"Everything is okay. Over and out," sambit ni S/Insp. Excelente Almendral sa communicator na gamit nilang kapulisan sa lugar na iyon. Nasa kalagitnaan siya ng crowd ng Araneta Coliseum. Kasalukuyang nagaganap ang unang major concert ng Thunderkizz Band at siya ang naatasang security head ng event.
Naka-civilian siya at naglilibot sa paligid. Mataas kasi ang risk ng terrorism sa ganoong event kaya mahigpit ang security na pinapatupad nila. Mataas pa man din ngayon ang rate ng suicide bombing kaya dobleng pag-iingat ang ginagawa ng pulisya.
Hindi na rin masama ang ma-assign sa ganitong trabaho lalo na sa katulad niyang music lover din. Gusto rin niya ang Thunderkizz Band. Sentimental kasi ang mga hits ng banda kahit may touch ng rock music.
Habang naglalakad siya sa gitna ng nagkumpulang fans, audience, at mga nagde-dates ay nahagip ng mata niya ang isang kabukod-tanging babae sa lahat ng ando'n. Naghe-headbang at sumasayaw ang lahat sa paligid ngunit ang babaeng iyon ay may hawak na laptop notebook sa isang braso at ang kaliwang kamay nito ay dire-diretsong tumitipa sa laptop. Pinasadahan niya ng tingin ang babae. Maliit lang ito, mahaba at tuwid ang buhok, may suot na eyeglasses, at nakabestida na hanggang tuhod ang haba. Para itong buhay na manika na kinulang sa height.
Pero kahit gano'n ay nawili si Excel na titigan ang babae hanggang sa marinig niya ang favorite song niya sa mga kanta ng Thunderkizz. The band was playing a song entitled Stranger. Revival iyon mula sa Secondhand Serenade. Unang narinig ang keyboard ni Yohann, ang lead vocal and keyboardist ng banda kasunod ang captivating voice nito.
"Turn around, turn around and fix your eye in my direction so there is a connection. I can't speak, I can't make a sound to somehow capture your attention. I'm staring at perfection. Take a look at me so you can see how beautiful you are."
As if well choreographed by faith, the sweet lady suddenly turned around and looked at his direction. Literal na natameme si Excel. He had never been that way before. Hindi pa siya natutulala sa mga babae kahit saksakan pa ng ganda at sexy. Pero ibang –iba ang babaeng inosenteng nakatingin sa direction niya. Pakiramdam niya ay napakasarap titigan ng mukha nito.
"You call me a stranger. You say I'm a danger. But all this thoughts are leaving you tonight. I'm broken, abandoned. You are an angel. Making all my dreams come true tonight."
Nahalata na ata ng babae na tinititigan niya ito kaya tumungo na lang siya at pasimpleng naglakad. Pero hindi niya magawang lumayo. Siniguro niyang sa pwestong pupuntahan niya ay natatanaw niya ang babae.
Nang mapansin niyang nakatuon na naman ang atensyon ng babae sa laptop nito, lumapit siya ng konti. Kinuha niya ang cellphone at pasimpleng kinuhanan ng pictures ito. Kung sana'y pwede niya itong lapitan para makipagkilala. Kaya lang, baka hindi siya entertain-in nito. Sino nga naman kasing eng-eng ang maiisip na makipagkilala sa gitna ng napakaingay na concert grounds? Ako lang siguro, sagot niya sa sarili.
"Almendral, iba naman ata ang sinu-surveillance mo diyan." Mula sa communicator ay narinig niyang sita ni Pauline Elena Yong, ang Chief Inspector ng kanilang presinto at best friend niya. Lumingon siya sa paligid. Nakita niya ito sa di-kalayuan. "Maganda ba? Hindi ka na nakatiis at pini-picture-ran mo na ha. Pasilip nga mamaya."
"Nagtatrabaho naman ako, Chief," sagot niya.
"Hindi ko naman sinabing hindi ka nagtatrabaho ah. Defensive. Sige, ituloy mo lang ang pag-surveillance mo sa kanya este sa crowd. Pupunta ako sa labas. Over and out."
BINABASA MO ANG
Strange Feeling of Love
RomanceBeing an ex-nun turned romance novel writer, Lanlan became so much attached with the attitude of her characters. May pagka-childish but cute in her on way. But those witty but cute attitudes turned into reality when she bumped with the most papable...