eto umiiyak ako. nakakahiya katabi ko pa naman si Rhys. Si ninang kasi ang nagdadrive and by her side is my mom.
Napansin kong kinalabit ako ni Rhys at inabutan niya ako ng panyo.Teka inabutan niya ako ng panyo? Parang hindi kapanipaniwala kasi ngayon lang ulit siya nagcare sakin. Nagcare nga ba?
"Mali ang iniisip mo."
"Anu ba iniisip ko?"
"Ewan ko sayo utak mo yan eh"
Napansin siguro kami ni mama. I mean sila ni ninang. Nakatingin kasi sa amin.
Nakita siguro niyang basang basa na ang panyo ko kaya inabutan niya ako ng panyo niya. Tinanggap ko nalang yun tapos nagpasalamat sa kanya. Pinunas ko yun sa may baba ng mata ko tapos ibibigay ko na ulit sana kaso may luha ko kaya siguro lalabhan ko muna kasi may luha ko na.
Malagay na nga lang sa bag ko.
"Ahh... Audrey, Rhys nandito na tayo."
Bumaba na si Rhys. Bumaba na lang din ako.
Nagenroll na kami. Bago umuwi nagkayayaan sila ninang at mama na pumunta sa Eastwood. Starbucks lang daw sila tsaka kain ng dinner.
"Rhys magshoshopping muna kami. Samahan mo muna si Audrey at alam ko namang ayaw niyang namimili ng damit."
"Ma ayo-"
"Sige na samahan mo na"
"Tita ok lang po ako"
"Ma ok lang naman daw siya"
"Rhys babae yan si Audrey tapos iiwan mong mag-isa? Anak sasamahan mo siya o mag-uusap tayo sa bahay?"
"Oo na oo na. Sasamahan ko na siya. Tara na" Hinigit na niya ako palabas ng mall. Dun sa may fountain.
"Rhys sige na. Wag mo na akong samahan. Dito lang naman ako eh."
"Hindi. Sumama ka nalang sakin."
"Wag na nga-"
"Sasama ka o sasama ka?
"Oo na sasama na" Hinigit na niya ako doon sa may cinema.
"Anong gusto mong panoorin?"
"Ahh.. Yung Divergent"
"O sige. Bumili ka na ng pagkain mahaba kasi yung pila eh"
"Sige" Ayoko sanang panoorin eh. Love story sana. Pero ayaw ni Rhys ng ganun eh. Baka magalit pa sakin.
Umorder ako ng 2 popcorn at 2 softdrinks. Pagtingin ko kay Rhys, nakabili na siya ng ticket.
"Tara na"
"S-sige" pumasok na kami sa loob. Madami dami din yung tao. Ewan ko lang kung panoorin ko pa to.
**
Natapos na yung palabas wala pa rin akong naintindihan. Ok na sana ang action eh. Kung mortal instruments
to baka ulit ulitin ko pa to. O kaya horror to.
Maggagabi na rin yun nung nagkayayaan na umuwi na.
after 1 hour nakadating na kami. Dito kasi kami nakatira sa Antipolo eh.
"Ah Rhys salamat pala sa kanina"
"Wa-wala yun"
Naghilamos agad ako at dumeretso sa kama nung nakarating ako sa kwarto ko. Humiga nalang agad ako tapos nakinig ulit ng music.
NP: Sparks fly by Taylor Swift
The way you move is like a full-on rainstorm
And I'm a house of cards
BINABASA MO ANG
Ex Bestfriends
FanfictionEto ang pinakamasakit sa lahat. Ang maiwan ng bestfriend. lalo na kung nangako kayo sa isat isa na hindi kayo maghihiwalay. pero hindi ako makapaniwala na pati ngayon bestfriends din pala naghihiwalay... ano nga bang ginawa ko at iniwan mo ko... san...