IY&OY33

1.5K 20 0
                                    

a/n: bitin po ba? sorry po... ang bagal po ng wifi.. sorrrryyyyy pooooooo...






BELLA...

paglingon ko ang nakita ko!

shit talaga..

ang sakit sa mata!

sobrang sakit sa mata! tama ba tong nakikita ko? nakikipagharutan si kumag kay elilhy..

oo tama kumag na tawag ko sa kanya! agawan pa ako! bwisit talaga! pakiramdam ko lahat ng dugo ko umakyat sa ulo ko sa inis!

bat ba ganito nararamdaman ko? ang bigat bigat ng nararamdaman ko.. haist lintik na puso toh! para akong hindi makahinga ng maayos, pero kailangan kong kumilos ng maayos.. dahil hindi naman kami para maramdaman ko toh..

hai bella, talo ka na agad.. bat ba kasi wala akong lakas ng loob na tabihan siya at kausapin siya? tiklop ako sa kanya.. bat ganito? ako sana ang kausap niya, sana ako yung dahilan ng pagngiti niya.. hindi puede toh.. kailangan may gawin ako.. ayokong maging talo ng wala man lang ginagawa..

sabi ko na nga ba na iba ang magiging dating ni elilhy sa kumag na toh! aagawan pa ako.. bwisit lang! mamaya ka.. pasalamat ka naka inom ka! pero bwisit ka! (T.T) kaya ayaw kita isama e.. hindi ko masolo ang elilhy ko!

oo tama elilhy ko! hindi ako papayag na may aagaw sa kanya noh! kasi naman bat ko ba kasi naisip pagpantasyahan siya? ayan ang napapala ko e.. kakatingin kung saan saan.. ayan nakasingit tuloy yung kumag.. susss!!

sinu ba kasing hindi mapapatingin..

jusko! ilayo nyo ako sa tuksoooo.. hapit na hapit kasi ang shirt at pants niya.. mapalikod o harap ang makita mo e, talagang may mapapansin ka! gifted e.. nung nagsabog ata ang diyos ng malulusog na hinaharap sinalo niya.. plus mo pa ang balakang at pwet! shit!!! nakakapaglaway ngang talaga! ngayon sabihin nyo sinu hindi mawawala sa kasalukuyan kung yun ang makikita nyo! >_<

hindi po ako perv! sadyang kapansin pansin talaga! hahaha ang bad ko!! kaya naaagawan ako e.. ah basta! hindi puede.. gagawa ako paraan..

maka-habol na nga sa kanila at baka mapagkamalan pa akong bodyguard ng dalawang toh! sa ganda kong toh? este sa gwapo kong toh? bodyguard.. no way highway!

nahabol ko na sila.. pero parang mali ata na tumabi ako ke elilhy paano ba naman ang taas ng suot niya nagmumukha tuloy akong maliit.. nakakaloko.. hindi ko akalain na ganito pala siya kataas sa malapitan! pero ayos lang kesa naman solohin ng kumag na toh si elilhy..

sa totoo lang ang sarap niya kausap.. laging naka-ngiti pero hindi mo maitatago ang lungkot na makikita mo sa kanya mga mata..

sabi nga niya okay lang siya.. at nasa process na siya na moving on.. which is good kasi gusto ko ako napapalit sa walang kwentang ex mo!

ng makarating na kami sa timezone agad naman bumili ng tokens si elilhy, hindi ko alam kung anung nakita niya at sobrang nagmamadali siya sa pagbili, ganun din naman ginawa ko bumili na din ako pagtapos na baka may magustuhan ako o kaya naman ay magvivideoke kami.. wala lang trip ko lang..

a/n: timezone lang ginamit ko huh? hehe baka kasi nagtataka kayo kung bakit tokens e.. haha hindi na kasi matandaan ng mga bida natin kung anu name nung place.. hehehe sorry naman..

pag kabili ko, ay agad naman hinanap ng mata ko si elilhy.. at ayun nakita ko siya sa dance revo, wait?! tama ba nakikita ko? as in dance revo? as in sasayaw siya? parang hindi naman niya nasabi sa akin na marunong siyang magsayaw.. baka naman magkalat lang toh >_< basta hindi ko siya kasama.. pero papanoodin ko siya.. mahirap na.. hehe ang gulo ko naman..

agad naman akong lumapit kong asan siya, sapat lang na makita ko siya ng malapitan.. ng nagsisimula na ay sadyang namangha ako sa kanya, marunong siya at hindi lang basta marunong malambot ang katawan niya, hindi mo iisipin na sumasayaw siya, at hindi din naman niya nasabi sa akin.. kung titingnan mo siya ay para bang wala siyang iniisip na kung anu man problema, ito siguro ang way niya para mabawasan ang lungkot na nararamdaman niya.

ng matapos siya ay agad naman tong lumapit sa akin, infairness kahit pawis na siya ang bango niya!

"swit, sorry baho ko na! hehe"

"ngek, anu ka ba? hindi noh! ang bango mo pa din.. siguro natural na amoy mo yan.. nagpapabango ka ba talaga?"

"oo naman noh! ang baho ko na kaya! amoy pawis na.. sorry! ^_^v"

elilhy hindi ka nga mabaho, parang gusto pa nga kita yakapin.. kung puede lang e.. pero sympre sa isip ko lang yan baka sabihin pa ni elilhy hindi pa kami e magtatake advantage na ako agad sa kanya noh! hindi naman masyado.. hehe :)

"swit, oy! anu nangyari sayo? at natulala ka na? okay ka lang? parang ang lalim ng iniisip mo huh?" sabi niya

"huh? ah wala naman.. may bigla lang naalala.. hehe sorry!" sabi ko

"ah akala ko naman kung anu na nangyari sayo, hehe anu saan na tayo? napagod ako e.." sabi niya

"videoke tayo.." sabi ko

"e hindi ako marunong kumanta e" sabi niya

"okay lang yan pareho lang tayo, para maka-upo kana din" sabi ko

"okay sige" sabi niya

"tsaka mukhang hilo na din si kumag" sabi ko

"huh? sinung kumag?" sabi niya

"ah hehehe.. kumag ba sabi ko? hindi mali.. hehe hilo na yung kasama natin e.." sabi ko

sympre palusot ako, pero mukha naman hindi din ako makakalusot yung itsura niya kasi hehe.. malay lang natin diba?

pumasok na kami sa room kung saan kami magvideoke.. buti na lang at may place pa na walang tao.. una akong umupo at sumunod agad si kumag..

nagtigisa kaming upuan ni kumag, bawat isa sa amin ay may place pa para sa katabi, huling pumasok si elilhy kasi tumingin pa siya ng mga kanta.. ito ata ang babaeng kilala ko na hindi daw kumakanta pero kung makakuha ng mga kanta ay parang sinulat na lahat ng kanta sa papel, pag pasok ni elilhy parang nabigla pa siya at nagisip kung kanino tatabi..

?_? mukha ni elilhy..

naku elilhy.. umayos ka ng tatabihan huh? baka mabigwasan ko yang kumag na yan pag yan tinabihan mo! MAGWAWALK OUT AKO PROMISE!!! >_<

pero buti naman at sa akin siya tumabi.. oo sa akin siya tumabi.. dahil dahil dahil hinila ko siya at inakbayan! tama inakbayan ko siya! kahit ako nagulat sa ginawa kong pagakbay e.. dahil kung hindi ko gagawin yun e baka sa kumag na toh siya tumabi! pero jusko.. ang puso ko ang kabog e daig pa ang may sampung kabayo na nagtatakbuhan sa lakas ng kabog e..

kalma lang kayo.. si elilhy ang katabi ko.. please naman.. hai.. baka mahalata ni elilhy na kinakabahan ako.. oo kinakabahan ako na baka bigla niya akong sampalin.. paano nagulat siya sa ginawa kong pagakbay sa kanya..

kahit si kumag nagulat din sa ginawa ko at nagiwas na lang siya ng tingin sa amin ni elilhy.. tama yan magiwas ka ng tingin dahil akin si elilhy.. hindi sayo.. tandaan mo sana yan!

gusto kong ipadama ke elilhy na importante at ayoko siyang mawala sa akin.. dadaainin ko na lang sa kanta.. anu bang maganda?

alam ko na.. bahala na kung anu kakalabasan ng boses ko, basta kakanta ako..

a/n: paano puputulin ko muna? hehehe sa susunod ulit.. hehehe

Vote/comment naman kayo.. haha nagmamakaawa talaga? haist o siya! till next time..

It's YOU and only YOU (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon