Chapter 1
[Cassidy Forthwayne's POV]
"Aray ko bes! Dahan dahan naman!" sigaw ni Sandria kay Kiana na ngayon ay nagpapagpag ng palda. Sa sobrang curious kasi ni Kiana ay di niya alam na napatakbo na pala siya kay Sandria at nadaganan na ito.
"S-Sorry bes...k-kasi.."
nauutal na sabi ni Kiana. Tinapat ko ang aking flashlight sa kung saan yung tinitignan ni Kiana at nakitang puro halaman lang naman ito. Napabuntong-hininga nalang sila Eli.
"Wala naman bes eh,bakit ba?"
"P-Para kasing..may n-nakamasid satin."Kinilabutan ako sa sinabi ni Kiana. Palabiro ito pero makikita mo talagang seryoso siya at takot.
"W-Wag mo naman kaming takutin K-Kiana."
As usual,ang mayabang na kaibigan naming si Blake ay takot na,oo,takot sa multo hahahaha.
"Tara na nga,guni-guni mo lang yun."
Utos naman ni Zeke. Andito kasi kami sa isang di malamang lugar. Para itong gubat pero kakaiba ang mga halaman dito. Parang sa Avatar,yung may umiilaw pero ganun pa din ang mga hayop,walang pinagbago,pangit pa rin ang palaka kekeke.
May hinahanap kasi kaming unibersidad na matagal nang lihim. Kinwento sa amin ng Lolo ni Sandria ang tungkol dito at binigay sa amin ang mapa dahil dito daw namin masasagot lahat ng aming tanong,kung bakit kami may kapangyarihan,sila lang pala,sinabit lang nila ako. Hindi kasi sila tanggap at marami ang gulat sa mga kakayahan nila,at nadamay ako pero di ko pinagsisisihan yun,kaibigan ko sila at kahit anong mangyari ay walang mag-iiwanan.
"Naaamoy niyo ba yun?"
Biglang tanong ni Eli. Hindi ko maamoy dahil feeling ko sinisipon ako dahil sa sobrang lamig.
"Wala akong maamo---"
natigilan ako ng may naaninag akong lalaki sa malayo. May makislap sa kamay niya at nakita kong kutsilyo pala ito,kutsilyong may bahid ng dugo.
"G-Guys?"
Tanong ko habang nakatuon pa rin ang aking mga mata sa lalaki.
"Ang sangsang ng amoy."
Iritang sabi ni Sandria.
"P-Parang amoy,d-dugo?"
Sabi ni Blake. Habang abala sila sa pag-iisip kung ano ang masangsang daw na amoy na yon ay nakita kong ngumisi sa akin ang lalaki at unti unting naglakad papalapit sa amin. Nangilabot ako.
"G-Guys.."
"Bakit Cassy?"
"M-May lalaki. Papatayin niya tayo."Turo ko sa malayo. Nakita din nila iyon at nagulat nalang ako na tumatakbo na ito.
"TAKBOOO!!!!"
Sigaw ni Zeke.
Di na namin alam kung saan kami dadalhin ng mga paa namin sa kakatakbo pero ang gusto lang namin ay malayo sa lalaking iyon. Oo,may mga kapangyarihan sila pero di ko alam kung bakit di nila ginagamit. Ako ang nahuhuli dahil nanginginig ang tuhod ko pero di naman sila malayo sakin.
"Cassy! Bilisan mo!"nag-aalalang sigaw ni Eli. Bilisan ko man ay mas mapapadali akong mapagod. Naririnig ko na ang halakhak nito at saktong natisod ako sa isang kahoy na siya namang kinadapa ko.
Napalingon ako sa likod ko,nasa harapan ko na ang lalaking may hawak na kutsilyong may bahid ng dugo,nanigas ako sa kinalalagyan ko. Ngumisi ito sa akin. Nakakatakot.
"Maaari ko bang makita kang sumisigaw sa sakit habang sinasaksak ng paulit ulit?"
nangilabot ako sa sinabi nito.
"Cassy!"
Parang huminto ang lahat ng nasa paligid ko. Nakita ko ang kutsilyo ng lalaki na unti unting lumalapit sakin. Napapikit nalang ako ng bigla itong tumigil sa paghinga at narinig ang pagbagsak.
Nanginginig kong minulat ang mata ko at nakita itong nakahiga na sa sahig at walang buhay. May kutsilyo ito sa likod at may gilit sa leeg ngunit di ito ordinaryong kutsilyo lamang.
Nakita ko ang lalaking nakasuot ng itim na cloak at natatakpan nito ang mukha nito ngunit nakikita kong napakaputi nito. Kinuha niya ang kutsilyo na nakasaksak sa lalaki at pinunasan iyon gamit ang dila niya,mas kinilabutan ako.
Bago pa man ako makapagsalita ay unti unting bumigat ang talukap ng mata ko at naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko pero bago ako mawalan ng malay ay naaninag ko ang lalaking nagligtas sa kin,lumapit ito sa akin at naramdaman ko nalang na nagdilim nalang lahat.
YOU ARE READING
The Gangster's Queen
Mystery / ThrillerWill they survive? Or they'll end up,lying down and showering with their own blood?