanap ko si Pat dahil madami na din ang tao sa canteen.
"Hi Pat." Nag smile na ako sakanya.

"Hello ate." May pagka malungkot ang tono niya. Parang kanina lang ang saya niya.

"What's wrong?" Pagkatanong ko palang sakanya ay yinakap niya ako at bigla siyang umiyak. Pinakalma ko muna siya at tinanong kung bakit siya umiyak.

"Kapag sinabi ko ba, hindi ka magagalit sakin?" Seryoso na sabi niya.

"Yes, tell me. I don't wanna see you crying okay?" Sabi ko sakanya

Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ng bigla na siyang nag salita.


"Ate, I think I like kuya Jar." Sabi niya at umiyak ulit.

What?! Bakit bigla nalang akong nalungkot sa sinabi ni Pat. Bakit parang hindi ko matanggap?

Now Im confused.


[A/N: Hi guys, missed me? Sorry I've been busy.]

Please like comment and vote!

Thankyou.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 05, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Great Special Love Where stories live. Discover now