Pag-ibig XIV

60 2 0
                                    


Pag-ibig XIV


How it was started...


Ganoon naman si Kristoff. He just want to make sure na wala pa ako sa panig ng kalaban. Kahit dati ganoon na siya. Kaya hindi na ako magtataka na nakahinga na siya ng maluwag.

"Go to your room. Log out your account. Facebook. Twitter. Instagram. Lahat!" Kulang na lang ay confiscate niya ang cellphone ko. Oo, he even suggest na magpalit ako ng contact number. Can you believe him?

Kaya ito ako ngayon, nasa kwarto at nakahiga na. Bumaling ako sa side table ng kama ko. Nakita ko ang picture frame namin, Samson Family. Kinuha ko ito mula sa pagkapatong niya. Tinitigan ko lamang ang picture namin nang maalala ko kung kalian ito kinuha. I was in highschool, grade 9. Birthday ni mommy... Napapikit ako habang inaalala ko ang lahat.

Naramdaman ko na nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa pocket ng pants ko.

Mommy: Sabay kayo umuwi ni Kristoff. See you, baby!

Hindi na kasi ako madalas sumabay kay Kuya dahil malapit nanaman siya kay Cindy. Oo, bestfriend na daw sila. Hindi ko ba maintindihan, lagi nalang silang magkasama. Hinahatid niya pa ito pauwi. Ang sabi naman ni kuya ay may project sila na tinatapos.

Nag-break sila noong nasa Grade 7 ako. Simula noon ay lagi kaming magkasama ni kuya. Madami na ulit ang pumapansin sa akin, including Lily. But this time, I learned my lesson. They were never true to me that's why I decided to turn my back from them. Si Kristoff nalang talaga ang kinakausap ko, kasama ko tuwing break at lunch time. Until naging grade 9 na ako, nag-iba na ang lahat. Madalas na silang magkasama ulit ni Cindy. Tuwing recess or lunch time ay lagi siyang nagtitext na hindi makakasabay dahil busy. Kung sabagay, nasa senior high na si kuya. Ang sabi ay mahirap ang subjects doon compare sa aming mga Junior.

Kaya hinayaan ko nalang siya sa school stuff. Naniniwala naman kasi ako kay Kuya. Tiniis ko ang mag-isa. Ayaw ko na kasing makipagkaibigan sa iba para lang may makasama. Natatakot na ako na isang araw ay maging mag-isa nanamaan ako. Yeah right! I became an emo.

"Si Kuya Kristoff?" tanong ko sa isang kaklase niyang babae na nakatambay sa labas ng room nila. Dumaan ako sa classroom nila kuya para sabihan siya about sa text ni mommy. Pwede ko naman siyang itext nalang pero gusto ko kasi siyang makita.

Inirapan naman niya ako at nginuso yung loob ng classroom nila. Nakabukas yung pinto kaya nakita ko si Kuya na masayang nakikipag usap kay Cindy. Maybe, about their project?

Kumatok naman ako kaya napabaling yung halos atensyon nang nasa buong room. Pati si kuya ay bumaling sa gawi ko. I smile and wave my hand.

I saw him smile, too. Tumayo siya at mabilis na pinuntahan ako. "Yes, sis?"

"Si mommy, nagtext." Sabi ko.

"Ahh. Yeah." Tipid niyang sagot. Laging tipid siyang sumagot ngayon.

"Anong oras out niyo? Gagawa ba kayo ulit ng project ni Cindy?" sinimangutan ko na siya.

Ngumisi naman siya sa wakas at pinatong ang kamay niya sa ulo ko. Ginulo niya ang buhok ko. "Di na muna. Birthday ni mommy."

"Good!" inalis ko na ang kamay niya sa ulo ko at nagpaalam na ako.

Buong klase ay iniisip ko ang makakasama ko ulit pauwi si kuya. Siguro nga namiss ko siya. Lagi kasi kaming magkasama pero this past few days ay kinukuha na ni Cindy ang atensyon niya.

Kailan Mali ang Pag-ibig?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon