CHAPTER 10

711 16 4
                                    

Chapter 10

LEXIE'S POV;
Busy ako ngayon sa kakatype sa computer para sa mga articles ko na dapat gawin. Medyo mahirap atleast, hindi na puro rape ang mga topics.

Medyo naka moveon na rin ako sa mga nangyari sa akin nung pinasukan ako ng magnanakaw. Tinignan ko agad ang phone ko kung anong oras na at mag aalas otcho na pala ng gabi.

Kaya tumayo na agad ako para mag stretch, napagod kasi ako eh! Pero biglang may narinig akong ingay sa labas at napalingon agad ako sa pinto ng sala ko.

Kinabahan agad ako dahil baka magnanakaw nanaman. Kinuha ko agad yong kutsilyo sa kusina at dahang dahan akong lumabas sa pinto ng sala ko.

Patingin tingin ako sa lahat ng paligid ko at nagbabasakaling may makita ako. Lumapit agad ako sa gate at bukas ito.

Bigla akong kinabahan at parang naninigas ang boung katawan ko. Dahan dahan akong lumingon sa likuran ko dahil may naramdaman akong taong nakatayo sa likod ko.

Nang lumingon ako laking gulat ko sa aking nakita at nanlaki ang mga mata ko ng tumingin ako ng dahang dahan sa lupa, hanggang sa makita ko ang itim na sapatos. Paakyat ng paakyat ang ang mata ko habang napalunok agad ako sa takot kaya agad kong tinignan ang mukha niya.

Ngunit akoy biglang napasigaw hanggang sa may biglang tumakip sa bibig ko.

"Hmmmmmnnp! Huwaaaaaaagg" sigaw ko.

Agad naman akong sinuntok ng lalaki sa tiyan at bigla akong nagising at napabangon  agad sa takot. Kumakabog ang aking dibdib at pinapawisan ako sa sobrang takot.

"Diyos ko! Panaginip lang pala!" Sambit ko.

Napahawak agad ako sa dibdib ko dahil tumitibok ng mabilis ang puso ko sa sobrang takot, grabe ang sama ng panaginip ko.

Medyo madilim ngayon ang kwarto ko dahil pagnatutulog ako pinapatay ko ang ilaw.

Binaba ko agad ang dalawang paa ko sa sahig para makatayo ako. Lumabas agad ako sa kwarto at bumaba. Hanggang sa nakita ko agad si Marimar sa sala na tumitingin ng palabas ng The Legend Of the Blue Sea.

Napangiti agad ako sa kanya dahil kilig na kilig ito sa panonoOd. Pumunta agad ako sa kusina at binuksan ang ref para uminom ng gatas.

Pumunta agad ako sa sala at umupo sa tabi ni Marimar.

"Hoy! Para kang baliw dyan na kinilig ng mag isa"

"Hayaan muna ako Lexie! Naku tignan mo!! Matatamaan ng panah yong mermaid ( napaiyak agad ito!) Naku! Si Lee Min Hoo ang natamaaann! Naku Lexieeee..." iyak ni Marimar.

Hindi ko agad namalayan na kinakagat ko na pala ang kuko ko dahil sa palabas.

"Naku Marimar! My God! Itinusok din ng mermaid ang pana sa kanya habang yakap si LeeMinhoo!!"

Nag iyakan kami ni Marimar ng gabing iyon.

Kaya nung kina umagahan at syempre sunday ngayon. Kaya nag dilig na lang ako ng mga bulaklak.

Hanggang sa may yumakap agad sa akin, at napangiti ako dahil alam ko si Drake yon.

"Namiss kita Lexie" sambit niya habang nakayakap parin siya sa akin.

I Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon