Kurt's Death

8 0 0
                                    

CHAPTER 2
(Trevor POV)

Takot na takot ako , Nakita ko nanaman ang matandang babae na nabundol ng motorsiklo kahapon. Bakit sakin sya nag papakita?
Ano bang kaylangan nya ?
Late na ko nakarating sa school . 2nd subject nalang ang pinasukan ko . Pumunta ako ng C.R para maghilamos . Tinititigan ko ang sarili ko sa salamin . Biglang nagpatay sindi ang ilaw . Eto nanaman , Magpapakita na naman sya. "Sino ka ba ? Anong kaylangan mo sakin ?" Bulalas ko kahit wala akong kinakausap. "Magpakita ka , Bakit ako ? " dugtong ko. Biglang tumigil sa pagpatay sindi ang mga bumbilya sa C.R pero hindi parin tumitigil ang kaba ng dibdib ko.
Pumasok na ako sa 2nd subject ko.
"Oh bat Late ka ? At parang takot na takot?" Tanong ni John.
"Wala , late lang akong gumising" Sagot ko.
"Pare , masyado kang nagiging praning Lately , dati naman di ka ganyan" Ani Kurt.
"Ano ibig mong sabihin kurt" Pagtataka kong tanong.
"Nakalimutan mong mag tie" sabi naman ni Linda
"Naku , Wala ito sinadya ko yan" Sagot ko kahit nakalimutan ko naman talaga dahil sa pagmamadali.
"Kapag may problema ka sabihin mo lang okey , andito lang ako para makinig" Ani Lara habang nakangiti.
"Hindi okey lang talaga ako" Sagot ko naman.
"Baka naman kasi may nagpapakita nanaman sayo pare" tanong ni joshua.
"Oo nga kaya ka nagkakaganyan" dagdag ni Caitlin.
"Actually .... "
Biglang naputol ang sasabihin ko dahil dumating na ang teacher namin.
(Bells Ring)
"Trev.. Naputol yung sasabihin mo kanina ano yun" tanong ni Caitlin.
"Ah .. Yun ba wala yun" Sagot ko.
"Kain tayo sa labas sagot ko" dagdag ko para maiba ang topic. Alam ko kasing pagtatawanan nanaman ako kapag nagkwento ako sa kanila.
"Oh sige pare , kami pa ba ang aayaw" Ani Kurt.
Palabas na kami ng gate ng biglang may nakabangga ako , Liningon ko kung sino , wala naman kase halos palabas na rin ang mga nasa likuran namin. Paglingun ko sa harap ko bigla akong napapikit . Nasa harapan ko yung matanda . Nagpakita sya ulit. May gusto syang sabihin sakin pero diko maintindihan.
"Trev . . hoy anong nangyayare sayo? Trev ! Trev .."
Si Lara habang hawak ang braso ko . Pilit akong Pinakakalma.
"O . . O..key lang ako" sagot ko
"Hindi ka okey trev" Sagot naman ni Lara
"Okey lang Ako ano ba ?" Galit kong itinulak si Lara.
"Hoy pare bastos ka ah bat mo tinulak si Lara ?" Ani kurt sabay Suntok sakin .
Gumanti rin ako ng suntok .
"Ano ba stop it" ani Lara sabay takbo ng mabilis.
" Sinira mo pagkakaibigan natin pare" ani kurt na nooy agad ding umalis.
Anong nagawa ko ? Nasaktan ko si Lara ! Ngayon ay galit narin sakin kahit si kurt . lalayuan narin ako ng barkada pero mas mabuti na rin siguro yun.
Kaylangan ko muna tapusin kung anong meron dito sa Libro at sa matandang babae na yun.
Gabi na naman di ulit ako makatulog.
Kinakabahan na naman ako sa mga posibleng mangyari.
Ipinipikit kong pilit ang mata ko pero di ko pa rin malimutan ang nangyare nung araw na iyon.
(Kurt's POV)
Niyaya ko si Lara na ihatid nalang sa kanila.

Salamat naman at di nako nahirapan sa pag pupumilit sa kanya.
Ewan ko ba pero gustong gusto ko talaga si Lara !
Mababaliw ako kapag mawala sya sakin.
Alam kong gusto rin nya ako hanggang sa ..
*Flashback*
Nag transfer si trevor sa paaralan namin 2 years ago.

Grade 10 palang kami nun.

"Hi im trevor Conde"
Napunta sa kanya lahat ng atensyon.
Dati ako ang tinitilian ng mga kababaihan ngayon sya na.
Pati ang babaeng mahal ko sya na rin ang mahal.
Naiingit ba ako ? O sadyang insecure ako sa kanya kasi alam kong gusto sya ni Lara.

Pero hindi ko akalain na magiging bestfreind ko sya.

"Oy .. Baka matunaw yan" saway ko kay Lara habang titig na titig kay trevor.

"Ang gwapo nya noh" Sambit ni lara na inilagay ang kanang kamay sa may bandang baba nya .

"Susss .. Inlababo ka ? E , andito naman ako" pabiro kong sabi habang nakangiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Read DeathWhere stories live. Discover now