*****zzzzzzzz!!!!!!
.
kring!!!! kring !!! kring!!!hayyy(hikab)
Anu ba yan ang aga aga.. nakakainis naman oh ang ganda na ng panaginip ko eh...tskk..
*knock* *knock*
"pasok po"
"anak mag ligpit ka na at bumaba para kumain baka mahuli ka pa sa klase at unang araw mo pa naman ngayon""
"opo ma"
"oh sya bilisin mo na"
Hay nakakapagod naman..
Oo nga pala bago ko makalimutan ako nga pala si Kryshy Hyrr Hyles . susyal ng pangalan ko noh!! hahaha ako po ay 14 taong gulang, aaminin ko mabait ako sa taong mabait din sa akin, sabi ng iba maganda daw ako ( hindi sa nagbubuhat ng sariling bangko ) dahil sila na ang nagsabi, hindi naman ako naniniwala dahil hindi ako bata na madaling mauto. Matangkad, Sporty, Matalino.. At hindi po ako nerd ah pagkaklaro lang.oh sya tama na muna ang introducing portion maliligo muna ako para hindi ako malate sa bago kung sschool na papasukan, Oo nga pala 3rd year highschool na ako ngayon inilipat kasi ako ni mama ng school kaya no choice tsaka ayaw ko din naman sa dati kung school puros plastik ang andun😉
Kaya babush na muna maliligo muna ako para mabango ako hahaha.
Tapus nakung maligo at bumaba na ako para kumain at ng hindi ako malate sa unang araw ko sa bago kung school na papasukan at tsaka aalamin ko pa kung anung section ako..
Bumaba na ako at binilisan ko ng kumain..At kung nagtatanung kayo kung bakit kaming dalawa lang ni mama dito ay dahil nasa states ngayun si papa kasi businessman siya alam niyo naman pag ganun parating out of country or town. Tama ng chika aalis nako naghihintay si mama eh.
"anak bilisan mo na dyan at ako ang maghahatid sayo sa bago mkng school"
"opo ma" kinuha ko na agad ang bag ko at lumabas na ng bahay dahil nag hihintay na si mama doon..
"tara na po" sabi ko sa kanya pagkababa ko. Habang nasa byahe kmi nagsalita si mama " Anak pag nasa school ka mag iingat ka palagi hah! at makinig sa mga teachers mo atsaka piliin mo yung alam mong matitinung kaibigan naiintindihan mo ba? "
"opo ma" sagot ko sa kanya at nagdaldalan nalang kami ni mama ng kung ano-anung kaganapan.
" Oh anak bumaba ka na andito na tayo mag iingat ka ha "
"Sige po Ma, Bye! mag iingat po kayo sa pagmamaneho" saby halik sa pisnge ni mama at lumabas ng sasakyan.
"Sige na anak pumasok ka na baka mahuli ka pa" Nag paalam na ako ky mama at pumasok na..Hayyy!! kailangan ko ng mahanap ang room ko, teka magtatanung muna ako.
"ahmm excuse po pwede pong mag tanung kung saan po ang bulletin board?"
"ah dumiretso ka lng ng kunti at kumaliwa makikita mo na ang bulletin board" "Salamat, sige mauna na po ako salamat po ulit."umalis nako dun at agad na tinungo ang bulletin board at hinanap ang pangalan ko " 24... Hyles, Kryshy Hyrr... room 104" basa ko at patakbong umalis baka mahuli pa kasi ako sa klase ko 1st day pa naman ... sa sobrang pagmamadali ko hindi ko namalayan na my nakabangga na pala ako... "nako sorry po""sorry".. saby naming sabi.
Nakarinig naman ako ng mga bulong bulongan..
"naku nakabangga nya si prince Zhen"
"patay"
"anu kaya gagawin sa kanya ni prince my gosh"Anu naman kung may nakabangga ako tsaka sino yung prince Zhen kuno? Firstday pa nga lang may ganun na ang iingay hayat! Napatingin naman ako dun sa nakabangga ko..
"S-sorry ulit" tumayo na ako at mablis na umalis dun pumunta na akong classroom..
Pagkapasok ko bigla namang nag sitigilan ang mga kaklase ko at tumingin sa akin.."wow ang ganda nya"
"ang simple niya pero maganda"
"Owww liligawan ko na ata siya"
Nakakarinig na nmn ako ng bulungan pero hindi ko nalang pinansin
pumunta na ako sa last row dahil dun na lang ang my vacant at nag bell na kaya dumating na ang prof nmin..As expected first day nag pakilala lng kmi at kaklase ko pla yung naka banggo ko kanina
hayyy..
as the hours goes by natapus na rin ang klase naman sa wakas makakauwi at makakapagpahinga narin, Pauwi na nga pala ako ngayun nag commute lang ako may pinuntahan kasi si Mama.
.......................
Pag kauwi ko agad kung tinungo ang kwarto ko dahil pagod na ako nag half bath na ako at nag palit ng pj's hayy matutulog na lng muna ako hindi na muna ako kakain..Agad akong tumalon sa malambot kung kama at tuluyang nakatulog..
