TAhimik lamang siya habang nasa hapag-kainan sila ng magulang niya kasama din niya ang magulang ni Leigh at iba pang side ng Fortalejo.
Family Reunion kung tatawagin.
Siniko siya ni Leigh kaya napatingin siya dito.
Nagtatanong ang kanyang mata saka niya ito tinaasan ng kilay.
"Bakit?"
"Tumawag sakin ang baby mo."mahinang bulong nito sa tenga niya kaya napangiti siya.
"Miss niya na daw tayo."dagdag pa nito.
"Ano ang pinag-uusapan niyong dalawa diyan?"
Napatingin siya sa kaharap niyang lamesa ang ama niya lang pala.
"Nothing Dad its just about business."kiming sagot niya bago isubo ang steak.
"Oh Hime, ang tagal mong nawala saan kaba pumunta nong umalis ka dito sa hacienda."nawala ang ngiti niya sa sinabi ni Yvo ang isa sa mga pinsan niya.
"Manila lang naman doon ako napadpad at nakapagtrabaho hanggang napagdesisyonan kung mag-abroad at doon manatili at umabot sa limang taon, Yvo "
Bakit ba niya inu-ungkat ang nakaraan kahit wala siyang sabihin o isiwalat tungkol sa nakaraan ay alam niya na alam na nila dahil gagawa ito ng paraan para malaman ang nangyari sa kanya kung bakit siya nawala at napunta sa ibang bansa.Magpapaimbistega sila sa background na meron siya noon.
"How's the Company Honey."Ngumiti siya sa tanong ng kanyang ina.
Pero nahigit niya ang kanyang hininga ng sumingit si Leigh.
"Ayon ganoon parin po Tita nagpapayaman siya akala mo kasi mauubusan na siya ng pera."saka ito tumawa mabilis niyang tinampal ang braso nito na ikinasimangot ni Leigh,
Napaismid siya sa pinagsasabi nito.Umiling lang siya sa kanyang ina na may ngiti sa labi.
Matapos ang pag-uusap nila sa hapag-kainan ay nagpasya na lamang siya maglibot sa hacienda hanggang umabot ang kanyang mga paa sa kuwadra na abutan niya pa ang mga katiwala nila na si Mang Ambo.
"Kayo pala Señorita Lane. Sasakay po ba kayo kay Hugo?"ngumiti siya sa matanda matagal narin siyang hindi nakakasay sa kabayo siguro kung naririto siya ay matuturuan niya ang kanyang anak na mangabayo.
Pinagmamasdan niya lang si Mang Ambo na kinukuha ang kabayo na si Hugo nang makalapit ito ay mabilis niyang hinaplos ang mukha at ang balahibo nito kumuha siya ng dayami at pinakain muna ng matapos ay sumakay siya mahina lang ang pagpapatakbo niya sa kanyang kabayo.
Napatigil siya sa pagpapatakbo ng makita ang isang tao sa kalayuan niya isang kilometro ang layo pero kahit ano pa kalayo ay nakikita niya ito.
Anong ginagawa ng taong iyon dito.Anong palabas na naman ba ang gagawin niya?
Muli niyang pinatakbo ang kabayo patungo sa mansion ng makarating mabilis siyang bumaba at ibinigay ang kabayo sa katiwala na dumaan.
"Dad! Dad!"sigaw niya upang mapatingin sa kanya ang ama niya habang naka-upo sa sofa sa sala nila.
"May bwesita ka ata nasa labas."tumaas ang sulok ng labi nito ng marinig nito ang sinabi niyang "bwesita"
"Ah Si Mr. Villaluz ba ang tinutukoy mo? Isa siya sa nag invest sa Fortalejo Port anak at dito siya pansamantala tutuloy ."
Gulat ang humistro sa mukha niya ng sabihin nito sa kanya.
"Bakit naman dito Daddy? May hotel naman siya dito sa Cebu alam mo naman na namamahinga ako dito pansamantala sa Cebu aalis din ako dito habang wala pa akong tutuluyan sa Manila.."nakasimangot na wika niya.
"May problema ba sa kanya anak?"
"Oo nga Lane may problema kaba sakin?"sabi ng baritunong boses na nanggagaling sa likuran niya.
***
Social Media Accounts.FB:Sheandra Drilon Gevero
IG: Shasha_0109
Twitter: seandra09gevero
BINABASA MO ANG
Villaluz Series 1:The Run Away(Completed)
General FictionCOMPLETED(R-18)TAGALOG.FOR MATURE READERS ONLY. ****All Rights Reserved 2016