BestFRIENDS (one shot)

1.3K 23 6
                                    

Joelyn's Point of View:

Nakaligo na ako at nakabihis. Papunta na ako sa baba para kumain..Hi..Im Joelyn Sarrosa. 15 years old. Simple lang ako. Ok naman ang buhay. Masaya naman ako.

By the way, tapos na ako kumain at naglalakad na ako papuntang school..Alam niyo ba yung feeling na may kulang sa buhay niyo? Yun kasi ang nararamdaman ko ngayon.

Masaya naman ako sa buhay ko pero pakiramdam ko, palaging may kulang sa akin. May mga kaibigan naman ako, may makulit na kapatid, nakakasama ko naman araw-araw ang mga magulang ko..pero parang may kulang pa rin?

"Aray."

Hala..sa sobrang pag-iisip ko kung ano ang kulang sa buhay ko, may nakabunggo akong lalaki. Nalaglag ang dala kong aklat..

"Im sorry.."

"No,ako nga ang dapat mag sorry eh... sorry" pinulot ko ang mga books ko

"Okay lang.. :) ..tulungan na kita.."

Hala..ang gwapo pala nitong lalaking ito..ngayon ko lang kasi napansin ang mukha niya. Nakayuko kasi ako kanina. Ang gentleman pa niya. At my ghad! Nginitian niya ako.

"Salamat..^^"

Ayun nakarating na kami sa school. Dun din pala siya nag-aaral. Binigay niya na sa akin ang mga libro ko. Ayaw niya pa sana. Samahan niya pa daw ako hanggang classroom ko..pero siyempre tinanggihan ko. Nakakahiya na masyado no..

Habang naglalakad ako, nakangiti pala ako. Parang sobrang saya ko nung nakausap ko siya..Bakit ganun ang nararamdaman ko? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko ng magsalita siya at kanausap ako? Yun ba ang sinasabi nilang love at first sight?

Pero wait. Ano pala ang pangalan niya? Sinabi niya ba kanina nung nagsasalita siya? Eh bakit kasi hindi ako nakikinig sa kanya? Nung nagsasalita kasi siya..parang naririnig ko lang ang tibok nang puso ko..

Yun ba talaga ang love? Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya tapos mahal ko na siya? Ewan ko, wala pa kasi akong nakakarelasiyon eh. Kasi ang bata ko pa daw sabi ni mama. Ttsaka ayoko rin naman kasi inuuna ko pa ang pag-aaral ko. And besides, ayoko ring masakatan.

Maaga pa kaya pagpasok ko, konti pa lang ang tao. Third year na pala ako ngayon. Naupo ako sa isang upuan sa likod. Wala kasi akong kakilala dito kaya bakante pa ang upuang katabi ko.

Nagsimula na ang pagpapakilala sa sarili. Tapos na rin ako kaya naupo na ako. Natapos na sa girls kaya boys naman. Nakakayamot naman. Yun lang ang ginawa.

"Mr. Nico Rodriguez?"-Ma'am

May tinatawag pala si Ma'am na lalaki. Wala pa ata.

"Mr. Rodriguez?"-Ma'am

Tapos may pumasok na lalaki na pawis na pawis. Halatang nagmadali. Teka lang..siya yun eh..

"Sorry ma'am Im late.."

"Are you Mr. Nico Rodriguez?"-Ma'am

"Yes ma'am."

"Then introduce yourself."-Ma'am

Pumunta siya-I mean pumunta si Nico sa gitna at nagpakilala.

"Hi. Im Nico Rodriguez. Im a transferee here at your school. Be good with me..^_^"

Kaya pala ngayon ko lang siya nakita dito.

"You may take your seat."-Ma'am

Kaya naglakad na siya...papunta sa akin?

"Hi.Diba ikaw yung nakasabay ko kanina?"-Nico

"Hi, ako nga ^^. By the way Im Joelyn"

"Nico.. ^_^. Pwede makiupo?"-Nico

BESTFRIENDS (one shot collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon