Chapter 2

8 0 0
                                    

Pira's POV




Nauna akong bumalik sa room dahil may kukunin pa si Yumi sa locker niya





"Hey" Sabi nung lalaki kanina at mukhang ngingiti ngiti na ang itsura niya ngayon





Hindi na kagaya kanina na umuusok ang ilong sa galit haha


"Hey?" Ulit niya pa





"Ano?" Walang pake kong tanong sa kanya


"I said excuse me😉 Mrs. Aragon told me that I will sit beside you"



Wtf? Nasa likod nga pala ako at wala ng pwedeng upuan bukod sa tabi ko.



Ang malas ng araw na to



Sobra




"Mukhang sinadya mong gawin yun sakin kanina noh? Para mapansin kita? Sinubukan mo pa talaga akong banggain ah. Very wrong" Napatingin naman ako sa gilid ko


Ganon ba talaga kakapal ang mukha ng isang to?


Hindi ko nalang siya pinansin dahil unang una ay wala akong pake sa kanya




At pangalawa eh hindi ko naman siya kilala


"Siguro naman ay kilala mo na ako? The one and only Caid Owere Domingo"


"Hindi kita kilala at wala akong balak na kilalanin ka" Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya




Ang dami niyang sinabi, hindi naman ako nakikinig tss sadyain ko daw bang banggain yung kotse niya? Tss as if naman alam kong siya ang may ari non



"Pira! Pwede mo ba akong turuan sa lesson natin sa Math kanina? Hindi ko talaga naintindihan eh" huh?


"Ahh---ehh ano bang diniscuss kanina?" Sabi ko kay Precious dahil wala talaga ako sa huwisyo ngayong araw na to


Narinig ko namang tumawa yung katabi ko


Naglesson pala kami sa Math? Bakit ba hindi ko narinig ang teacher ko na nagdiscuss? Tsk




"Tsk hindi ako nakinig kanina Precious. Di ko alam yan" Sabi ko dahil hindi ko talaga alam kung ano yung diniscuss kanina



"Bakit ka kasi sa kanya nagpapaturo Precious? Hahahahahaha hindi naman mukhang genius ang isang yan" Sabi nung... Caid! Akala niya kung sino siya? Tss


"A-a-ahh Caid matalino kasi si Pira, kahit bago siya dito e siya lang ang nakakasagot lagi kay Mrs. Catalina, Sir Gurno at sa iba pa" Pagmamalaki ni Precious sakin


Tama naman siya don


"Tss nandito na ako, mas matalino ako dyan haha" Subukan natin Mr. Caid Owre Domingo kahit hindi pa kita kilala ay alam ko ng palaban ka.


Higit na mas palaban nga lang ako kaysa sa yo


Ekonomiks na ang sunod na subject kaya natutuwa ako dahil si Sir Gurno na. Siya lang naman ang teacher namin sa Ekonomiks na walang ibang ginawa kundi ang magtanong ng magtanong kahit na anong usapan may maitanong lang tsk



"Goodmorrning class! Ohhh Mr. Domingo! How's life? Buti naman at pumasok na ang pinakamagaling sa klase ko NOON" Natawa naman ako sa NOON ahhahahaha mukhang mas magaling nga ako sa isang to


"Mas magaling ako ngayon sir. Partida naospital pa ako sa lagay na to ha" Nagtawanan naman ang buong klase maliban sakin syempre




Matagal na palang dito pumasok ang isang to. Nalate lang daw ng pasok ngayon dahil nga sa naospital daw.



Tss wala akong pake






"Sige nga subukin natin yang galing mo Mr. Domingo"


"Pamilyar ka ba sa topic natin na Pagkonsumo?" Napangiti ako dahil alam ko ang bagay na ito at mukhang hindi alam ng Caid na ito ang tanong ni Sir


"Pagkonsumo??" Tanong ng Caid na to


"Yes! Pagkonsumo! So sa salitang ito, ano ang unang pumasok sa isipan mo?"


"A-ahhhh Sir kagagaling ko lang sa ospital. Wala akong nalalaman sa bagay na yan at.... sir naman eh!" Nagtawanan naman halos lahat hahahah ang yabang kasi wala naman palang ipagyayabang


"Nabubwiset ako! Sinisimulan niyo nanaman ako! Ms. Punzalan tayo!!" Sabi niya kay Precious na kasalukuyang nanginginig


"S-S-sir?" Halata mong kinakabahan siya dahil sa boses niya


"Kagaya ng tanong ko kay Mr. Domingo. Ano ang unang pumasok sa isip mo ng marinig mo ang salitang Pagkonsumo?" Mukhang hindi niya din alam dahil napapapikit nalang siya sa takot kay Sir Gurno


"Mga wala kayong kwenta! Pinag-aaral kayo ng magulang niyo tapos hindi kayo makikinig sa guro ninyo?!" Nainis ako sa sinabi niyang iyon dahil unang una ay hindi niya pa naman tinuturo ang mga bagay na yon


"Tss hindi mo pa nga tinuturo ang 'Pagkonsumo' na yan eh" Mahinang sabi ko ngunit narinig agad ito ni Sir Gurno


Alam kong hindi tama na sabihin ko iyon pero ganito na talaga ako.


"May sinasabi ka ha?!" Sabi niya habang papalapit sa akin


Kasalukuyang tumatawa ang katabi ko dahil akala niya siguro ay wala akong maisasagot kay Sir


"May tanong ho ba kayo?" Sabi ko kay Sir


"Kahit kailan ay ubod ka ng yabang! Dalawang buwan palang tayong magkakilala ngunit parang matagal na kitang kakilala! Ang kayabangan mo ang lagi kong naaalala sa tuwing nakikita kita!" Parang timang eh ang dami pang sinabi


"May tanong ho ba kayo?" Pag-uulit ko ng tanong


"Uulitin ko pa ba? Aba naman kayo! Ilang ulit na ako dito may maisasagot ka ba? Ano ang pagkonsumo!?" Pasigaw niyang sabi sabay balik sa table niya


"Ang pagkonsumo ay tumutukoy sa paggamit ng mga konsyumer ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang kanilang mga kagustuhan" Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko at ang iba ay nakahinga ng maluwag


"Sa wakas ay may nakasagot din! Simpleng pagkonsumo hindi niyo alam? Mr. Domingo? Ms. Punzalan? Ano ba naman yan! Nakakadisappoint kayo!"


"Naka tsamba ka ah" Bulong sakin ng katabi ko


Tss


"Class ginagamit ng konsyumer ang isang produkto dahil mayroon itong dulot na utility so ano nga ba yung utility? Any one?" Mukhang wala na namang may balak na magtaas ng kamay kaya ako nanaman ang tinawag niya


"Tayo Ms. Lopez at pag hindi mo nasagot ang tanong ko ay damay damay ko kayong ibabagsak sa performance! Bilis! Ano ang utility?"


"Hahah goodluck lesby" Nabwisit naman ako sa katabi kong kanina pa ang daming sinasabi


"Ms. Lopez! Ano hindi mo alam? Walang kwe----" Hindi ko na pinatuloy ang kanyang sasabihin


"Ang utility ay ang kasiyahan o satisfaction na nakukuha sa pagkonsumo ng produkto o serbisyo. Maaari din itong ipakahulugan bilang kapakinabangang dulot ng pagkonsumo. Any questions, sir?"


"Pasalamat kayo at nakasagot ang isang to! Mag-aral kayong lahat dahil may recitation tayo bukas! Okay class dismiss!" Ang lahat naman ay nagsitayuan dahil lunch break na

STONE COLDWhere stories live. Discover now