Chapter 4
Ken's POV
Hindi ba ako naaalala ni Aud?
By the way, I'm Ken Yagisawa. Half Filipino, half Japanese. Si mama yung filipino and si papa yung japanese. Ako dati yung nanliligaw kay Audrey. I know it sounds weird kahit na bata pa kami ay nanliligaw na ako. Kaso paepal yung bestfriend niyang si Justins. Bata pa kami noon, umalis kami at pumunta ng Japan at doon nagaral ng Grade 3 hanggang 2nd Year high school. Umuwi lang ako dahil si mama nagkasakit. Ako muna magaalaga sa kanya. Bumalik din ako para kay Audrey. Gusto kong ituloy ng panliligaw ko sa kanya noon. Isusurpresa ko siya ngayon.
Papunta na akong room. Dito kasi ulit ako magaaral sa East High University. Alam kong dito pa rin siya. Sinabi kasi ng mama niya dito pa rin daw siya nagaaral. Kilala naman na ako ng mama niya. Business partners kasi ang pamilya namin.
"Ah pwede bang samahan mo ako dito sa school niyo. Itour mo naman ako oh. Ang sabi kasi nila since preparatory ka pa daw nagaaral dito." Hays walang pinagbago. Lagi paring natutulog sa loob ng bag.
"Ah sige" Teka di niya ko naaalala.
"By the way I'm Ken"
"Audrey"
Hinigit ko yung kamay niya palabas.
"Teka hinay hinay lang. Dadalhin ko muna tong gamit ko sa locker ko."
"Akin na muna tong gamit mo" Kinuha ko yun bag niya. Dinala ko muna.
Ang totoo niyan eh magbebestfriend kami nila Rhys dati. Kaso nagaway kami nung sabi ko liligawan ko si Audrey. Tsaka alam ko na rin tong pasikot sikot dito sa school kasi dito rin ako nag aral dati.
"O eto yung canteen" tinuro niya yung canteen. Hay andaming pinagbago ng school na to. Mas hi-tech na rin.
Tinuro niya lahat ng lugar dito sa school. Kaya naisipan kong ilibre muna siya.
"Ah Aud kain tayo libre kita"
Audrey's POV
"Ah Aud kain tayo libre kita" Teka may naaalala akong tumatawag sakin ng ganyan ah.
"S-sige" Pumunta na kami sa canteen. Bumili siya ng Cream-O tsaka ng Shoestring. Ugh may naaalala talaga ako sa kanya.
"Nagkakilala na ba tayo dati?"
"A-ahhh... Hi-hinde siguro."
"Okay."
"Tara upo na tayo." umupo na kami. Inabot niya sakin yung mga binili niya. May na- (A: sige ulitin mo pa sasapukin talaga kita)
"Ui anu nangyayari sayo?" winave niya yung kamay niya sa mukha ko.
"W-wala"
Bakit nakatingin sila sakin? Andaming nakatingin saming dalawa ni Ken. Bakit kaya nanlilisik pa yung iba? T_T Lord tulungan niyo ko.
"Ah mauuna na ako. May gagawin pa pala ako"
"Wag. Hindi pwede. Sasamahan mo ko diba?"
"Bakit nangako ba ako?"
"H-hindi. Pero sa ayaw at sa gusto mo sasamahan mo ko"
"Walang hindi hindi. Parang hindi ka naman ganyan dati." Ha? Dati? O_O
"Bakit nagkakilala na ba tayo?"
"Hay"
Ken's POV
"Bakit nagkakilala na ba tayo?" Di ko na kaya. Sasabihin ko na sa kanya.
"Hay"
"Anu na?"
"Ako si Ken Ya-"
"Audrey!!" Epal nanaman to si Rhys.
"Audrey samahan mo naman ako."
"S-sige" Hay paepal talaga kahit kailan si Rhys.
"Pero ako sasamahan niya"
"Ako ang kilala hindi ikaw kaya wag kang mangialam"
"Oo na oo na" Mukhang wala pa rin akong laban sa kanya. At least hindi ako kilala ni Audrey. Liligawan ko ulit siya. Pag naging kami, tsaka ako magpapakilala sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ex Bestfriends
FanfictionEto ang pinakamasakit sa lahat. Ang maiwan ng bestfriend. lalo na kung nangako kayo sa isat isa na hindi kayo maghihiwalay. pero hindi ako makapaniwala na pati ngayon bestfriends din pala naghihiwalay... ano nga bang ginawa ko at iniwan mo ko... san...