#33 (=^_^=)

4K 40 1
                                    


.
~~~~~* BLAZEN POV..
.

Inakay at inalalayan ko sya ng dahan dahan papunta sa condo ko hanggang sa makaharap nanamin ang unit ko at hinanap ko ang susi nito.

"...hik...anong ginagawa...hik...mo blazen ma-may hinahanap ka ba...hik..." - aniya habang tinitignan ang ginagawa ko sa pag hahanap sa susi

Tsk nasan na ba yun? Alam ko dito ko lang nilagay sa harap ng bulsa ko eh. Haysss -____-

"Ah keys fritzie" - naka ngiting sabi ko at patuloy parin sa pag kapa sa bulsa ko

"Kiss? Sige...hik...hehehe"

Nagulat ako ng halikan nya ang pisngi ko at naka diin lang ang labi nya saakin. Maya maya pa ay biglang inalis nya na ito kaya akala ko tapos na pero nag kakamali ako dahil dahan dahan din ulit nyang nilapit ang mukha nya habang naka ngiti at....

.
.
.
TSUPP (=^_^=)
.
.
.

Mabilis lang pero nandon yung diin na ginawa nya saakin. Napa hinto ako sa ginawa nya at tinitigan sya na ngayon ay ngiting ngiti at bigla na lang din syang humikab at inestretch ang mga kamay nya

"Lets go" - wala sa sarili kong sabi at hindi ko alam na nahanap ko na pala yung susi na nasa likuran ko lang. Hindi ko namalayan na nakabukas na pala ang pinto dahil nadala ako sa halik nya

Sinarado ko ang pinto at bumaling sa kanya na iginagala ang mata at umupo sya sa sofa habang naka sandal ang ulo nito

"Fritzie mag bihis ka muna dahil baka hindi ka makatulog ng ganyan ang soot mo" - anang ko habang tinatanggal ko ang soot ko kanina at ngayon ay naka sando na lang ako

"...hik... Yaw ko blazen hehe i'm super tired and...hik...sleepy din" - walang gana naman sagot nya at humikab nanaman sya kaya nag madali na akong asikasuhin sya

Muli ko syang inalalayan upang itayo at sumunod naman sya pero naka sandal na ang ulo nya saakin balikat at naramdaman ko pang niyakap nya ang bewang ko.

Napangisi ako sa ginawa nya dahil ganito pala siguro sya pag naka inom pero sana ay kilalanin nya ang mga taong gaganituhin nya dahil mahirap na lalo na babae sya

Dinala ko sya sa kwarto ko at dahan dahan ko syang inihiga doon dahil malaman naka pikit na sya at ayaw ko ng istorbohin ang mahimbing nya tulog.

Ng mailapag ko na sya ay aalisin ko na sana yung kamay kong nakaalalay sa ulo nya pero anong gulat ko ng yakapin nya ang ulo ko kaya naman napa subsob ang mukha ko sa mukha nya

Pero hindi lang don ang natatapos dahil ngayon muling mag kalapat ang labi namin dalawa. Medyo mahigpit ang yakap nya kaya mahihirapan akong tumayo

Tinignan ko sya pero naka pikit naman ang mga mata nya habang ang labi naman nyang nakalapat saakin ay naka ngiti naman kaya kitang kita ko ang dimple nyang sumilip

Hinayaan ko muna ang sarili kong naka ganon dahil alam ko kakalas din sya at tuluyan na ngang makakatulog at tama nga ako kumalas sya pero maluwag na pagkakayap lang kaya naiangat ko ang ulo ko at ngayon ay hindi na nakalapat ang labi nya saakin

Ngumiti lang ako sa kanya at inayos ang iilan hiblang buhok na nakaharang sa isa nyang mata. Dahan dahan kong inalis ang kamay nya mula sa likuran ko at nag tanggumpay naman ako

Nilapatan ko din sya ng blanket at inayos muli ito at ng matapos na ay tumingin lang muli ako sa kanya at ngumit ulit saka dahan dahan ko nilapit ang mukha ko at hinalikan ko ang kanyang noo

Mabilisan halik lang sa noo ang ginawa ko habang naka ngiti. Napatalon ako dahil bigla syang nag salita habang ang mga mukha namin ay malapit lang sa isat isa

PROFESSOR and I 'Complete ✔'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon