Chapter 4:"This Is Me"

163 6 1
                                    

Pag-uwi ko sa bahay,dumiretso agad ako sa kwarto. Nagbihis at nagday dream. Inaalala ko pa rin yung mga nangyari kanina. Maya-maya bumaba na ako para maghapunan.

"Shan, kailan ang kuhanan niyo ng card?" tanong agad ni mama sa akin. Nag-isip ako.

"Ah...sa monday daw po." sagot ko. dalawa na lang kami ni mama sa bahay kasi yung papa ko namatay na 8 years ago..yung ate ko namang si Louie Janeth Madrigal ay nasa London na. Tapos yung kuya kong si Jobert  Madrigal ay tulad ni papa,namatay din siya 4 years ago..going 5  na nga e...actually apat kaming magkakapatid yung isa ko pang kuya si Justine Madrigal ay nakahiwalay sa amin..bale doon siya lumaki sa lolo at lola ko sa side ng papa ko,doon din siya tumira. hindi kami close nun pero sila ate janeth at kuya jobert close niya...nagtatampo nga ako kasi sa aming apat ako lang yung naiiba yung First letter sa pangalan..:l Ramdam ko na ayaw sa akin ni kuya Justine,pero kahit ganon, di ako galit sa kanya.

"K-kayo po ba ang pipirma?" tanong ko kay mama..pero umiling lang siya..hay sabi ko na nga ba e T^T

"E..bakit po ma?" tumingin siya sakin.

"Busy ako,may uutusan na lang ako para pumirma sa card mo." sabi ni mama.

Lagi naman e..

oo nga..busy si mama, isa siyang negosyante,nagpapatayo siya ng grocery store sa tanza kaya busy siya ngayon, aside from that isa din syang Avon and Natasha Dealer,

hindi naman kami mayaman,may kaya lang. Dati di ako masyadong binibigyan ng atensyon ni mama pero ngayon okay naman,siya nga bestfriend ko e...kaso hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagkukumpara sa akin sa dalawa ko pang kapatid, kay ate Janeth at Kuya Jobert.

       Kinakabahan ako kasi baka ma-disappoint siya sa grades ko bukas. Ang gusto ko talaga, siya yung pumirma ng card ko, Elementary pa lang kasi ako hindi siya yung napirma ng card ko. Pati na rin noong graduation ko, hindi siya umattend.

Siyempre masakit para sa akin yun, tiyo ko lang kasama ko noong graduation samantala yung mga kasama kong grumaduate, masaya kasama ang buong pamilya nila, grumaduate ako noon na wala na ang papa at kuya ko, tapos nasa Maynila naman si ate Janeth doon kasi siya nag-aaral sa college.

      Masaya noon ang lahat pero ako hindi. Haaay . . . nakaraan na 'yon, pero sana di na 'yon muling maulit. Kasi masakit na nga ang puso ko noon, nadagdagan pa . . . TT_TT

------------------

"Hay! ano kayang grades ko? Nasa top kaya ako?" tanong ni Ic, na nakapangalum-baba.

"Ako din eh, kinakabahan sa grades ko, last grading pa naman natin to," sabi ni Ailey.

Lumabas naman kaming lahat puro mga magulang yung nasa loob ng room namin, nandoon na rin si Ate Lucy na inutusan ni Mama para pumirma sa card ko. Ngumiti lang siya at inabot sakin yung kopya ng mga grades ko, napangiti ako.

"Uy nakapaskil na daw sa board yung Top 10" sabi ng Mia sabay hila sa akin.Hala!naku kinakabahan ako promise >__<

"Really? tara let's see! " excited na sabi ni Rex.

Nakangiti akong pumasok pero . . . bigla akong nalungkot, walang Shannon Madrigal sa listahan, akala ko nasa top ako, pang 15 lang ako na ranking, mataas ang section namin, pero wala ako sa top, sigurado na 'ko pag-uwi ko mamaya sa amin. . .

"Uy, bakit ka natahimik? " usisa ni Xander sa akin,

 nasa top siya, pang seven, buti pa sa siya.

"I Think alam ko na . . ." sabat ni Mia.

"Ano? "- Xander

" 'to naman parang di kilala si Shan, syempre sasabihin niyan na madidisappoint ang mudra niya kasi wala siya sa top" - Mia...ang galing talaga ni Mia..:))

" Shan, okay lang yan atleast mataas ang grades mo, eh tingnan mo yung amin oh, buti ka pa nga eh mataas average mo," sabi ni Rex.

"Oo nga naman, pag sinermunan ka ng mama mo sabihin mo na ginawa mo yung best mo kaya wala siyang rights na magalit,"

sabay acting ng Ic na kunwari ay humahagulgol, Napangiti naman ako, kasi pinapatatag nila ang loob ko. Nagulat ako ng may tumapik sa likod ko,

"Shan, may fourth year pa, di pa matatapos ang high school, kaya may chance pa para ma-prove natin sa mga magulang natin na magaling tayo, next year, next grading mapapasama din tayo sa top, kaya galingan natin ha?!" payo ni Lance sabay ngiti, wow! na-touch naman ako . . . si mama kaya?

      HWOOOH! sigaw namin at sabay-sabay kami umuwi, gumaan yung loob ko kasi nandyan sila, pero habang papauwi ako hinihila na naman ako ng kalungkutan. tsk tsk tsk

      Pagpasok ko, nakita ko agad si mama, mukhang ok naman siya. Nagbihisako agad at bumaba, naupo ako sa harap ng lamesa namin, kakain na kasi eh, yey! XD Natuwa ako kasi masarap yung ulam, fried chicken! nyay! XD

" Nasan na yung kopya ng mga grades mo?"

tanong ni mama, Hala!ayan na siya!>___<  akala ko okay na eh, umakyat uli ako sa kuwarto ko para kunin yung kopya ng grades ko, kinakabahan ako sa reaction ni mama >.< , pero di dapat ako kabahan kasi mataas naman grades ko ah, wala naman akong line of seven, yun nga lang ang pinakamababa kong grade is 83, sa chemistry.

"Bakit ang baba ng grades mo?" sabi ni mama sabay tingin sa akin! What the? haay. . . sabi ko na nga ba e..araw nanaman ng paghuhukom umigamz x((

"Hindi naman ma," sagot ko. Kumunot ang noo ni mama.

"Hindi eh tingnan mga grades mo, ang baba lalo na sa chemistry, paano ka magdodoktor niyan kung ganyan lagi grades mo sa science?!" sabi ni mama pero hindi mataas ang tono, pero alam kong galit siya.

"Ma sabi ko naman sa inyo na ayoko pong mag medicine . . ."-haay promise ayaw ko talaga =__=

"Eh ano? Fine arts? wala kang kinabukasan sa gusto mong course!" gusto nang tumulo ng luha ko, naiiyak na ko, sa tuwing kuhanan na lang ng card, ganito lagi ang eksena namin ni mama sa bahay...haay ano ba yan pwede ng pang MMK 'tong buhay ko T^T

"Buti sa yung ate mo eh, matataas yung mga grades! Magsipag ka kasi sa pag-aaral mo!"-Tss and here we go again..=____=

"Hindi kami parehas ni Ate mama! magkaiba kami! Oo alam ko naman pong matalino siya, pero sana po matanggap ninyo na hindi kami magkatulad!" gusto ko iyang sasabihin kay mama pero wala akong lakas ng loob, sa tuwing sinesermunan niya ako..

hindi na lang ako naimik, ni hindi ako nasagot. Lagi na lang akong ikinukumpara ni mama kay ate lalo na noong nandito sa si ate sa bahay. Hindi man niya sinasabing ganoon nga pero nararamdaman ko naman eh, si ate Janeth at si kuya Jobert lang naman ang magaling sa kanila ng step dad ko...edi sila na tss...ganyan yan sila T^T

Oo mga, alam ko namang mahal din nila ako pero feeling ko napepressure lang ako sa kanila eh . . .

Pinipigilan ko na lang umiyak, pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan namin, umakyat na ko sa kuwarto ko at nagkulong.

Yun naman ang lagi kong ginagawa pagnasasaktan ako, ang magkulong at umiyak sa kuwarto, wala naman kasi akong masabihan ng problema ko, ayoko ding malaman ng mga kaibigan ko ito pero minsan napilit sila. God, bakit di po naiintindihan ni mama na hanggang doon lang talaga ako? na eh ko kayang pantayan si Ate Janeth? na ito talaga ako. . . hanggang doon lang po ang kaya ko, binibigay ko naman po yung best ko sa lahat ng bagay . . . Pero bakit sa sa kanya kulang sa rin po? Sana po balang-araw . . . ipagmamalaki din ako ni mama tulad ni ate at ni kuya Jobert na kahit wala na siya dito, ipinagmamalaki pa rin siya ni mama sa lahat.

 God sana po, dumating yung araw na maramdaman kong, mahalaga ako kay mama . . . sa kanilang lahat . . . "-ay ano ba yan ang drama ko ngayon T^T

Si God lang ang lagi kong kinakausap sa lahat ng bagay, lalo na pag malungkot ako at kung bakit ako nagkakaganito.

Nakakalungkot lang kasing isipin na kung sino sa yung inaakala kong makakaintindi sa akin, siya sa yung nagrereject sa akin . . .

...Ang sakit non diba . . . ?

 -------------------------------------

Sensya na po kung masyadong madrama ang tagpong ito..naks! hehe..ganyan po talaga ...miski naman sa totoong buhay nangyayari yan ee..at nakakarelate si Author------>AkO haha!

Vote&Comment po ^^

I.N.V.UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon