Chapter 6: "Ready For Summer Vacation!"

116 6 0
                                    

Wooooohooooo! tapos na ring kunin ang card!haha!buti at di kami nahirapang magpapirma ng clearance sa loob ng 1 week, haaaaay...

Ang bilis ng panahon, Fourth Year High School na agad kami sa pasukan...sana next year classmate ko pa rin sila Xander,Lance,Rex,Ailey,Ic at si Mia...at sana maging classmate ko rin si

Eithan!xD

Pero bago ang lahat ng yan!syempre magbabakasyon muna kami!Yehey! so ang balak namin e magswimming kaming pito doon sa resort ni ate Norlene na kaibigan ni mama,syempre libre kami doon!

Woohoo!masosolo na namin ang buong swimming pool doon!nyay!ang saya-saya,super excited na nga ako e...xD

---------------------

->Hey Guys!?nasan na kayo?nandito na kami nila Mia at Ailey sa resort...-Gm ko kala Xander,Lance ,Rex at Ic..

Ang tagal-tagal naman nila, tsk...1 pm ang usapan e, 1:30 na wala pa rin! kaming tatlo naman dito ready nang magswimming,syempre shorts at t-shirt lang ang suot namin...hehe...wala naman sa amin ang makapal ang mukha para magswimsuit!hahaha!syempre mas lalo na ako...xD

Yung dalawa naliligo na pero ako nakaupo lang dito sa side ng pool,pero nakalubog yung paa ko sa tubig. Narinig kong may nagbukas nung gate kaya napalingon ako,at the same time napangiti kasi nandito na rin sa wakas ang apat na mongoloid...hahaha!aba aba?at nagdala pa sila ng snacks ah!astig!pinaghandaan talaga nila ang outing namin?!hahaha!ang saya may food na kami!xD

 "Tara ligo na tayo!"-excited na sigaw ni Rex.

"Oy!magshower muna kayo bago magswimming noh!"-sabi ko

"Ah,sorry naman.."-Rex

"Toh!ang sungit-sungit!"-si Lance na nasa likuran ko na pala,

"E pano!ang tagal-tag---"

SSSSPPPLLAAAAAAAAAAASSHHH!!!

Putik!itulak ba ko sa pool!?AAaaarrggghh!!!

 "Wahahaha!!!"-Lance,

Ahh ganon?sandali lang ha...

"Yan!ang sungit mo ka---"

SSSSPPPLAAAAAAAAAASSSSHHHHH!!!!

"Ahahahahahaha!"-ako,

hinila ko siya para mahulog din siya sa swimming pool, --,

"Grabe ka Shan!buti na lang nakapang swimming na ko!"-Lance

"Naganti lang,ahahahah!"-sabi ko

nagtawanan naman yung lima sa nangyari !hahaha! maya-maya naligo na rin sila sa pool,

"AAaaaaay!!!"-tili ni Ic, napatingin tuloy kami sa kanya..

"Uy bakit?"-tanong ni Mia

"Anong nagyari sayo??"-Ailey

"Bwisit kasi si Xander e!kala ko tuloy may impakto dito sa pool"-sabi ni Ic,

"O ,ano ba ginawa ni Xander?"-natatawang tanong ni Ailey

"'Yung bubble-wrap kasi pinolupot sa braso ko!kala ko tuloy may pugita!Bwisit ka!"-sabi niya sabay bato ng bubble-wrap kay Xander...

"Ahahaha!kailan pa nagkaron ng pugita sa pool!?"-sabi ni Xander na nang-aasar nanaman..pasaway talaga e tsk..xD..Ahahaha!puro kalokohan 'to sila e!

makaahon nga muna para kumain,xD, pag-ahon ko,umahon na din sila,tulad ko para kumain...xD..

Wow!nagdala pala silang apat ng dalawang box ng pizza,dalawang kilo ng hotdogs na iihawin daw mamaya,isang galon nung juice na may gulaman at vanilla,astig sila!

Di ko akalain na magshe-share sila!ahaha!syempre kaming tatlong maria meron din kahit papaano,isang malaking bilao lang naman ng pansit-palabok!isa yun sa mga specialty ni mama!haha!nag-ambag-ambag kami para makabili nung mga ingredients tapos kay mama namin ipinaluto..haha!ang dami nga naming pagkain e...

Pero syempre di rin mawawala ang mangga't bagoong ahaha!ako nagdala nun!halos nangalahati nga e,buti naman at naisipan pa nila akong tirhan ng mangga..=_="

Haaaaaaaay...matapos kumain nagpahinga muna kami saglit tapos ayun!Gyera ulit sa swimming pool..nyahahahaha!pero sila Ic at Rex nagsisimula ng mag-ihaw ng hotdogs,grabe walang kabusugan??ahaha!

Scattered nga kami sa pool e,kanya-kanyang pwesto,ako naman dito nagde-day dream nang may nang istorbo tsk..

"Huy!ano ba?!"-sabi ko,

"Nag-iimagine ka nanaman noh!?"-Lance

I just rolled my eyes,haaaaaaay naku!kahit man lang sa imagination ko e makasama ko si Eithan ngayon..kaso may umeksena..=_="

"Hay..ano pa nga b----"

PAAAKKK!

"Wahahahaha!!!"-Narinig ko yung malakas na tawa ni Xander at ni Lance..AAaarrgggghhhh!!!tama ba namang itapal sa pag-mumukha ko yung buuble-wrap!

"Xander kanina ka pa haaaa!!!!"-sigaw ko..at bilang ganti

PAAAAAAAAAKKKK!

Wahahahahaha!itinapal ko rin sa mukha niya yung bubble-wrap,kainis kasi e...Umahon si Xander sa poolhabang tawa ng tawa...tsss baliw talaga yun (--,)V

"Bwisit talaga yun!"-sabi ko,

"hahaha!matagal na!"-sagot ni Lance,

Ipinatong ko yung braso ko sa side nung pool pang suporta para di ako lumubog sa pool,malalim na kasi 'tong tubig sa pwesto namin e,

"Uy sa pasukan ha,sabay-sabay ulit tayo"-Lance

"Ow sureness,"-ako

"Ipagdasal mo na sana magka-ka-classmates pa rin tayong lahat.."-ako

"Approve yan baka kasi si Xander lang naman mahihiwalay sa atin e,haha!"-Lance

"Hmmm..oo pwede yun kasi mataas ang average niya compared sa atin e,haha!"-sabi ko,at natawa dahil minsan na lang akong malalait ni Xander pero nalungkot din kasi may mahihiwalay sa grupo kaya sana classmate pa rin namin siya para masaya.

"Ay Sh---"-sabi ko ng dumulas yung braso ko sa side ng pool at lumubog ako sa tubig,napakapit ako ng mahigpit kay Lance,

Ay Sh*t talaga!!!hindi ako makahinga ng maayos!tinulungan naman ako ni Lance na iangat ang sarili ko..ikinapit ko ulit ung braso ko sa side ng pool...

Inhale...

Exhale...

Inhale...

Exhale..

paulit-ulit kong ginawa yun hanggang sa maging normal na ang pag hinga ko..hanggang sa napansin ko na...

Dugdug...Dugdug...

O__O?

Halos magkayakap na pala kami ni Lance!at masyadong malapit yung mukha niya sa akin na  mukhang na-shock..napabalikwas kami pareho,

Dugdug...dugdug..

Ang Weird..?!

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

"Okay ka lang?"-tanong ni Lance sa akin,

"O-oo naman,"-tumingin ako sa kanya,umahon na siya sa pool,sumunod na din ako tapos kumuha ako ng hotdog sa tray na tapos nang ihawin nila Ic at Rex..

Maya-maya pa ay nakapag banlaw na kami at nakapag palit na ng damit..Umuwi na rin agad kai at napag-usapan na magki-kita-kita na lang ulit kami sa enrollment for fourth year students.

---------------

Nakatingin ako sa ceiling habang nakahiga sa kama...I'm still wondering kung bakit ang weird nung naramdaman ko kanina...

sa pool..

kay Lance..

HAAAY NAKU!Erase! Erase! makatulog na nga lang ! dala lang siguro yun ng pagka-shock ko dahil muntik na kong malunod!>_<"

I.N.V.UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon