Prologue

128 15 6
                                    

Destiny.

"How can you accept the REALITY of our Destiny?"

Yan ang pinaka una kong tinanong sa sarili ko nung mag hiwalay kami.

Well, Sa totoo lang its been years simula nung mag hiwalay kami. Pero actually hangang ngayon, hindi ko parin masagot ang tanong na yan.

Nakaka panghinayang kasi yung mga panahon at pera na inaksaya namin para sa isat isa.

Dahil akala ko siya na ang makaka sama ko sa pang habang buhay.

Pero, Yung totoo pala ay isa lang pala siyang panandaliang saya ng buhay ko.

Oo. Aaminin ko. Mahal ko parin siya. Pero anong magagawa ko?

Ang lumuhod at mag maka awa kay Tadhana na kung pwedeng siya na lang? Yun ba?

Alam naman nating hindi pwede dahil alam natin na bago pa man tayo ipanganak at ilabas sa mundong ito ay naka sulat na ang pangalan natin katapat ng pangalan ng itinakda sa atin.

Kaya ang kailangan na lang nating gawin ay mag hintay at mag patuloy sa agos ng buhay.

Pero minsan ang punto talaga ng maling relasyon ay para pag tagpuin ang dalawang magkaibang tao para mabigyan ng leksyon at matuto.

Hindi para mag-ibigan ng tuluyan dahil hindi naman itinadhana.

Kumbaga ang punto nito ay...

NAKATADHA KAYO PARA SA IBA PERO HINDI PARA SA ISA'T ISA.

Kaya kailangan tigilan na ang ugnayan habang maaga pa para sa huli hindi kayo masaktan ng tuluyan.

--------------
©trishamay05
         2018

Destined To Be UndestinedWhere stories live. Discover now