Chapter 9: "First Day Of School : SENIORS NA KAMI xD!!! "

108 6 2
                                    

 Author's Note: Hellow pow..hehe sorry po kung di naging maganda yung mga previous chapters...:3 first time lang ho kasi e haha..

By the way nandun po sa right side yung picture ni Shannon Madrigal --------------------> In-edit ko lang para magmukha siyang Chubby xD...

*~*~*~*~*~*~*~*~*

Woooh!First day of school!This is it! Ito na yung pinakahihintay ko. . .Makikita ko na ulit yung mga BFF ko at si Eithan! Hehehe! xD

Before pa lang magpasukan,nag-usap-usap na kaming pito kung saan magkikita-kita,

Papunta pa lang ako sa quadrangle noon nang makita ko sila Ic, Mia, Ailey at Xander dun. . .Para kaming mga timang dun kasi nagtilian pa kami nun nang magkita-kita kami. . .

"Hwoooy! Guys na-missed ko kayo!"-sabi ko wahahaha!

"Exagg ha?!Parang di nagkita-kita nung last week?!"-natatawang sabi ni Ailey

"Haha!Mema-sabi lang. . ."-Ic

"Ay..Mia! Tara asikasuhin na natin yung pagpapalipat mo.."-ako,nagtinginan pa silang apat sa sinabi ko..

"Teh nakapagpalipat na ko!Hahaha!"-sabi ni Mia,nyay!Napa-smile naman ako

"Ows?Astig! Edi classmate ka na namin!"-ako

"Ay hindi hindi,sa section ni Xander ako nagpalipat e.."-si Mia,

"Ah 'kay..-_-" "-barahin ba daw ako..

"Syempre joke lang yun Teh!Hehehe"-Mia

Sige makatawa na lang para di mapahiya si Mia,haha!Ang sama. . .Tumambay muna kami sa corridor,nandoon na kami sa tapat ng magiging room namin,wow! Ang saya nga e kasi magkatabi lang yung room namin at yung room ni Xander..

"Hi Guys!"-bati ni Rex na kasama si Lance,wow sabay pa silang pumasok hehehe. . .

"Bakit ngayon lang kayo?"-Ic

"Pa'no 'tong si Lance ang tagal-tagal dumating!"-Rex

"Ah so may usapan pala. . ."-ako sabay tawa,natawa din sila Ic,hahaha! Alam na nila yung ibig kong sabihin. . .

"Sunduan pala ha. ."-Si Ic sabay tawa,

"E syempre para naman di kami ma-OP"-Lance,

"Woooh!Defensive!"-Mia

"Ano ba yan nakakangalay na. . ."-Ailey. .

"Oo nga kanina pa tayo nakatayo dito!"-Ic

"Nangangalay agad?!"-Lance

"FYI kanina pa kami nandito, e kayo ngayon lang dumating!"-Ic

"O siya,siya, kung pumapasok na tayo sa room diba edi sana kanina pa tayo nakaupo.."-Ako sabay irap..Haaay ang init-init na kasi e tapos nag-ookrayan pa sila. . .

"Oo nga naman!"-Rex,

Pumasok na kami sa room,konti pa lang yung tao sa loob kaya nakapili pa kami ng upuan. . .

"Anong first subject natin?"-Lance,tiningnan ko yung 1/4 na nasa bulsa ko,nilista ko kasi dun yung mga schedule ng section namin e. . 

"Ah. .Araling Panlipunan,"-ako,sumimangot agad si Lance

"Ano ba yan ang boring naman ng First Subject natin"-Lance

"Naku sinabi mo pa pero ayos lang yan basta sana mabait yung magiging teacher natin dito.."-ako

"Shan diba nakopya mo yung schedule natin?ano yung pagkakasunod-sunod nang subjects natin?"-Ailey

"Pati yung time?"-Ako, tumango lang siya...

I.N.V.UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon