Chapter 45: The Real Me

5K 104 0
                                    


Psalm's POV

Ang weird ng mga nangyari ngayon, kahit na sinabi kong magpapahinga muna ako ay hindi ako makatulog ng ayos dahil palagi akong nagigising sa tuwing maaalala ang mga sinabi sa akin ni Reanna maging ng Hari at Reyna kanina. Naniniwala naman ako sa kwento ni Reanna pero ang tanggapin ay hindi ko pa kaya lalo na ngayon, alam ko na pangarap ng lahat ang maging isang royalty o ang maging isang Prinsesa ngunit kapag ganito ang sitwasyon mahirap iadapt ang mga sinabi nila sa akin, never kong pinangarap na maging Prinsesa dahil ang tanging gusto ko lamang sa buhay ay ang buo at maayos na pamilya. Alam ko naman na kapag Magical World ang pinag-uusapan mayroon talagang Princes at Princesses pero hindi ko akalain na isa ako sa mga iyon.

Parang gusto ko ng magising sa isang malagim na panaginip na ito. Kaso kahit na ayaw kong tanggapin ang totoo hindi ko mapigilan na hindi maimagine sa aking isipan ang pagsuot ng korona, ang mga kawal na nakapaligid sa akin, ang magandang kaharian, ang mga taong sumusuporta sa akin, at lalong lalo na ang kompleto at hindi ko masasabing masayang pamilya. Hindi ko pa sila lubos na kilala kaya hindi ko pa sigurado kung sasama ba ako sa kanila o hindi.

"Excuse me po, kukunin ko lang po yung tray." Napalingon ako sa may pinto ng kuwarto ko ng marinig iyon, nakatayo mula doon si Kaet habang nakatingin lang sa akin ng diretso. Ibinaling ko ang tingin sa may bintana ng mapansin ko na nakatingin ako sa kanya. 

"Ibinaba na nina Coolen at Cytt ang tray." Malamig kong sambit sa kanya sa mga oras na iyon.

"Ganun ba?" Tanong niya sa akin, ramdam kong naglakad siya papalapit sa kama ko ngunit nanatili akong nakatingin sa may bintana upang hindi magtagpo ang tingin ko sa kanyang mga mata.

"Nagustuhan mo ba?" Muli niyang tanong sa akin ngunit hindi ako tumugon sa halip ay mas pinili kong huwag siyang tingnan, nahihiya ako sa mga ginagawa ko sa kanya lalo na kanina, nahihiya ako dahil hindi ko siya pinatutunguhan ng ayos at naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang magawang magpasalamat sa kanya matapos niya akong iligtas mula kay Uye noong gabing iyon.

"Diba favorite mo iyon?" Gustong gusto kong magsalita ngunit naurong ang dila ko sa mga oras na iyon, gustong gusto ko din siyang tingnan ngunit hindi ko maigalaw ang aking leeg upang lumingon sa kanyang kinatatayuan.

"Sige mukhang pagod ka pa yata, magpahinga ka na muna. At kalimutan mo na lang na bumisita ako." Napatango ako ng marinig iyon mula sa kanya, nakakahiya ako, nakakinis ako at napakawalang kwenta ko. Narinig ko ang ilang yabag ng kanyang mga paa palayo sa aking kama, lumingon ako sa kanya at agad na tumayo upang habulin siya.

"Psalm?" Bulong niya habang nakayakap ang aking mga braso sa kanyang katawan, oo nakayakap ako sa kanya hindi ko kasi masabi sa kanya ang gusto kong sabihin. Inuunahan ako ng hiya dahil sa mga ginawa ko sa kanya. 

"Unseal." Mahina kong bulong, naramdaman ko ang pag-ilaw ng aking balikat, maging ang necklace at ang singsing na suot ko.

"Sorry kung tinarayan kita kanina, nahihiya lang kasi ako na harapin ka matapos mo akong iligtas kay Uye. Gusto kong na malaman mo na sobrang saya ko dahil nakilala kita at gustong gusto ko na sabihin sayo na mayroon pala akong pamilya dito sa Magical World, sila ang Hari at Reyna iyon, parang gusto kong tanggapin ngunit parang ayaw ko din dahil hindi ko naman pangarap maging isang Royal Princess at alam kong alam mo iyan. Sorry talaga sa ginawa ko kanina at salamat sa chicken caldereta, sobrang sarap at sobrang malinamnam, alam na alam mo talaga ang favorite ko. I love you Kaet, ikaw na ang naging ate ko magmula noong makilala kita, sabi ko pa nga noon gusto ko magkaroon ng ate na katulad mo." Bulong ko sa aking sarili habang nakayakap pa rin sa kanya, alam kong narinig niya ang lahat ng iyon.

"I love you din Psalm, maging ikaw ay itinuring kong kapatid lalo na noong nasa Mortal World pa tayo. Alam ko na magugustuhan mo ang niluto ko dahil favorite mo iyon. Salamat nga pala dahil okay na tayo, at sobrang saya ko na nalaman mo na rin ang totoo sa pagkatao mo, alam kong magiging masaya ka kasama nila, kung buhay lang ang mga magulang ko ipapakilala kita sa kanila ngunit wala na sila kaya hindi ko na iyon magagawa pa." Balik niyang sagot sa akin ni Kaet sa aking isipan, naalala ko bigla ang litrato na ipinakita sa akin kanina ni Reanna. Si Kaet ang batang babae na nasa litratong iyon kasama ang isa pang batang babae na kahawig ko. Tila may kakaiba sa litratong iyon ngunit hindi ko masabi sa ngayon kung ano iyon.

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon