Chapter 12
Ang naiisip na lang na paraan ni Prince ay mag bakasyon silang mag anak ng mawala ang stress nya at ng mabilis ng gumaling si Angel.
Nag pabook sya ng flight papuntang Hong Kong sa ex nyang may travel agency. Napasarap ang kwentuhan nilang dalawa sa phone. Ang hindi nila alam ay nakikinig si Angel sa kabilang linya. Galit na galit sya at nag seselos.
Hinintay nyang matulog si Prince bago gawan nya ito ng masama. Sumanib na din si Angie sa kanya.
Noong nakatulog na si Prince kumuha sya ng upuan at hinampas hampas nya ang paa ni Prince ng hindi ito makalakad. Namimilipit sa sakit si Prince.
Prince: Bakit mo ginawa yun?
Angel: Kunwaring makakasama mo kami sa Hong Kong pero makikipag kita ka naman dyan sa ex mo
Prince: Ano bang pinag sasabi mo?
Angel: Mabuti yung lulumpuhin kita ng di mo ako mapigilan patayin ang lahat ng tao sa bahay.
Prince: Angel sandali. Angel!
Pumunta si Angel sa kwarto ng mga katulong at pinag tataga nya sila Aleng Regina at Manang Fe. Sinunod naman nya ang kwarto ng kaibigan nyang si Hazel at ginilitan nya ito sa leeg. Hindi rin nya pinalampas ang kwarto ng Inang si Lorna at pinag sasaksak nya ito mula ulo hanggang paa.
Hirap mag lakad si Prince pero pinilit nya makarating sa kwarto ng kambal. Nandoon na si Angel at sinusunog na nya ang kama ng mga bata. Iyak ng iyak ang mga bata pero tuwang tuwa naman si Angel sa mga ginagawa nya. Hinulog nya sa hagdan si Prince hanggang sa namatay ito. Sinunog nya na din ang buong bahay.
BINABASA MO ANG
TWIN SISTER
Mystery / ThrillerNakasakay ka na ba sa roller coaster?Kung ganon dadalhin kayo ng story na ito na parang roller coaster ride lang. Alamin kung ano ang nagagawa ng kaluluwang nahiwalay sa katawan nya pansamantala.