Dear Aaron,
Ilang araw tayo hindi nagkita. Tuwing tinetext kita lagi kang busy. Busy sa barkada mo. Busy sa basketball practice mo. Busy ka sa mga bagay bagay.
Busy ka nalang lagi.. Ilang araw nakong nagmukmok nun.. Tas isang araw nag text ka sakin...
Ikaw:
Kita tayo sa Rooftop. Now na.Ako naman tong si tanga. Kinilig. Kasi finally makikipagkita kana sakin. After ng ilang linggo ng pagiging busy mo.
Dali dali akong tumakbo papunta g Rooftop. Naeexcite ako na makita ka nun kasi miss na miss na kita.
Pagdating ko sa rooftop. Nakita kita. Yayakapin na sana kita nun kaso anong ginawa mo? Tinulak ll ako palayo. Tinignan at nilayuan na para bang may nakakadiri akong sakit. Ang sakit.
Pero alam mo kung ano yung pinakamasakit dun? Yung mga katagang sinabi mo sakin.
'Mag break na tayo. Ayoko na sayo. Kasi ni minsan hindi kita minahal! Hindi kita Mahal, Minamahal at Mamahalin. You're just part of the bet.'
Ang sakit pala na marinig mismo sayo na di moko mahal. Na parte lang ako ng pustahan niyong magkakaibigan. Na isa lang malaking biro ang relasyon natin.
Kaya pala... ngayon alam ko na. Yung mga patago nating pagtatagpo. Yung mga pagbibigay mo sakin ng regalo ng patago. Kaya pala..
Unti unti isa isa naglaglagan yung mga luha ko... Ang sakit.. Ang sakit sakit sobra..
Love
Julia...***
BINABASA MO ANG
Sabi Mo Ako Lang?
Short StorySinabi niya na ako lang daw ang mahal niya.. Pero sabi niya lang pala yun..