Hi ako pala si Audrey, Audrey Hills.
Isa akong...
Ewan ko kung ano ko pero basta alam ko masayahin, palatawa, palakaibigan na tao NOON (pero palakaibigan parin ako ngayon)
pero ngayon ewan ko na. Nagsimula ito nung nawala ang papa ni Rhys. Parehas lang naman kaming nawalan ng tatay. Tinatanong ko nga kay mama kung bakit namatay si papa pero ayaw naman niyang pagusapan. Hindi ko naman alam kung bakit?
Bestfriend kami niyan dati, naaalala ko pa nga yung mga pinagsamahan namin na nasayang lang sa di malamang dahilan.
Ewan ko ba kung anong nangyari at hindi niya na ako kinausap o pinapansin man lang simula noong nangyaring insidente. Ayaw ko na sana siyang tanungin kung bakit at baka magalit pero gusto kong malaman kung bakit.
May time naman na pumupunta kami sa bahay nila kasi magkatabi lang naman pero parang wala naman siyang nakikita.
Alam niyo yung feeling na iniisnob ka niya. Tapos wala lang siyang pakialam sayo.
Tapos minsan naman pumupunta siya sa bahay kasama yung mama niya pero minsan naman siyang paramdam kasi alam mo yung tahimik lang siya tapos parang wala siyang nakikita?
Ewan ko ba na parang naiinis ako na gusto ko siyang yakapin ng mahigpit kasi miss na miss ko na siya pero at the same time gusto ko siyang saktan dahil sa ginawa niya sakin.
Pero sa tuwing nagkikita kami eh lagi na lang siyang umaalis kasi may pupuntahan daw siya.
Hindi ko nga siya maintindihan minsan eh I mean lagi. Ewan ko kung anung klaseng galit ang binigay niya sakin.
Napapansin din naman nila mommy at tita ang nangyari sa aming dalawa kasi dati sanggang dikit kami dati eh pero ngayon parang saging na dikit at pinaghiwalay ng walang kamalaymalay.
Sinubukan na rin naman daw ni tita kausapin si Rhys pero ang sabi lang niya "wala ngang problema sa amin ni Audrey!!!" tapos pagalit pa daw ito magsabi.
Ano nga ba talaga ang nagawa ko sa kanya at ganito niya ako iniwan?
Natulog nalang ako ng maaga kasi sabi ni mama may pupuntahan daw kami ng maaga.
"anak mageenroll na tayo. bilisan mo at kasabay natin ang ninang Minerva mo." Si ninang kasabay namin? Does it mean sabay kami mageenroll ni Rhys?
"Sige po" Yan nalang ang sinagot ko. Aalis na sana si mama bun palabas ng pinto.
"ma pwede bang wag muna tayo mag enroll ngayon? pwede bang bukas nalang?"
"Anak hindi pwede kasi naka oo na ako sa ninang mo." bakit kasi umoo ka mama. Ayoko munang makita si Rhys.
"ok po." tumuloy na lang ako papuntang banyo. Mukhang wala naman din akong magagawa eh. Hayaan ko nalang.
after 5 minutes...
"anak bumaba ka na at magbreakfast bago tayo umalis. 15 minutes nalang daw dadating na sila." ang aga aga pa eh
"sige po" bumaba at kumain ako na parang walang gana. Ayoko talaga kasing pumunta sa school eh. Ok sana kung kami lang ni mama pero kasama si Rhys? Wag nalang. Masasaktan nanaman ako.
"Anak nandito na ang ninang mo. Bilisan mo na."
"Tapos na po ako ma" ako na walang kabuhay buhay na sumagot. Baka mapansin siguro ni mama na masama ang pakiramdam ko kahit hindi.
Nagkiss ako kay ninang. Hindi ko na lang pinansin si Rhys.
"Audrey ok ka lang? Para kang may sakit?"
BINABASA MO ANG
Ex Bestfriends
FanfictionEto ang pinakamasakit sa lahat. Ang maiwan ng bestfriend. lalo na kung nangako kayo sa isat isa na hindi kayo maghihiwalay. pero hindi ako makapaniwala na pati ngayon bestfriends din pala naghihiwalay... ano nga bang ginawa ko at iniwan mo ko... san...