TWIN SISTER

252 6 0
                                    

Chapter 10

Nag luto ng lunch si Aleng Regina habang ka kwentuhan nya si Angel.

Angel: Matagal na ba kayo namamasukan sa amin?

Regina: Matagal na din Ma'am

Angel:Mabuti at mag kasundo ang mag aama ko.

Regina: Oo Ma' am. Ngayon lang naman nag karoon ng maraming time si Sir sa mga bata at inaalagaan nya kayo.

Angel: Ganon na ba kalubha ang sakit ko at kailangan nya akong alagaan?

Regina:Maalaga lang po talaga si Sir, Ma'am bumabawi talaga sya sa inyo.

Angel: Mabuti naman pala kung ganon.

Nag lunch si Angel kasabay ni Aleng Regina.

Noong hapon ay nag pahinga sya sa kwarto. Ilang sandali na lang ng nagising sya.

Angie: Ang sarap naman ng tulog mo sa pamamahay ko.

Angel: Huh? Angie?

Angie: Ako nga.

Angel: Bakit hindi kita makita?

Angie: Hindi mo ako makikita para hindi mo ako mapatay sa pangalawang pag kakataon. Halika at ipapadanas ko sa iyo ang mga ginawa mo sa akin.

Hinila nya si Angel sa kama palabas ng bahay at nasa pool side sila. Hawak ni Angie si Angel at ihuhulog na nya ito sa pool.

Angel: Parang awa mo na Angie nakikiusap ako hawag mo akong patayin.

Angie: Ang asawa at mga anak ko aangkinin mo pa sa akin kaya pinatay mo ako

Angel: Naguguluhan ako. Bitawan mo na ako.

Angie: Perfect crime pag hinulog kita sa pool dahil di ka marunong lumangoy.

Angel: Ano ba ang kinagagalit mo?

Angie: Inagaw mo ang lahat sa akin.

Angel: Hindi totoo yan.

Ilang sandali na lang ng hinulog nya si Angel sa pool. Nakita ni Prince si Angel kaya agad nya itong sinagip.

Prince: Ano bang nangyayari sa iyo? Hindi ka marunong lumangoy.

Angel:Nandito si Angie, Prince.

Prince: Patay na si Angie.

Angel: Hu hu hu.

Prince: Tahana. Halika na a loob.

Takot na takot si Angel dahil mag hihiganti si Angie sa kanya. Naguguluhan sya sa mga nalalaman nya.

TWIN SISTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon