Chapter 25

87 9 2
                                    

Sorry for the typo,and wrong grammar..
Enjoy reading...





Third Person's POV

Nang nakarating si Irene sa bahay nila nakita nya ang kanyang nanay,kapatid at si Keesha na nakaupo sa sofa. Binati siya ng mga ito ,nginitian nya lang ang mga ito at dumiretso agad sa kwarto nya.Nag aalala naman ang tatlo ng makita ang mukha nya na may bakas pang luha sa pisnge.Gusto man nilang sundan si Irene sa kwarto ay mas minabuti nalang nilang hayaan muna itong mag isa.
Pagpasok ni Irene sa kwarto nya ay agad nyang isinarado ang pinto at di na nya nakayanan ang sakit na nadarama nya kaya napasandal nalang sya sa pinto ng kanyang kwarto at doon umiyak
Ganon din si Ericson,nang makauwe sya sakanila ay agad sya nagtungo sa kwarto nya at doon sya nag iiyak, lahat ng sakit na nararamdaman nya,sakit dahil nasaktan nya ang babaeng pinaka mamahal nya,sakit na dulot ng pakikipaghiwalay nya kay Irene, iniisip palang nya na hindi na nya makakasama si Irene ,ay parang gusto nalang nyang mamatay.
"Bakit ba nangyayari sa akin to?" Tanging naitanong nya sa sarili nya.

Kinabukasan ,tanghali na pero hindi pa rin lumalabas ng kwarto nya si Irene,alalang alala naman ang ina nito at knyang kapatid pati na rin ang bestfriend nyang si Keesha.Maya maya ay dumating si Mia upang kamustahin si Irene. Naabutan nya si Ivy at ang ina nitong si Amy

"Hi Iv's hi po tita" malungkot na bati nito

"Kamusta na ho si Ate Irene?"  Dugtong na tanong nito

"Di pa sya lumalabas ng kwarto nya eh" nag aalalang sagot ni Amy

Inutusan naman ni Amy ang dalawa na kausapin si Irene upang kahit papaano ay gumaan ang loob nito
Sumunod naman ang dalawa,kumatok muna sila at nagsalita

"Ate pwede po ba kaming pumasok ni Mia?"  Sabi ni Ivy

Wala silang narinig na sagot tatalikot na sana sila ng bumukas ang pinto,nakita nila si Irene at nginitian sila nito(saying na pasok kayo) pumasok ang dalawa ,pinagmasdan lang nila ang gagawin ng ate nila, umupo ito sa gilid ng kama at tumabi naman ang dalawa.

"Ate?" Tawag pansin ni Mia kay Irene

"Bakit?" Walang reaksyong sagot nito

"Hmmm,, ate nakapag usap na po ba kayo ni kuya?"  Mahinang usisa nito
Tumango lamang si Irene bilang sagot

"Alam mo na po yung tungkol sa...?" Napakagat labi si Mia ng titigan sya ng makamatay look ni Ivy kaya napahinto sya sa sasabihin nya

"Oo alam ko na rin ang tungkol sa anak nila ni Ingrid" pilit na ngiti ni Irene ng sumagot

"Ate kilala mo po ba yung ex ni kuya Ericson,?"  Tanong naman ni Ivy

Umiling lamang sya bilang sagot

"Ayyy wait ate,ako may picture ako ni Ate Ingrid" pagpe prisenta naman ni Mia
Inilabas nya galing sa bag nya ang solo  picture ng babae

"Eto po sya ate"  sabay abot ni Mia ng picture kay Irene

"Maganda nga sya at muka pang mabait,kaya pala na inlove si Ericson saknya" sabi ni Irene ng makita ang picture ni Ingrid

"Tinawagan kana po ba ni kuya?" Tanong ni Mia
Pero hindi sumagot si Irene

"Hindi ka na po nya tinawagan o kinausap ulit?" Tanong ulit nya

"Alam nyo, there's something i've learned from living. Yun ay ang Hindi mo kayang diktahan ang kapalaran mo,You can't predict your happines,hindi mo alam kung hanggang kelan ka magiging masaya,hindi mo alam kung kelan ka magiging malungkot" usad ni Irene habang pinipigilang wag tumulo ang luha.Naaawa naman saknya ang dalawa kaya kahit alam nilang mahirap pasayahin ang ate nila ay sinubukan pa rin nila

Only Me and You (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon