Sayuri's POV
"Ay nga pala kailangan mo ring malaman ang rules dito." Sabi ni Keithlyn.
Buti nga nagsalita na sya eh. Kanina kasi parang paiyak na siya. Akala ko kailangan ko pa syang icomfort eh. Grabe! Wala pa nga akong isang oras dito sa Cross Heart eh. May ganito agad na scene.
"Pero hindi ako ang magsasabi ng rules. Si Mistress na ang mag-eexplain ng iba. Tara punta na tayo." Sabi ulit nya.
Tumayo na sya kaya tumayo na rin ako. Habang naglalakad kami patingin-tingin lang ako sa paligid. At Wow! Mukha kasing mamahalin yung mga gamit dito at puro silvers and golds ang kulay. Mayaman nga talaga ang Academy. Tumitingin-tingin lang ako sa paligid pero bigla akong nauntog sa isang teka pader ba to? Eh si Keithlyn yung sinusundan ko kanina ah? Tapos pagkatingin ko....
Parang nakita ko ata si Kamatayan ah! Kasi naman akala ko talaga pader! Si Keithlyn pala! Hala! Kahiya naman kinapa-kapa ko pa yung likod nya! Pano ba naman! Ang tigas ng likod nya eh! Akala ko tuloy pader. Huhu. I think I'm dead. Bakit kasi parang lalaki to at ang tigas ng likod?
Nagsorry naman ako sa kanya. Nagulat pa nga ako kasi di sya sumigaw. Sabi pa nga nya okay lang daw yun mag-ingat na lang ako sa susunod. Tapos biglang may tanong na nabuo sa isip ko.
"Teka. Bakit tayo tumigil?" Tanong ko.
"Because we're here. At the master's office." Sabi nya sabay turo dun sa sign. Ang nakalagay dun sa sign ay The Master's Office: Menrui Kaminoke. Master's office pero babae? Ano kayang trip ng nag-isip nito? Well. Mistress naman ang tawag ni Keithlyn sa kaniya...
Kumatok na si Keithlyn.
"Mistress. It's me Keithlyn. May new student po."
Haha. Katuwa tong si Keithlyn. Ang bait nyang magsalita pag mistress nila ang pinag-uusapan.
"Let her in." Sabi naman nung master daw nila.
Nagulat naman ako kasi sabi 'let her in' daw. Pano nya nalaman na babae ako eh hindi pa naman niya ako nakikita?
At dahil mukhang alam na ni Keithlyn ang itatanong ko, inunahan na nya ako.
"She knows everything inside the campus. At isa na dun ang mga bagong students. Hindi ko lang sure kung paano niya nagagawa yun."
Pagkatapos nyang magpaliwanag bumukas yung pinto. I'm expecting na matanda na siya but to my surprise, I think magka-age lang sila ni Keithlyn. She looks so young.
"Aalis na po ako mistress. Marami pa akong gagawin eh." Keithlyn said.
"Sure. And may iuutos ako sayo." Master said.
"What is it mistress?" Sabi ni Keithlyn habang nakayuko.
Hmmm. Mukha namang kagalang-galang yung babae eh. Nakakaintimidate pa nga yung presence nya.
"Can you find him? Nung isang linggo pa sya hindi nabalik eh. I'm worried baka kung ano nang nangyari sa kaniya." Sabi ni Master.
"Sure. No problem." Keithlyn said.
Tapos umalis na sya. Na sana di na niya ginawa kasi kinakabahan na ako sa presence ng nasa harapan ko. Alam nyo kung bakit? Kasi ramdam mo na napakalakas nya parang kaya nyang kunin ang lahat ng magic mo sa oras na makalaban mo sya. Napalunok ako sa naiisip ko. Scary.
"By the way. Let me introduce myself first." Nagsalita na sya. At sa bawat salitang iyon ay ramdam mo ang kalakasan nya. She's really powerful!
"My name is Menrui Kaminoke. The master of Cross Heart Academy. You can call me mistress. And you are?" Sabi nya at inilahad ang kamay nya. Syempre inabot ko yun at nakipagshake hands sa kanya baka kasi mamatay ako ng wala sa oras pag hindi ko yun inabot eh.
BINABASA MO ANG
The Sky Dragon Princess
AdventureThe Sky Dragon Princess Cross Heart Academy Series #1 Ang buong akala ko normal lang ako. Just like any other students in Cross Heart. Pero hindi ko akalain na ang magic na aking tinataglay ay ang pinakamalakas sa lahat. My whole life was a lie. Tha...