Chapter 2: Black Rose

4 0 0
                                    

Chapter 2

[Cassidy Forthwayne's POV]

Nandito ako sa isang madilim na lugar at tanging paghinga ko lang ang naririnig. Nakakatakot ang kadiliman pero nagulat ako sa pagpatak ng kung anong meron sa aking kamay. Tinignan ko ito at nanlumo,may hawak akong di ordinaryong kutsilyo at sa kabila naman ay isang silver chain,at naliligo ito sa dugo.

"Cassidy..."
"Mapanganib ka.."
"Naaamoy ko ang kamatayan sa iyo..."
"Isa kang demonyo.."

Napatakip ako ng aking bibig ng biglang mayroong mga patay na tao ang tumambad sa akin,na may marka ng silver chain sa iba't ibang parte ng katawan,mga saksak,at iba pa.

Napaupo ako at naramdaman ang pagbabago ng aking anyo na lumitaw sa isang salaming basag. Napakaputi ko,ash gray na buhok,mahaba't kulot ang babang parte ng buhok ko,nag-iba ang kulay ng aking mata na ngayon ay silver na,at ang aking suot,nag-iba din. Pero habang tumatagal,may lumilitaw sa suot ko na dugo,paakyat sa aking bewang.

Mga ngiting pumapatay sa aking labi. Napasigaw ako.

Nagising ako habang tagaktak ang pawis at hinihingal ako,para akong nauubusan ng hininga. Panaginip lang pala,pero mukhang totoo at di ko na iisipin pang magkatotoo iyon.

Pinagmasdan ko ang kwarto,kulay puti,walang ibang nakalagay kundi isang bedside drawer na maliit,isang vase na kulay pula at puti ang rosas,at isang pinto.

Tumayo ako at naramdaman kong sumakit ang siko ko,dahilan siguro ng pagkakadapa ko kahapon..Shit...so totoo? Totoong may humabol sa amin?! At may lalaking misteryoso?! Ang gulo! Nakakapagtaka,bakit ako nginisian ng lalaking yon? At bakit gusto niya kaming patayin? Konektado ba dito ang masangsang na amoy? Lumabas ako ng kwarto at nasilaw sa paligid.

Waah!!! Ang gandaa!! Nilibot ko ang paningin ko sa lugar at para itong unibersidad,kakaiba ang mga tao,andaming bihasa sa kapangyarihan nila,at mga grupo,karamihan ay siguro akong gangsters. Bago pa man ako makatungtong sa labas ay nakita ko na sila Sandria.

"Cassyyyy!!!!"
"Besss!!!"
"Sandriaa!! Kianaaa!!"

Nagyakapan kami,haay,parang di kami nagkita ng ilang taon ah! Andito din ang mga boys,pasimpleng ngumingisi.

"Okay ka lang ba bes?!"
"May masakit ba sayo Cass?! Sabihin mo!"

Ay nako,ito talagang dalawang to.

"Ano ba,okay lang ako noh,ako pa!"

Sabay pose,tsk,wala silang pake noh duhh. Natawa sila at nagulat nalang ako dahil nakauniform sila gaya ng iba.

"T-Teka? Yung uniform...niyo." Turo ko sa uniform nila. Ang uniform nila Kiana ay long sleeves na white,may ribbon sa gitna ng collar,may black outlines at may black and silver na badge sa right part ng uniform at cute na black and white striped mini skirt,knee socks at mini boots.
Sa lalaki naman,white polo na may black outline,sa pocket nun ay andun ang badge,black slocks at black shoes. Ang cute nilang tignan!

"Maganda ba bes?"
"Shit,why am I so handsome?"
Binatukan ko si Eli,well,totoo naman pero masyadong mahangin,di ko kaya.

"Asan ba tayo?"
"WELCOME TO DARKEN UNIVERSITY!"

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Nakasuot na ko ng uniform at di pa rin ako makapaniwala,andito na kami sa Darken University,eskwelahan para sa mga may kapangyarihan.

Kinwento nila sakin kung pano kami nakapunta dito at sinabi nilang dahil sa lalaking nagligtas sa akin and speaking of my savior,dito din siya nag-aaral pero di na daw nakita ni Sandria sa bilis nitong mawala.

Lumabas na ko ng c.r ng may nakita akong lalaking misteryoso,nakakatakot ang presensya nito at makikita mo sa mata niya ang pagkaseryoso,ni hindi nga ako makatingin dito ng diretso eh. Nakakapangilabot tignan ang mga mata niya,para siyang papatay ng tao. Ang gwapo niya,napakaputi,itim ang buhok,light brown ang mata.

Naalala ko yung lalaking nagligtas sa akin,parehas sila ng presensya pero mas nakatatakot yung nagligtas sa akin. Bago ko pa man ito kausapin ay agad na itong naglaho at tanging itim na usok na lamang ang nakita ko habang may rosas na itim na nahulog mula rito,kinuha ko iyon at itinago ito.

Sino nga ba ang lalaking iyon?

The Gangster's QueenWhere stories live. Discover now