Pakakawalan na kita..

626 11 2
                                    

Dear Aaron,

Sa araw araw na pumapasok ako aa eskwelan, sa bawat oras na nakikita ko kayo na magkasama nagtatawanan, nagkukulitan... Yun ang mga sandali na sobra akong nasasaktan. Gusto ko magwala sa harapan niyo, gusto kong sabihin na manloloko ka.

Pero, di ko magawa. Kasi nakikita ko na masaya sayo ang kaibigan ko. Nang dahil sayo lagi na siyang nakangiti. Naging masayahin na siya. Kaya sino ba naman ako para ipagkait sakanya ang kasiyahan na yun?

Mahal kita. Oo mahal na mahal kita. Pero mas mahal ko ang kaibigan ko. Okay na masaktan ako ng paulit ulit. Wag lang siya, kasi alam ko na sobrang sakit na ng pinagdaanan niya.

Kaya, titigilan ko na to. Titigilan na kita. Lilipat nako ng ibang school. Lalayo na ako sainyo. Kasi di ko kakayanin yung pain e. Di ko kayang makita ka na masaya na sa piling ng iba. Hindi ko kaya na makita ka na ngumiti ng sobrang saya na ni minsan di mo nagawa sa harapan ko.

So, now I'm letting you go. I'm letting all of our memories together go. Kahit na alam kong pagpapanggap lang ang ginawa mo.

Love,
Julia

Sabi Mo Ako Lang? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon