Naisha's POV
Kyaaaaaaaaaaaa! Nag dm si my love.
Syempre nagreply ako ng hello jongsuk.
"HAHAHAHA. umasa ka na naman. Si Louie to hahaha"
"Peste ka Louie. Gamit mo na naman IG ni Jongsuk"
Okay naguguluhan kayo noh?
.
.
.You see, kami kasi ni Jongsuk. Oo as in si Lee Jong Suk.
Pero un nga long distance relationship. So para parin akong fangirl na nagkakandarapa sa kanya na hanggang sa panaginip ko siya parin ang laman. Oh well, gwapo kasi talaga siya.
Mabalik tayo bago ako pumunta na naman sa pagfafangirl.
So sa instagram lang kami naguusap. At etong si Louie ang bestfriend ni Jongsuk which happens to be my bestfriend, too. Bale siya ang naging tulay namin. Nakatira na si Louie sa South Korea dahil dun niya napiling magtrabaho sa entertainment ni Jongsuk. Syempre lagi siyang nakasunod sa bf ko.
Hayst miss ko na siya.
"Hoy sumagot ka naman. Available ka ba sa Saturday?"
Dami na niya palang pm. Nagspaceout na kasi ako eh hehe
"Yep. Available naman ako. Next month pa ung fashion show ng company"
"Good. You see, pupunta si Jongsuk dyan sa Philippines. Sinabi namin two weeks siya magsestay for a fanmeet. Kaya ganun katagal kasi gusto ka niya makita"
waaaaaah! Talaga?
"Libre ka na sa isang condition."
"Ano naman un?"
"Sama mo si Sammy"
"Ha? Bakit?"
"Basta"
"Tsk. Di ko siya isasama kung di mo sasabihin reason mo"
"Edi hindi ka na libre"
"Sige na nga. "
Nagbabye na siya dahil may pupuntahan pa sila ni Jongsuk daw. Kasalukuyan palang nasa shoot si Jongsuk kaya siya may hawak nung phone.
Tinawagan ko si Sammy.
"Girl! Can you make time for me sa Saturday? Please. Louie would like to see you"
"Talaga twin? Sureness. See you sa Saturday. Sama ko si Boyfie ah. Ayaw niya kasi paiwan. He is so like linta"
"Sure. Bye na. At mag dedesign pa ako ng super dami na damit para sa fashion show. Bye bye" nagbabye na siya at binaba ko na.
Home-based lang ako pero once in a week pumupunta parin ako sa office para mag organize ng kung ano ano.
*knock knock
May tao na namang kumakatok. Kung si Patchie to lagot siya sa akin.
"Surprise!!!"
"Jongsuk?" Tas niyakap niya ako. Kala ko ba Saturday pa.
"I thought you'll come here later this week?"
"Well, I missed you. I made Louie make up a story so you won't know that I'm already here."
"I hate you!"
"Oh you hate me. Okay? I'll just go back to Korea"
"Hey! Can't you understand a joke?"
"Haha. I know you're joking. May I come in?"
"Sure."
Ayun nag usap lang ako. Marunong si Jong suk mag tagalog bwahaha. Anong kala niyo? Mag uusap kami ng straight english lang.
"Kelan ka ba sasama sa akin sa korea?"
"Magseselos lang ako dun. Syempre paminsan minsan sasama ako sa mga shoot mo. Lalo na pag nag gagandahan ung mga leading lady mo lalo na ngayon sa upcoming drama mo."
"Ano ka ba? Parang magkapatid lang kami nun ni Suzy. Eto talaga" tas ayun nagkulitan na kami. Hayst. Thank you kay Louie dahil tinulungan niya si Jong Suk para sa surprise na ito
Louie's POV
Nandito pa ako sa Airport ng SoKor.
All passengers of flight ***. Please proceed to ** (A/n: Wala pa akong alam sa mga ganun ganun hehe)
Sumakay na ako. More than three hours na byahe to.
Nung nasa eroplano ako eh ang pinapalabas na movie sa screen ko ay No breathing. Kamukha ko talaga ung si Seo In Guk. Pareho kaming gwapo. Bwahaha
Un lang pinanood ko at umidlip ng konti. Sa wakas nasa Manila na ako. Namiss ko talaga dito.
Nagtaxi na agad ako papunta sa bahay ni Sammy. Yep kina Sammy hindi kina Naisha. For sure nagbobonding pa sila ni Jongsuk.
"Annyeong Louie oppa! Tara pasok ka."
"Hi Sammy! Mag isa ka lang?"
"Nandyan ung mga maids"
"And ako. Sino to Sammy?"
"Ay Kuya Louie, This is my boyfriend Achilles. Achilles si kuya Louie. Bestfriend ni ate Naisha. Kilala mo naman si ate Naisha diba?"
"Ah si Ate Naisha. Ung kamukha mo na di mo naman kapatid."
"Anyways, you're being rude to our guest. Pasok ka na Kuya Louie"
Grabe tong dalawang to. Mag boyfriend ba talaga sila? Parang magtropa lang eh.
"Kuya Louie bakit nga pala gusto mo ako makita sa Saturday? Anong meron ba sa Saturday?"
"Fanmeet ni Jongsuk"
"Omo! Talaga? HIndi naman sinabi sa akin ni ate Naisha. Uhm, Achilles. Puwedeng iwan ka muna sa Saturday. Ha? Please"
"Porket fanmeet ni Jongsuk iwan na ako? ayoko nga"
"Sige na" Tas nag argue na sila.
"Ehem." Tumigil na sila sa pag aaway "Kailangan kita dun."
"Hay nako Kuya. Kasalanan mo naman kasi yan eh. Nagkunwari ka pang tulay nina Jongsuk Oppa at ate Naisha pero ang totoo ang gusto mo mangyari eh maging tulay si Jongsuk. Tsk tsk"
"Wait naguguluhan ako. Kuya Louie, may gusto ka kay Ate Naisha?" tumango ako
"Eh bakit mo tinulay sa iba?"
"Eh kasi torpe yan si Kuya Louie. " sabi ni Sammy. Yep. Isa akong malaking Torpe. May gusto talaga ako kay Naisha pero pinaglapit ko sila ni Jongsuk. Puwede naman ako maging selfish pero masyado kasing malaki ang admiration niya kay Jongsuk baka di rin umepekto ang panliligaw ko.
Nung gabi na pumunta na ako sa bahay nina Naisha. Kumatok ako at sabay nilang binuksan ang pinto.
Makita ko lang ung ngiting un ni Naisha. Masaya na ako
*To be Continued
Sorry sa sabaw na ud na to hehe. Gusto ko na kasi lahat iud para maud ko na ang University Love. Saranghae guys!
~Leela Turanga :)
YOU ARE READING
Naisha FairyWinkle
RandomStory about my life. Story about the people around me Story about the people that I love. Hi Im Naisha FairyWinkle. This is the story of how random my life could be. ~Leela Turanga