CHAPTER NINE

2.3K 62 0
                                    

“Hindi  mo pa ba napapatawad ang kuya ko?” tanong ni Lauren.

Napabuntong-hininga si Lanlan. Dalawang linggo na ang nakakalipas nang  magkaroon sila ng alitan ni Excel. At mula noon, nagsimula na rin ang silent war nila. Hindi niya ito kinakausap. Hindi niya sinasagot ang tawag at text nito. Nilalagpas-lagpasan lang niya ito’pag nakikita niya ito sa labas ng bahay niya o ‘pag inaabangan siya nito paglabas niya sa opisina. Hindi na niya namalayan na napagod na lang siyang makaramdam. Dalawa na lang ang pakiramdam niya ngayon, lungkot at sakit.

                “Hindi naman nagso-sorry ang kuya mo,” tugon niya. “Hindi ko kasi maintindihan kung bakit niya naisip na may issue sa amin ang pera. Honestly Lauren, wala akong pakialam kung hindi niya akong kayang bigyan ng buhay katulad ng kinalakihan ko. All I want is to be with him. Hindi rin iyon issue sa pamilya ko. Tanggap nila si Excel at hindi kailanman naging issue ang pera sa kanila. As long as he will honestly love me, okay na sila do’n. Kaso ang kuya mo, ang labo. Minahal ko na nga, sasaktan pa ako. Ay! ang cheesy no’n!” Napaiyak na naman siya. “Asar!”

                Inabutan siya ni Pae Yong ng tissue. “Pride and ego. Kung may gamot lang para alisin iyon, matagal ko ng ipinagamot si Excel. Engot e. Kapag pinakawalan ka pa ng best friend kong iyon, ipapa-salvage ko siya.”

                “Ay, okay iyan Chief. May lupa si Lanlan sa cemetery sa Tarlac, may libingan na siya doon—Ay sorry. Andiyan nga pala ang kapatid. Sorry, Lauren,” hirit ni Opalyn.

                “Okay lang, you didn’t mean it, I know.”

                “Pero di ko talaga gusto ang ginawa niya kay Lanlan namin,” sabat ni Miles.

                “Second the motion. Kahit madalas binabara namin itong si Mother Superior, labs namin si Lanlan. Wala siyang karapatang paiyakin na lang ng ganyan ang friend namin.”

                “Saan ba naglulungga iyang kuya mo, Lauren? Reregaluhan ko lang siya ng atomic bomb,” hirit ni Cess.

                “Nuclear bomb dapat nang matauhan naman siya,” gatong ni Mayette.

                Isa-isang pabirong sinabunutan niya ang mga ito. “Oy, boyfriend ko iyang pinagpaplanuhan n’yo ng assassination attack. Mahal ko iyon kahit ganon siya. Gusto n’yong masunog lahat sa hell? On a second thought, hindi pala kayo tatanggapin sa hell. Sayang lang kasi ang lingas ng apoy sa inyo. Pati apoy tatamarin sa inyo.”

                Ang seryosong usapan ay nauwi sa tawanan.

                “Change plan, si Lanlan na lang ang pasabugan natin.”

                “Hindi iyan tatablan ng nuclear bomb, alien iyan e.”

                “Bigyan na lang natin siya ng pamasahe.”

                “Papunta saan? States?”

                “Hindi States, Lauren. Papunta sa planet niya.”

                “Saan naman iyon?”

                “Sa Tralalala Chief.”

                “Ah, Iyan pala ang Tralalala na kinukwento ni Excel. O sige, magchip in ako ng pamasahe.”

                “’Wag na lang pala, hindi natin afford iyon. Iuntog na lang natin ang ulo ni Lanlan. Mas madali iyon.”

Strange Feeling of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon