TWIN SISTER

279 6 0
                                    

Chapter 7

Lumabas ang mga kapatid nya.

Kristine: Ano give up ka na?

Angel: Nakakainis lang talaga yang kaluluwang yan.

Mariz: Alam mo na ang gagawin mo.

Angel: Oo.

Mariz: Pagkatapos mo gawin punta ka sa hideout.

Angel: Sige ate.

Nag sunog si Angel ng mga papel sa loob ng bahay at pinausukan nya sila Nadine at Prince.

Galit na galit si Nadine sa ginawa ni Angel.

Inalis naman ni Prince ang mga kalat na ginawa ni Angel.

Umalis si Angel sa bahay ni Prince at nakipag kita sya sa mga ate nya.

Noong gabi na ay bumalik sya sa bahay ni Prince.

Prince: Kanina pa kita hinihintay.

Angel: Huh?

Prince: Nag handa ako ng dinner natin.

Angel: Hindi ako nagugutom.

Prince: Ito naman oh huwag ka ng mag tampo. Hayaan mo hindi na ako makikipag kita kay Nadine kung nag seselos ka.

Angel: Excuse me hindi ako nag seselos.

Prince: Sure. Kumain na tayo ako ang nag luto nyan.

Angel: Ok.

Sa panig nila Dhana at Nadine.

Dhana: Mukhang tagilid ka.

Nadine: Hindi naman talaga mapupunta sa imperno si Prince pero baka mapunta sya sa gagawin ko

Dhana: Ano ang gagawin mo?

Nadine: Watch and learn.

Noong lumalalim na ang gabi ay mag kahiwalay natulog sila Angel at Prince.

Pumasok si Nadine sa kwarto ni Prince. Ginamitan nya ng mahika si Prince para mag lakad habang natutulog. Binigyan nya na din sya ng palakol. Pumunta si Prince sa kapit bahay sa bahay ni Aleng Akiemie para patayin ito.

Nagising si Angel.

Angel: Anong ginagawa mo?

Nadine: Papatay na si Prince ng mapunta sya ng imperno.

Angel: Pag ginamitan mo sya ng kakaibang kapangyarihan di naman nya ginawa mawawalan ng bisa ang sinasabi mong pag punta nya ng imperno

Nadine: Oh talaga? Imumulat ko mga mata nya kapag nataga na nya si Aleng Akiemie.

Angel: Hindi ako papayag sa gusto mo.

Nadine: Ano naman ang magagawa mo eh ngayon na di ka makaalis sa kinatatayuan mo.

Angel: Huh? Bitawan mo ako.

Nadine: Sa amin mapupunta si Prince at hindi sa iyo.

Lumabas ang mga ate ni Angel.

Mariz: Lumaban ka ng patas Nadine.

Nadine: Nandito ang mga bruha.

Kristine: Bruha pala ha.

Binato ni Kristine ng halo blocks si Nadine at natamaan ang mukha nito.

Nadine: Sino ngayon ang lumalaban ng di patas kung tatlo kayo laban sa akin.

Mariz: Sino ang mga itim na kaluluwang yan kung mag isa ka lang. Bitawan nyo ang kapatid ko.

Nadine: Ako lang din yan. Hindi nyo pala alam ang mahika na ganyan.

Kristine: Itigil mo na ito bago ka pa namin ikulong sa nag babagang apoy.

Nadine: Babalikan ko kayo.

Umalis si Nadine. Naalis na din ang mahika kina Prince at Angel.

Prince: Anong ginagawa natin dito?

Angel: Halika na sa loob at mag pahinga.

Prince: Sige.

Walang maalala si Prince. Nag pahinga na silang dalawa.

TWIN SISTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon