'sa dami-rami ba namang pwede kong makita ay bakit yung pamumukha pa nya!? ' ..nakakainis mukhang mawawalan nko ng gana nito...Saka bat dito niya pa naisipang kumain? Siguro sinusundan nya ako. Kapal talaga nya!..
Wait!
Mukhang may kasama pa ata ang gagu.. Tss! Kailangan ko nang umalis ngayon din ayaw kung makita nya ako rito. Baka kasi magsumbatan na naman kami..
" May problema ba Sis? " takang tanung ni kuya. Siguro na pansin nya ang pagtigil ko sa pagkain.
" wala naman kuya.. Busog na kasi ako. " pagsisinungaling ko. " tara na! marami pakong assignment na gagawin. " pagpapalusot ko.
Kinunotan nya naman ako ng noo. Mukhang nagtataka na talaga sya sa inakto ko pero bahala na, ang importante ngayon ay ang makaalis nko..
Walang imik namang tumayo si kuya at lumakad na papalabas..Di ko naman sya pinigilan kahit halatang bitin sya sa pagkain.. Sumunod naman ako sa kanya.. Shit! Sana di sya lumingon sa likuran nya kasi kapag nangyari yun ay makikita nya ako.. Patakbo ko nang tinungo ang exit para makaiwas sa kanya.. Kung minamalas ka nga naman oh!...
Saka naman nawala ang kaba sa dibdib ko ng makalabas na kami ni kuya..tinungo naman namin agad ang parking lot upang makalayo at makauwi nasa bahay...
Dali-dali ko namang binuksan ang pintuang katabi ng driver seat at sinalampak ang aking pwet sa upuan.. Ganun din ginawa ni kuya saka binuhay ang makina ng sasakyan.. Pero bago kami umalis nagsalita muna sya.
" 2 days akung mawawala dahil may business meeting ako sa Japan. " wika nito.
Hindi ako nakapagsalita mukha natamimi ang ateng nyo.. Eh sino ba namang hindi matamimi eh 2 days ko hindi makikita itong wafong kapatid ko talagang mamimiss ko ang pangugulat at kakulitan nya.
Hindi na nya hinintay ang commento ko, pinaandar nlng nya ang sasakyan pauwi..
Habang busy si kuya sa pagmamaneho,ako naman busy kakaisip ng paraan para di kami magkita ng gagung iyon. Ewan ko ba kung ano ang nangyari sa akin, ang alam ko lang ay ayaw ko syang makita.. Kumukulo ang dugo ko kapag nakita ko ang hambog na yun..
Pagdating namin sa bahay ay dumeritso agad ako sa kwarto ko. Sinob-sob ko ang aking mukha sa malambot na kama at saka pilit na inalala ang nangyari kanina..
" hays! Mukhang kailangan ko atang mag thank you dun sa lalaking nagligtas sa akin. " bulong ko sa aking sarili..
Tama! Kailangan kung magthank you. Hahanapin ko sya bukas sa school at sana madali ko syang mahanap para di nako mahirapan pa.. Lintik! muntik ko nang makalimutan aalis pala si kuya eh sinong maghahatid sa akin sa school?
Inangat ko ang aking katawan at tumayo para tanungin si kuya kung sino ang hahatid sa akin bukas nang tumunog ang cp ko.
Dinampot ko naman ang aking telepono para tignan kong sino ang ang nagtext sa akin. Pagkatingin ko ay may 1 message ako galing kay Mitch.
From :Mitch
'Pumunta ka sa school nang maaga bukas para makaparegister tayo sa club na gusto nating salihan'
Oo nga pala bukas na ang clubbings namin.. Sa aling club kaya ako sasali? Sana magising ako ng maaga para di kami mahirapang pumila.. At saka buti naman at pinaalala nya sa akin ang tungkol dito kasi muntik ko na ito makalimutan...
Nagtipa naman ako para replyan sya.
"Ok. 😊" sabay sent..Kumaripas naman ako ng takbo papunta sa kwarto ni kuya.pagpasok ko don ay wala sya.. Baka nasa mini office na naman yun.. Kaya naglakad naman ako patungo doon..
YOU ARE READING
Make Me fall in Love with You
Roman pour AdolescentsSi Demi Shin Peters ay isang klase ng babae na matigas pa sa bato. Maganda, mayaman, at mapagmahal na anak, kapatid at kaibigan. Hate na hate nya ang mga lalaking pabida, mayabang at saka manloloko. Qiqil na qiqil sya sa mga ganung klase nang lalaki...