Chapter 5

118 30 17
                                    

YUMI'S POV

Natapos na't lahat ang pagtugtog namin pero matamlay pa rin sila kuya. Hanggang ngayon hindi pa rin nila sinasabi sa akin kung bakit. Parati nilang iniiba ang usapan. Hindi ako kompoprtable kapag nakikita ko silang matamlay. Ngayon ko lang sila nakitang nagkakaganito. Alam kong masayahin silang apat pero iba talaga ngayon. Pakiramdam ko may bumabagabag sa kalooban nila na nagpapakaba sa akin.

Pakiramdam ko may mangyayaring masama, parang may problemang dadating. At kinakatakot ko iyon.

Andito kami ngayon sa VIP room ng Hwang Restaurant. Tahimik at matamlay pa rin sila habang pinagmamasdan ang mga nakahaing pagkain sa mesa. Hindi man lang nila ito nagawang galawin.

Isa pa sa ikinagusto ko sa dito ay libre ang pagkain. Pagkatapos ng live session namin ay may nakalaang pagkain para sa aming lima. Kahit sa Beast ganoon din. Masyadong mabait at galante si Mr. Hwang kaya okay na okay ang lahat.

"U-uhm kuya, k-kain na tayo!"

Alam kong alam nila na gumagawa ako ng paraan para mag-iba ang mood nila pero wala pa ring nangyayari.

Sabay sabay silang tumango at saka nagsimulang kumain. Nanginginig ang mga kamay ko habang kapit kapit ko ang kutsara. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.

Natapos ako sa pagkain nang basa ang kamay dahil sa pawis at isama pa ang panglalamig nito. Panay ang buntong hininga nila.

"K-kuya sa restroom lang muna ako."

Bago pa ako tuluyang makalabas ay tinawag ako ng malamig na boses ni kuya Trace.

"Yumi." Nanginginig ang tuhod ko sa pagtawag niya. Ano bang nangyayari sa akin at nagkakaganito ako? Wala naman akong kasalanan pero pakiramdam ko may kasalanan ako.

"Y-ung..." si kuya Fritz na naghahagilap ng sasabihin. Humarap na ako sa kanila at nakatingin lahat sila sa akin. Nakikita ko sa mga mata nila ng paghingi ng sorry pero bakit? Anong bang problema?

"Yung maskara mo! Tama! Isuot mo yung m-maskara mo." napataas ang kilay ko sa sinabi ni kuya Sun. Parang iba yung gustong sabihin ng mga mata nila pero iba ang sinasabi ng bibig nila.

Hindi ko na pinansin pa ang bumabagabag sa utak ko at pumunta sa center table at sinuot kong muli ang maskara ko. Tumango ulit ako sa kanila bago lumabas ng VIP room.

Agad akong pumunta sa restroom at naabutan ko nag dalawa kong kaklaseng babae na nagreretouch.

Papasok na sana ako sa isang cubicle ng bigla nila akong hinila papalapit sa kanila.

"Oh my gosh! P-pwede pong pa-pict-ure?" nauutal na sabi ng kaklase. I guess it's Lisa. Lisa Marinela? Or maybe Marianela? Ugh, nevermind!

Tumango naman ako kaagad at ngumiti sa camera nilang dala. Natural ang ngiti ko dahil sa pagsabi nila ng 'po' sa akin kanina. Magkasing edad lang tayo!

Agad namang binigay nung isa ko pang kaklase kay Lisa yung camera at siya naman ang lumapit sa akin. "Ako rin po ate!"

Tumango lang ako at ngumiti muli sa camera. Ate huh?

"Uhm, ang swerte natin! Ano po palang pangalan mo?" tanong ni Lisa.

"I don't have a name."

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang pangalan ko dahil once na malaman nila iyon ay hindi na magiging misteryoso ang banda namin.

Battle of our Hearts (Dream Vs. Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon