CHAPTER 19

539 12 0
                                    

Chapter 19

DRAKE'S POV;

Nakatayo ako ngayon sa labas ng hospital kung saan ang room ni Eric habang ito'y inuupirahan. Umupo agad ako na parang natulala ng maalala ko ang sinabi ni Lexie sa akin at nang makita ko rin siya na wala na itong buhay.

Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng nadarama ko ngayon. Hindi ganito ang naramdaman ko nung pinatay ko si Trexie.

Pero bakit? Bakit hindi ko mapigilan ang luha ko, bakit? Sa tuwing  pumapasok sa isip ko si Lexie hindi ko mapigilang mapaluha.

Umiyak ako at tanging pangalan ni Lexie lang ang lagi kong sinasambit.

"Lexieee.!! L-Lexiee.., sorry.. Im sorry!!"

Pinikit ko agad ang mga mata ko at bigla kong naalala ang kanyang mga ngiti. Shit!!! Shitt!! Bakit ang sakit? Bakit? Hanggang sa ramdam ko na may humaplos sa likod ko.

"Mahal mo ata siya Drake!!" sambit ni Jack.

Napatingin ako agad at nandito na pala sina Jack, Rafael, Henry, Androw, at Cesar. Ikinuwento ko sa kanila ang nararamdaman ko ngayon habang lumuluha ako.

"Sana Drake pinag isipan mo muna bago natin ginawa kay Lexie yon" sambit agad ni Rafael.

"Oo nga Drake! na guilty din ako sa ginawa natin kay Lexie" sambit naman ni Henry.

"Isa siyang mabuting babae at mapagmahal pero hindi natin napigilan ang sarili natin kapag nakahubad ito" sambit agad ni Androw.

Yumuko na alang ako at lumuluha, feeling ko nag sisisi ako. Napatayo agad kami ng lumabas sa operating room ang doktor.

"Dok! Kumusta na po siya?"

"Ok naman ang pasyente, medyo may kalaliman lang ang bala na nakapasok sa katawan niya, but dont worry!! naka recover naman siya. At hindi pa natin alam kung kailan siya magigising, so excuse me!!"

"Salamat dok" sambit namin.

"Iniligtas mo nga siya Drake!" Sambit ni Cesar.

"Tama lang naman yon!" sambit agad ni Rafael.

Tahimik na lang ako at parang gusto ko ng tumigil sa ginawagawa namin, pero ayaw nila, kaya pagkatapos nun, umuwi na muna kami sa bahay namin.

4 Days Later

Naka upo ako sa loob ng hospital ng room ni Eric, habang nagbabasa ako ng dyaryo.

Tumingin ako kay Eric habang ito'y nakahiga at may dalawang desktrose at isang pakite ng dugo. 4 days na pero hindi parin ito gumigising. Kaya tumayo ako nilapitan ko siya.

"Gising na bro! (Napaluha agad ako) Im sure matutuwa si Lexie pag nabuhay ka. Please wake up bro!!! pasensya kana sa ginawa ko. Im sorry!!!"

Umupo agad ako habang katabi ko na siya, tumingin ako sa paligid ng room ni Eric, medyo tahimik ang paligid at naalala ko bigla si Lexie. Nung panahon na nasa hospital pa ako nun dahil nabaril ako. Hindi ko mapigilan ulit ang mga luha ko.

Nang maalala ko nung paggising ko nun. Si Lexie ang una kong nakita. Nakahawak ito sa kamay ko habang ito ay natutulog sa gilid ko. Nang magising siya, nakita ko ang kasiyahan niya sa mukha, umiyak agad siya bago tinawag nito ang doktor.

Pinahiran ko agad ang luha ko, ramdam ko ang pag aalaga niya sa akin, hindi niya ako iniwan nun hanggang sa makalabas ako. Kinagat ko agad ang labi ko para hindi na tumulo ang luha ko. Hanggang sa nagising agad si Eric.

"Dok! Dok! Gising na ang pasyente" sigaw ko

"Drake? D-Drake ikaw bayan?"

"Oo bro ako to!!!"

"Nasan si Lexie?" Tanong niya.

Para akong kinu kuryentehan nun ng hinanap niya si Lexie sa akin, lumingon ako sa left side dahil tumutulo ulit ang luha ko. Ang bigat sa pakiramdam. Kaya pinahiran ko agad ito at tumingin ulit sa kanya.

"Mahabang kwento Eric, basta magpagaling ka muna, 4 days kanang hindi pa gumigising kaya huwag ka munang magsalita"

Mayamaya nun dumating na ang doktor, hanggang sa may tumawag sa akin at ibinalita sa akin ng mga police na may nakita silang bangkay ng isang babae.

Kaya agad akong pumunta doon. Nung pag punta ko doon halos nanghina ang buong katawan ko nun. Dahil alam ko si Lexie ito, wasak ang mukha nito halos hindi na ito makilala, pero naka hubad ito. Napa iyak ako dahil brutal pala ang ginawa ko.

"Lexieee... Lex!" sigaw ko.

"Mr.Detective sigurado ka si Ms. Lexie yan?"

Tumango ako dahil alam ko si Lexie ito. Ganito naba kami kasama? Kaya tumayo agad ako at sumama sa ambulance para makasama si Lexie.

Wasak talaga ang mukha niya at alam ko kagagawan ito ni Henry. Kaya nung nasa morgue na kami, lumabas muna ako at pinigilan ang luha ko.

10 days later

Naka upo ako habang tinitignan ang picture ni Lexie sa gilid ng kabaong niya. Isinara namin ang kabaong dahil maiiba ka pag nakikita mo ito.

Maraming tao ang dumalo at nandoon din ang mga kaibigan ko. Lumuluha ako habang hinihimas himas ni Rafael ang likod ko.


Mga ilang segundo dumating agad si Eric na nakatungkod ito dahil sa opera niya. Kaya tumayo agad ako at tinulungan siya para alalayin siya papunta kay Lexie. Napaiyak agad siya habang nakahawak sa kabaong ni Lexie.

"Sino ang may gawa nito sa kanya Drake? Bakit pati siya idinamay? Bakit? Mga hayop sila! Mga halang ang mga kaluluwa nila. Mabuting tao si Lexie!!! bakit? bakit nila pinatay ito? Pagbabayaran nila ito!! magbabayad sila!!" sambit ni Eric.

Nagtinginan kaming magkaibigan habang lumuluha parin ako. Inalalayan ko naman ulit si Eric para umupo at nakatabi siya sa mga kaibigan ko.

Ipinakilala ko siya kay Androw, Henry at Rafael dahil kilala na niya si Jack at Cesar. Nung kunti na lang ang mga tao, doon na nag salita si Eric sa amin. Ikinuwento niya si Lexie, at inamin din niya na mahal niya si Lexie. Napaiyak ako sa kwento niya tungkol kay Lexie.

I Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon