NC LAST

52 3 8
                                    

Marre's POV

Kasalukuyan nagtuturo iyong Math teacher namin. As usual, walang nakikinig sa kanya pero walang nangahas na magusap o mag-ingay dahil panigurado ikaw ang sasagot ng problem na sinusulat niya.

Strict kasi ang math teacher namin. Ano pa nga ba ang aasahan mo eh matanda na siya?

Habang ako ay nagwriwrite down notes ng mga formula para hindi ko malimutan. Masasabi niyong isa akong nerd pero hindi mukhang nerd. Trip ko lang talaga ang mga problems kasi at least sila may kaakibat na formula para masolusyonan.

Habang nagwriwrite down ako. Napansin ko na nagdradrawing iyong katabi. Ang katabi ko na si Cyrus Ry. Isa sa mga varsity player. Siya ay ang typical prince heartthrob dito. Gwapo. Mabait. Charming.

Nang bigla siyang tumingin sa akin. Nanlaki naman iyong mata ko doon at tumingin sa notebook ko. Shemay! Nakakahiya baka sabihin pinagpapantasyahan ko siya. Na medyo half true naman.

Nang biglang may notebook na Nutella designed akong nakita sa upuan ko.

C: Hi :)

Iyan yung nakasulat doon sa notebook. Napatingin naman ako doon sa katabi ko na nakatingin lang sa harapan. Nagsulat din ako.

M: Hello?

Tapos tumingin ako sa harapan. Nakita ko sa peripheral vision ko na kinuha ni Cyrus iyong notebook at tumingin sa akin. Agad naman akong tumingin sa harapan. Naramdaman ko na may pinatong siya sa lamesa ko. Dug. Dug.

C: What's with the question mark?

Kinakabahan ako kasi hindi ko alam ang isasagot ko pero I end up with a.

M: Sorry Nagulat lang ako.

Tapos tingin ulit sa harapan kasi baka mapansin ni maam eh. Mapagalitan pa kami. Nilagay niya ulit sa lamesa ko iyong notebook.

C: Why?

M: Kasi kinausap mo ako? Not literally tho.

Tapos tumingin ulit sa harapan. Dug. Dug. Shemay ang lakas ng tibok ng puso ko. Naeexcite ako na ewan.

C: Sorry, I was just bored.

Parang tinusok iyong puso ko. So kinausap niya lang ako kasi bored siya? Pero look on the brighter side. At least kinausap niya ako diba?

M: Ohh. Hahaha you find Math subject boring?

Hays. Sakit umasa.

C: Kasi totoo naman. Numbers make my head ache.

M: Hindi naman ah. Pag inalam mo ng mabuti maiintindihan mo naman.

C: Because you're a genius.

Wait! Pinuri niya ba ako? Shemay. Hindi ko maiwasang kiligin kahit simpleng puri lang iyon.

M: No. I'm not!

Syempre dapat humble baka sabihin ang yabang ko eh.

C: Yes you are :)

Shemay! That smiley face.

M: I. AM. NOT.

Pa-humble ulit.

C: Are you mad?

Napakunot naman ako ng noo sa tanong na iyon.

M: Ha? Why would I?

Kinabahan naman ako. May nasabi ba akong mali para magtanong siya kung galit ako?

C: Capital Letters.

Naghinga naman ako ng Maluwag ng mabasa ko iyon. Akala ko kung ano na.

M: Don't worry. Hindi ako galit hahahaha

Yun lang pala iyong reason niya. Kinabahan pa ako eh.

C: That's good. Uhmm...

Napakunot na naman iyong noo ko. Bakit putol?

M: Yeah? May sasabihin ka?

C: Yup. I have something to say to you.

Kinabahan na naman ako. May sasabihin daw siya sa akin. Shemayloo.

M: Ano yun?

C: Can I?

Dug. Dug. Shemay ang bilis ng tibok ng puso ko.

M: Can you?

C: Can you uhmm...

Putol na naman. Hays. Gusto ko na malaman kung anong sasabihin niya eh.

M: Can me? Hahaha ano ba yun? Sabihin mo na :)

Nilagyan ko pa ng smiling face para mas gumaan loob niya na sabihin sa akin.

Kinakabahan na kasi ako sa gusto niyang sabihin eh. Alam ko yung feeling na gusto mong malaman kaya lang binibitin ka?

C: Can you help me court Rina? I'll help you with Ivan don't worry ;)

Nang mabasa ko ito ay kumunot ang noo ko kasi may humablot. Susungitan ko na sana iyong kumuha kaya lang nakita ko na si Maam ang may hawak nito. Patay. Tapos nakatingin pa sa amin iyong mga kaklase namin.

"Chatting through a notebook in my class huh?" Tapos tumingin siya doon sa notebook. Nanlaki naman iyong mata ko at tumingin kay Cyrus. Namumutla siya.

"Maam sorry po" sabi ko sabay yuko. We're doomed.

"You find my Class boring, Mr. Cyrus?" Nakataas na kilay na tanong ni maam.

"Ohhh" sabi naman ng mga kaklase ko. Shemay.

Biglang napataas iyong kilay ni maam kaya mas lalo akong Kinabahan. Binabasa niya iyong convo.

"Can you help me court Rina? I'll help you with Ivan. Don't worry. So you like Rina, Mr. Cyrus? And Ms. Marre is into Mr. Ivan?" Sabi ni maam.

Nagkantyawan naman iyong nga kaklase ko. Pero iba ang binigyan ko ng pansin.

Can you help me court Rina?

Can you help me court Rina?

So you like Rina, Mr. Cyrus?

So you like Rina, Mr. Cyrus?

Iyan lang ang naintindihan ko. Ang dahilan ng aking first heartbreak.

A Notebook ChatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon