Maaga akong nagising kasi msyado ata akong excited para sa araw na to di ko alam kung bakit basta ang alam ko naeexcite ako. Tumayo na ako para maligo at mag-ayos ng sarili ko.Pagkatapos kong mag-ayos, syempre lumabas na ko pero muntik na kong atakihin sa puso kasi may nakatayo sa pintuan na kwarto ko. Multo ba to?! Sana naman hindi. Kung multo man sya sana mabait sya huhu.
"Hi!" Sabi nya at lumapit sa akin.
"Amethyst Crystal Ever, you can call me Ace or Ever. I'm the vice president of the student council nice to meet you!" Sabi nya at nagpakilala rin ako. Nakahinga naman ako ng maluwag kasi nakipagshake hands sya sa akin. At least alam kong di sya multo di ba? Kasi sabi nila kapag multo, tumatagos sayo.
"Why are you here?" I ask. Kasi naman! Basta lang sya pumasok rito. Malay ko ba kung ano ang pakay nya.
"Haha. Nandito ako kasi sabi nila kailangan raw ako kasi may bagong student dito."
"Ano naman kinalaman mo rito?"
"Ako lang naman ang may sense of fashion sa aming tatlong student council so ako ang ipindala para malaman ko kung ano ang bagay sayo. At sisimulang ko sa kwarto mo kasi masyadong plain." Sabi nya at nilibot ang mata nya sa kabuuan ng kwarto ko. Ako din naman, napasunod sa mga tinitignan nya.
"Maayos naman ah." Sabi at tinitignan nya ako ng masama. Why? May sinabi ba akong masama? Eh sa maayos naman talaga yung kwarto ah.
"Oo maayos nga. Mukha namang nasa loob ka ng hospital room. What I mean is, walang kafashion-fashion ang room mo puro puti! Kailangan may kulay para di ka tamarin sa pagpasok mo sa Academy."
"Ano namang connect ng room ko sa pagpasok ko rito?"
Tanong ko. Totoo naman kasi! Ano namang kinalaman ng room ko sa Academy diba? Weird.
"Kasi syempre. Wala kang inspiration sa pagpasok kasi puro puti ang nakikita mo." Sabi nya. Naisip ko naman iyon. Pero weird pa rin sya.
"Okay now ano ang favorite color mo?"
"Teka! Di pa ko napayag no!" Sabi ko. Aba! Totoo naman eh. Tss. Hindi pa ko napayag tapos nagdedecide na agad sya. Though, tinatanong nya ako kung ano favorite color ko.
"Sa ayaw at sa gusto mo, kailangan dahil lagot ako kay Keithlyn kapag nagkataon."
Pumayag na lang ako dahil wala akong laban sa kanya. At nakakaawa naman sya kasi si Keithlyn ang katapat nya kapag di ako pumayag. Nakita nyo naman kung gaano magalit ang isang yon diba? So pumayag na ko kawawa naman eh.
"Okay! Ano favorite color mo?"
"Blue. Kasi malamig sa mata."
"Okay, then."
Tapos nag-enchant lang sya ng spell at nag-iba na ang kulay at design ng room ko. At ang masasabi ko? "Whao!" Ang gandaa! Parang bigla nag-iba ang kwarto ko. Mula sa pagiging hospital room, naging isang kwarto ng isang prinsesa. Ang ganda talaga!
"At dahil tapos na tayo sa pag-aayos ng kwarto mo, magshoshopping naman tayo sa labas ng academy."
Ngumiti sya sa akin at ngumiti rin ako. Pero sa totoo lang, ang ganda nya. Para syang isang anghel na bumaba sa langit. Ewan ko lang kung saan ko nakuha yung multo kanina? Tss. Anyways, back to reality. Pero teka...
"Lalabas tayo ng academy? Pwede yon?" Tanong ko. Aba! Iba na pag lumabag ako sa rules no! Baka mapaalis agad ako. Ayoko non no.
"Oo naman no! Atsaka I just receive an order from master no!" Tapos ipinakita nya yung hawak-hawak nyang papel
Eto yung nakasulat:
Ace,
I need you right now. Samahan mo si Sayuri Akiyama sa pagpili ng uniforms and clothes nya. Kung ayaw nya, you can force her. Kailangang matapos mo yan ngayong araw.
Grabe! Ganito pala magsulat ang mistress namin? Ang informal!
"Kung itatanong mo kung bakit parang informal? Ay! Ewan ko rin! Laging ganyan ang sulat saming tatlong student council ng master natin. Parang ang isip bata nya nga eh."
Pagkatapos ng mahaba nyang sinabi ay saka nya lang narealize na aalis nga pala kami kaya hinila nya ako palabas. Sabi nya mas trip nya raw maglakad kasi mas tipid. Tapos tumigil kami sa isang Dress Shop. At nakilala ko naman agad yung shop kasi isa sa mga tumulong sa aking ang may ari kaya naman naexcite ako sa pagpasok. Tapos nung papasok na kami may sumalubong sa aming staff ng shop.
"Ms. Ever! Its been a while!" Sabi nung girl. At nung lumingon ako kay Ace ay muntik na kong matawa kasi parang makakapatay sya ng tao. May kasalanan kaya tong babaeng to kay Ace? Pfft. Wawa naman sya.
"Yeah. Its been a while. Pero ayoko na ikaw ang mag-aasist sa amin. Yung kaibigan mong kaibigan ka lang pag may kailangan sya sayo pero pag talikod mo, tsaka ka lang nya sisiraan. Tss." Sabi ni Ace pero yung huling sentence ay ako lang ang nakarinig kaya thankful ako. Baka kasi magkagyera kapag narinig nung babae yung last na sinabi nya. Tapos nung tignan ko yung babae ay umirap lang sya. Hmmm. Mukhang iba nga ang isang ito ah.
"Okay kung yan ang gusto mo wala akong magagawa. Ikaw naman ang customer dito eh."
Tapos umalis na yung babae at napangiti ako kasi ang lumapit naman sa amin ay yung may-ari which is yung tumulong sa akin. Si Ms. Nagisa!
"Oh. Tignan mo nga naman ang customer namin! Sayuri! Its been a while!"
"Hi ms. Nagisa!" Sabi ko at sobrang tuwang-tuwa ako kasi nakita ko ulit sya!
"Magkakilala kayo?" Muntik ko namang makalimutan na nandito pa nga pala si Ace. Haha buti nagsalita sya.
"Umm. Actually tinulungan ko si Sayuri I think 3 years ago pa? Kasi tinulungan nya rin ako."
Tapos ngumiti sya sa akin kaya ngumiti rin ako.
"Whao! Ibang klase ka talaga Sayuri! Isipin mo yun, si Luna tinulungan mo rin. Mabuti ka talagang bata. Haha!" Sabi ni Ace at hinampas-hampas nya ako sa likod at nakisama naman si Ms. Nagisa sa kulitan namin. Nakita ko naman na umirap yung babae na kausap kanina ni Ace.
"So ikaw pala ang aayusan ko ngayong araw. Let's start!" Tinulak tulak ako ni Ms. Nagisa sa tapat ng isang pinto at naexcite ako kasi ang daming damit!!! Tapos nagsukat-sukat lang kami ng damit at lahat ng napili ko ay nilagay nya sa paper bags. Tapos nagpaalam na kami sa kanya. Tapos habang naglalakad kami ay sinalubong kami ng men in black. Sabi naman ni Ace ay guard daw sila ng Academy.
At nung pagkatapos naming mamili ay humiga na ako sa kama ko at napangiti na lang ako kasi may progress ang pagpasok ko sa Academy. Pagkatapos non ay nakatulog na ako.
Someone's POV
Konting panahon na lang Sayuri Akiyama. Mapapasaakin rin ang pinakamalakas na kapangyarihang tinataglay mo.
A/N:
Walang sense na chapter... Para lang po mapakilala si Ace hehe.
Thank you po sa mga nagbabasa nitong story ko! At sa mga very supportive kong friends, salamat sa inyo. Sana marami pang magbasa :D
~~sinzou
BINABASA MO ANG
The Sky Dragon Princess
AdventureThe Sky Dragon Princess Cross Heart Academy Series #1 Ang buong akala ko normal lang ako. Just like any other students in Cross Heart. Pero hindi ko akalain na ang magic na aking tinataglay ay ang pinakamalakas sa lahat. My whole life was a lie. Tha...