Old Woman ?

5 0 0
                                    

HAPTER 1
(Narrator's POV)

Maagang nagising si Trevor. Nag breakfast , naligo , nagsuot ng uniporme.
"Beeeeeep"
"Wait a minute mom , im comi'n" sagot ni Trevor sa busina ng kotse nila.
Wala ng Ama si trevor , tanging sila nalang mag ina ang magkasama sa buhay. Ngunit hindi sila naghihirap sa katunayan nagmamay-ari sila ng isang malaking kompanya. Pagawaan ito ng Libro. Noon pa man ay mahilig na magbasa ang parehong magulang ni trevor ng libro. Dahil sa hilig magbasa ipinangalan si Trevor sa isang libro na paboritong basahin ng mga magulang nya.
Dahil sa isang aksedente , kaya namatay agad ang daddy ni Trevor. Nabangga sa isang truck ang sinasakyan nito.
"Late na'ko sa meeting trevor" wika ng mommy nya.
"Im sorry mom, tayo na po".
Pagdating sa skwelahan agad na nilapitan si trevor ng kanyang mga kaibigan na sina Linda (may gusto kay trevor ngunit di gusto ni trevor) Lara (Bestfriend ni Linda , at ang babaeng gusto ni trevor) Kurt (Bestfriend ni trevor at may pagtingin kay Lara) Joshua (May lihim na pagtingin kay Linda ) , John (Caitlin boyfriend)at Caitlin(John's girlfriend na matalik na kaibigan ni Lara).
" Hey dude"wika ni kurt.
"I'm good" sagot ni trevor.
"How's your vacation trev?" Tanong ni lara .
"Okey lang naman" sagot naman ni trevor.
"Di ka na ba minumulto?" Pang-iinsulto ni John na may kasamang halakhak.
"Stop it jhon"sagot naman ni Caitlin
" Why? Masama bang magtanong". Sagot ni jhon.
"Okey Lets go na nga malalate na tayo sa first class". Wika ni Linda.
(Bells Ring)
" See you tomorrow guys".wika ni Joshua .
"Sabay ka na sakin trevor". Alok ni kurt.
" Aantayin ko nalang si mom , salamat". Sagot ni Trevor.
"Okey then , mauuna na kami pare , mag-iingat ka" wika naman ni John.
Half hour ng nag-aantay si trevor pero wala pa rin ang mommy nya.
Naisip ni trevor na maglakad lakad na muna . Sa paglalakad ni Trevor isang mabilis na motorsiklo ang humahagibis . Iniwasan siya nito dahilan sa pagbangga nito sa isang matandang babae . Halos sumabog ang dibdib niya sa sandaling iyon. "Muntikan na ko dun". Wika ni trevor sa sarili. Napalingon si trevor sa kabilang dako . May pinagkakaguluhan ang mga tao. Yung  ale na nabangga kitang kita ni trevor ang pag angat ng kaluluwa ng matanda sa katawan nito. Ngunit hinayaan nalang iyon ni trevor dahil normal na iyon sa kanya . mas napansin ni trevor ang isang libro na nooy di kalayuan mula sa kanya. Pinulot niya ang libro " Wala namang kakaiba sa librong ito" wika nya . ngunit bahagya syang natigilan dahil parang may malakas na hangin na bumubulong sa kanya . agad nyang inilagay ang libro sa kanyang bag.
"Trevor" tawag ng mommy ni trevor.
"Yes , mom" sagot nya na no'y halata  parin pangamba.
"What happened to you ? Pumasok ka na sa kotse" tanong ng mom nya.
"I'm okey mom . nothings happen" sagot ni Trevor.
Hindi nagkwento si trevor sa mom nya sa mga nangyare ng araw na iyon. Sinekreto lang nya , ganun din ang librong kanyang napulot. Di rin sya nagkwento sa mga kaklase at kaibigan dahil ma we weirdohan lang sa kanya ang mga ito.
Pumasok na si trevor sa kwarto. Iniisip pa rin nya ang lahat ng nangyare sa kanya kanina lang. Biglang napalingon si trevor sa bintana ng kanyang silid. Nililipad kasi ng hangin ang kurtina niya , Lumapit si trevor sa bintana. Sasaraduhan na sana ni trevor ng may maaninag syang isang matandang babae sa ibaba ng bahay nila malapit sa gate. Agad na kinabahan si Trevor at isinara ang bintana."Hindi ako pwedeng magkamali , ang matandang iyon ang nabundol kanina". Wika ni trevor sa sarili. "F*ck" gulat na nabanggit ni trevor. "Mom , bat di ka kumakatok ?". Dugtong niya. " Oh bat parang nakakita ka ng multo ? Sinisilip lang kita". Sagot ng mommy ni trevor. "I'm fine mom". Sagot ni trevor. " Okey honey , good night i love you " sabay halik sa noo ni trevor. "Love you too mom" sagot ni trevor na sobrang lambing.
Biglang naalimpungatan si trevor. Tiningnan niya ang oras. Mag hahating gabi palang . Di siya makatulog ng mahimbing. Bumaba siya at pumunta sa kusina. Uminom siya ng tubig. Ipinatong ni trevor ang cellphone nya sa lamesa bago inumin ang tubig na kinuha niya sa ref. "Asan na ang cellphone ko? Andito ko lang yun pinatong" tanong ni trevor na may halong pagtataka.
Nalibot na ni trevor ang buong kusina ngunit di pa rin nya makita ang cellphone nya ng biglang.
"KRING .. KRING .. KRING"
Nagmumula sa sala ang tunog. Dali daling pumunta si trevor sa Sala. "Sa wakas andto ka lang pala. Pero paano kaya to napunta dito?". Tanong ulit ni trevor na may halong takot. Aakyat na sana si trevor ng hagdan ng mapansin nya yung libro na napulot nya kanina. " Bakit nandito rin ang librong to ? E , di ko pa nga to inaalis sa bag ko magmula kanina". Takot na tanong ni trevor sa sarili. Kinuha ni trevor ang libro at nooy umakyat  na at nagtungo sa kanyang silid. 2:25 am na pero gising pa rin si trevor tinititigan ang libro at iniisip parin kung bakit na punta ito sa sala gayung hindi naman nya ito inilabas sa kanyang bag. Kinuha ni trevor ang Libro at binuksan. "Wala na man palang nakasulat , interisado pa naman sana ako". Wika ni trevor sabay tapon ng libro sa napunta sa ilalim ng kama nya.
" Oh my God im late." Wika ni trevor na gulat na gulat pagtingin sa orasan.
"Mom .. Mommy" Tawag ni trevor sa mommy nya. Walang sumasagot . Napansin ni trevor ang notes. "Honey , di na kita ginising ang sarap pa kasi ng tulog mo , gamitin mo nalang ang isang kotse para sa pagpasok mo . I love you"

-Mommy

"Hay nako si mommy talaga" Wika ni trevor na noo'y napakamot sa ulo.
Dali-Daling bumaba si trevor . Naabutan nyang nag aasikaso ng breakfast nya ang kasambahay nila .
"Aling Tasing , kanina pa po ba nakaalis si mom?" Tanong ni trevor.
"Oo anak , ang sabi sakin e , paghandaan nalang daw kita ng breakfast may aasikasuhin daw sya isang linggo syang mawawala." Sagot ni aling tasing kay trevor.
"Ganun po ba ? Salamat po" sagot ni trevor.
Matagal ng kasambahay si aling tasing ng pamilya Conde. Nagsisimula palang na mag-asawa ang mommy at daddy ni trevor ay kasambahay na nila ito kaya anak na rin ang tawag nito kay trevor. Matandang dalaga kase ito , hindi na nag-asawa dahil mas pinili ang manatili sa pamilya conde dahil mababait din naman ang mga ito.
"Aling tasing mauuna na po ako" ani trevor .
"Oh sige anak , mag iingat ka" sagot ni aling tasing
Pag pasok ni trevor sa kotse inayos nya ang salamin nito.
Kitang kita ni trevor isang mukha na duguan . Muling nagpakita sa kanya ang matandang babae na nabundol ng motorsiklo. Agad na binuhay ni Trevor ang engine at mabilis na pinatakbo ang kotse.

Read DeathWhere stories live. Discover now