♂ Chapter 7 ~ 1st Practice Day ♀

2.4K 47 14
                                    

Sobrang kuyom na ng kamay ko. Halos bumaon na yung kuko ko sa palad ko sa sobrang inis. Nakakaasar kasi sya!

Bwisit!

Peste!!!

Ano ba namang klaseng partner tong taong to?

Sarap sarap na nga ng umaga ko.

Lakas naman mambadtrip nitong asungot na to!

Grrr!!!

(+_____+""")

Naku! Humanda ka Jairon Caleb Shibata! Bahala kang mapahiya mamaya. Wag mo lang akong idadamay.

Kasi... Ganito yung nangyare kaninang umaga...

One week na rin akong nakakalabas ng ospital. Wala lang.

Simula nun, si Papa na lang ulit nakausap ko after nung drama with the Witch. Miss ko na si Papa. Huhuh. Ayaw pa kasing uuwi dito at samahan ako, para may kakulitan ako.

Ang rason naman nya, di daw nya maiwan si Witch. Tsaka laging dapat daw na magkasama sila lagi. May mahal daw ang isa't isang kalokohan pang sinasabi. Ayaw pa kasing aminin na ayaw nyang mamili ng sides samen ni Witch.

Syempre, asawa nya yun.

Ewan! Buti pa si Uncle Joe at Tito KR... Di man ako nanggaling sa mismong dugo at laman nila, mahal na mahal nila ko at di iniiwan kahit minsan topakin ako.

Bumangon na ko dahil sumisikat na ang araw. Naramdaman ko rin kasi na gumagalaw na yung katabi kong matulog.

"Morning Kenshin." bati ko sa aking adorable puppy.

Sya ang kapalit ni Papa. Sya daw ang magbabantay saken.

Oo, as in Kenshin Himura. Favorite ko yung panoorin dati with Kuya nung nasa Japan kami. Super hit nun, at tuwang tuwa ako sa kanila ni Kori.

Anyway, halos matawa naman ako sa sinabi ni Papa. Magbabantay. Eh tutang Japanese Spitz pa eh. Tas ang lambing lambing pa. Ang cute nga eh. As if naman ang ganitong ka-adorable na creature eh mangangagat kahit nasa panganib ako.

Pinanggigilan ko pa sya ng maigi at niyapos ng mahigpit. Halos umingit na nga eh.

Naligo na ko at pagkatapos eh naglakad ako papuntang walk - in closet. Oi, hindi ako hubad na pumunta dun. Naka-towel naman ako. Pero may tulu-tulo ng tubig na naiiwan sa sahig pag nalalagpasan ko.

Lagot nanaman ako nito kay Manang.

(^______^)

Pagpasok ko, kinuha ko na agad yung remote ng cabinets na nakasabit sa may ding ding pagkapasok.

May mga taong nagsasabi na parang mall na daw tong kwarto ko. Ang dami kasing ka-ekekan na pinagawa ng With na yun.

Nagpadesign pa talaga sa isang famous interior designer sa France, kaya may Paris feeling tong closet na to. May coft couch sa gitna para upuan. Parang showroom na to dahil sa hitsura.

Mapapakinabangan ko pa siguro yung mga designer shoes at clothes, kasi nagagamit ko naman sila. Eh aanhin ko yung mga alahas at make up. Eh hindi naman ako mahilig maglagay ng kung anu-ano sa katawan at mukha ko.

Maliban na lang siguro talaga sa mga events na pinipilit akong paatendin ni Witch. Yun. Dun ko sila nagagamit.

I dialled 2894. Biglang bumukas yung malaking cabinet sa may left side ng kwarto ko.

Lumapit ako at naghanap ng super simpleng damit na mahahanap ko dun. Dress kasi dapat ang suot namen ngayon.

Dress kasi may rehearsals na para Mr. And Ms. FW.

Boy Meets Girl 1: Boyish|Bratty Princess meets the Snob|Playboy Prince [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon