a/n: Haba ng flashback ni Kiesha. LOLs!
Pag-ibig XVI
Swerte
Monday na kaya pumasok na kami ni kuya sa school. Sabay naman kaming pumapasok at iyon nga, panay ang paalala niya na sasabay siya sa akin sa break. Ewan ko ba dito! Simula nang binananggit ko si Dexter, hindi na ako tinantanan.
Sa klase naman ay hindi ako masyadong nakapakinig. Tulala lamang ako habang iniisip kung ano ang mapapala ko pag nalaman ko ang pinaghalong helium at hydrogen. Tinuturo kasi ni teacher ang table of elements at gusto niya na imemorize namin ito. Contact number nga nila mommy, daddy at kuya hindi ko memorize! Itong mga elements pa with atomic number! Nagpapatawa ba itong si Teacher?!
Siyempre, hindi naman forever na mag che-chemistry kami. Nagring na ang bell, hudyat na... "BREAK NA!" kinuha ko naman ang wallet ko at excited na lumabas. Sa paglabas ko ay hindi ko inaasahan ang nakita ko.
"Hi Kiesha!" kumaway pa si Dexter. May dala siyang supot.
"Uy Dex!" lumapit ako tsaka gumanti ng ngiti.
"May dala akong snacks, tara sa math garden?" yaya niya.
Nakatingin lamang ako sa kanya at parang na-hypnotize sa mukha niya. Ang gwapo ni Dexter!
"Kiesha?" nag-aalala niyang tanong.
Nagising naman ako mula sa aking pagkakatulala. "sure!" at nagsimula na kaming lumakad ng sabay papunta sa garden. "Anong dala mo?"
"Gumawa si mommy ng sandwich. Dalawa ito, gusto kong i-share sa iyo."
Nakadating kami sa math garden. Kami lang ang nandito. Madalas kasi nang mga students ay sa cafeteria dumidiretso. O kaya ay nagstay sa mga classroom.
"Madalas ako dito sa math garden, tahimik kasi." Umupo kami sa isang bench. Inabot niya din ang isang sandwich sa akin.
"Akala ko pa naman dahil favorite mo ang math." Ngisi ko.
"Pwede din." He laughed.
"Ang kuya ko kasi minamadali niya lang ang math. I hate math! Pero matiyaga niya akong tinuturuan kaya nakakapasa naman ako kahit papaano." Kinagat ko iyong sandwich. "Sarap nito, Dex. Salamat ah!"
"Wala iyon." Kinain na din niya ang sandwich niya. "Bait naman pala ng kuya mo. Di bale, pag wala ka din maintindihan sa kahit anong lesson niyo, pwede kitang turuan."
"Oo naman! Wala naman din kasi siyang choice dahil guguluhin ko siya." Halakhak ko. Naalala ko bigla si kuya kaya di ko mapigilan ang mapangiti.
"Nga pala, walang tubig. Bili muna ako?" akmang tatayo si Dex nang pinigilan ko.
"Wag na! May baon naman akao." Pero wala naman talaga. Ayaw ko lang maiwan mag-isa dito.
Nagkuwentuhan pa kami ni Dexter sa math garden nang mag-ring ulit ang bell. Kaya agad kaming kumilos pabalik ng class room. Buti wala pa ang teacher ko. Pero si Dexter, hinatid niya pa ako kaya tingin ko late na iyon.
Pagdating ko sa armchair ko ay may nakita akong nakapatong na...
"bottled water?" umupo ako sa upuan ko at pinagmasdan ang bote.
"Galing sa kuya mo." Sabi ng katabi kong si Nina.
Sinilip ko ang phone ko para sana magtext na din sa kanya nang thank you. Pero may text na pala siya.
BINABASA MO ANG
Kailan Mali ang Pag-ibig?
Teen FictionSabi nila walang mali sa Pag-ibig. "Iyon din naman ang paniniwala ko noong una. Na kayang pawiin lahat ng pag-ibig ang mga masasamang bagay. Poprotektahan ka nito. Ipaglalaban ka nito. Pasasayahin ka nito. Pero nang maramdaman ko ang hindi dapat, n...