Chapter 1
First day"Uy, Nate! Salamat ha?" Nakangiting sabi ko kay Nate ng marating namin ang university.
Tinupad kasi ni Nate ang pangako niya na ihahatid niya ako sa unang araw ko sa kolehiyo, Kahit na mamaya pang alas Dose ang klase niya, mas ahead kasi saakin si Nate ng isang taon
"Ano ka ba! Wala yun!" Ngiti nya. "Basta balitaan mo na lang ako kung anong oras ka uuwi para maihatid din kita pauwi." Saad nya." Alam mo na ang panahon ngayon masyadong delikado ." Munting paalala nya
"Wag na! Nakaka hiya! Kaya ko naman ang sarili ko, mag iingat na lang Siguro ako ng mabuti" Maikling pagtanggi ko.
"Sure ka? Isang oras din ang layo ng bahay mo pagka galing dito" Paalala nya. At Hindi ko mapigilan ang hindi mapangisi dahil nag sisimula nanaman siya sa pagiging maalalahanin nya.
"Oo naman, Sige una na ko at may fifteen minutes na lang ako para puntahan ang unang klase ko." Nakangiti kong saad sa kanya"Ingat ka ah!"
"Sige. Basta text mo ko kung tapos na ang mga klase mo ah?" Paalala nya "Sige mauna na ko." Kumaway sya at ngumiti na lang ako at nag lakad paalis upang puntahan ang unang klase ko.
Habang naglalakad papunta sa unang klase ko ay Kaka ibang Kaba agad ang naramdaman ko.
Nang marating ko ang pintuan ng una kong klase ay bigla akong nahiya dahil sa mga matang nakatitig saakin na tila ba'y isa akong sikat na artista.
"Sino siya?" Rinig kong bulungan ng mga tao dito.
Pasimple ko namang tinignan Kung may dumi ba ako at Kung may mali sa kasuotan ko pero wala naman. Kaya Napa iling na lang ako at napansin kong wala silang balak na tigilan ang pagtitig saakin kaya nag simula akong maglakad papunta sa dulong parte ng classroom pumwesto upang hindi gaanong mapansin.
Nang mapansin kong bumalik na sila sa kani kanilang pinag uusapan ay pasimple akong bumuntong hininga at hinayaan ang sariling libutin ang paningin sa Classroom.
At nakita kong may iba doon na gumagamit ng cellphone samantalang yung iba naman ay masayang nag uusap na tila ba'y namiss talaga nila ang isa't isa.
Huminga na lang ako ng malalim at nag desisyon na yumuko na lang at magpahinga. Marami din kasi akong tinapos na gawain sa bahay Kagabi eh, kaya aaminin kong napagod talaga ako.
Ilang minuto pa ang itinagal at dumating na din ang professor namin para sa una naming subject.
"Good morning Freshmen!" Saad ng aming professor
"I'm Professor Ralph Santos. Nice meeting you all" munting bati niya
"This is your First day as a First Year College. Guys remember, First Year. Thats why I'm expecting you to do your best all the time specially now that your near to the real world." Paalala nya
"Pero ngayon, ipakilala nyo muna sa akin iyong ang iyong sarili so be ready. Let's start with you." Nakangiti nyang Saad nya sabay turo dun sa lalaki sa tabi ko.
"Hi, My name is Brent Leonardo Punzalan. I love Dancing, My family owns the Punzalan Estate. My goal is to finished college and to handle our business without worries and mistakes. Thank you." Pakilala nito. At halata sa kanya na sila nga ay nakaka angat nga sa buhay.
Nag patuloy ang pagpapakilala ng mga kaklase ko.
At Nang marealize ko na isang tao na lang bago ako magpakilala ay naka ramdam na agad ako ng kaba."Its now your turn miss" Ani ni Prof Santos
Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Hi! Ako si Maria Jennie Escote. Mahilig po akong kumanta at sumayaw. My family only owns a small business" Pagpapakilala ko. "And my goal is to provide my family needs and to fulfill my dreams. Thank you" saad ko
