Hello! Annyeong!..
First time kong sumulat ng story dito sa Wattpad.. Sana magustohan nyo. 😊😊..
Remember hindi pa ako masyadong magaling. Pero kung meron kayung maisasuggest ay mas maganda yun.
Have fun😊..THANKS!
----------------------------------------
Kringgg!! Kriinggg!!!
Nagising ako dahil sa tunog nang alarm clock ko.May pasok pala ako ngayon kaya maaga ako ginising nang alarm clock ko.
Hays!
Inaantok pako kaya pinatay ko nalang ito at kinuha ang unan na nasa ibaba ng kama, nahulog siguro ito dahil sa kalikutan ko. Nang madampot ko na ang unan dali-dali ko naman itong tinakip sa mukha ko dahil plano ko sanang matulog ulit nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
Knock! Knock! Knock!
"Demi, iha! Gising na! Mahuhuli kana sa school mo! "
Hay! Naku! Si yaya naman oh! Inaantok pako,gusto ko pang matulog eh!
"Opo! Ito na maliligo na!.. Paki handa nalang po yung Uniform ko Yaya Merna! " sagot ko sa kanya. Pagkatapos kung sabihin yun, sinaklob ko muna yung kumot sabay lagay nang unan sa mukha.
'Iidlip muna ako kahit 5 mins lang.
Inaantok pa kasi ako eh. Hehehe'Pagkatapos kung maligo at ayusin ang buhok at mukha ko, dumiretso naman ako sa kusina upang kumain..
Polbo saka light lipstick lang nilagay ko sa mukha ko di kasi ako mahilig sa make-up saka ang totoo niyan.. di talaga ako masyadong marunong maglagay ng make-up sa sarili ko. Minsan nakakapagmake-up lang ako dahil sa mga kaibigan ko.
" anong oras ka natulog kagabi!? " biglang tanung ni Yaya Merna sa akin.
Almost 19 years ko nang Yaya si Yaya Merna. Simula bata hanggang nagdalaga ako at si Yaya Merna ang laging nagaalaga sa akin kasi laging busy si Mommy at Daddy sa business namin. Kahit masungit to si Yaya ay Mahal ko parin ito. Siya na kasi ang tumayong second mother ko at saka mas kinatatakotan ko pa sya kaysa kay Mommy. Hehehe iba kasi si Yaya magalit parang kahit anung oras kaya ka nyang katayin.
" a-ahmm.. 12 am? Maybe? " buholbuhol kung sagot sa kanya. Takot kasi akung mapagalitan ni Yaya eh saka ayaw ko ring makatay noh! Bata pa ako marami pa akung dream. Haha charot lang!
"Hating gabi kana natulog!?.."medyo galit nyang tanung.
"O-opo. " sagot ko sa kanya habang nakatutok lang ang mga mata sa pagkain ko. Diyos ko! Wag namn sanang magalit si Yaya. Nanuod lang namn ako ng K-drama kagabi eh kaya matagal akung natulog.
Huminga nang malalim si Yaya Merna saka lumapit sa akin.
Umupo siya sa upuan na nasa harapan ko at tinignan ako bago magsalita ulit.
" Tumawag pala mommy mo at kinukumusta ka sakin. " walang emosyon na sabi ni Yaya Merna.
"Mabuti naman at nagparamdam siya..." natigilan muna ako bago nagsalita ulit "Pagtumawag siya ulit sabihin mong Ok lng ako" ngiting sagot ko saka nagpatuloy sa pagkain.
Mula bata hanggang naging dalaga ako ay di ko laging nakikita sina mommy at daddy sa bahay. Lagi silang busy o di kaya may meeting. Kaya lagi nlng si Yaya Merna ang sumasama sa akin sa school kapag may activity kami o di kaya meeting and awarding.
Pero di ko sila sinisisi at kinukulit na samahan ako kasi naiintindihan ko naman sila. Na ginagawa nila ito para sa amin.
Kamuntik na akung mahulog sa kinauupuan nang biglang may tumusok na kamay sa Tagiliran ko kaya medyo na patayo ako at muntik nang mahulog. Kapag nangyari yun tiyak kung makakahalik yung pwet ko sa sahig.
YOU ARE READING
Make Me fall in Love with You
Teen FictionSi Demi Shin Peters ay isang klase ng babae na matigas pa sa bato. Maganda, mayaman, at mapagmahal na anak, kapatid at kaibigan. Hate na hate nya ang mga lalaking pabida, mayabang at saka manloloko. Qiqil na qiqil sya sa mga ganung klase nang lalaki...