Chapter 1

462 22 7
                                    

Ako nga pala si Gab Mike Fernandez ang bestfriend ni Mary Grace. Wala akong kapatid kaya naman si Emgee (MG or Mary Grace) ang lagi kong kasama.  Ika-10 Birthday nya ngayon kaya tuwang tuwa ako na magka age na ulit kami. Ayoko namang mas matanda ako sakanya. Nakakatuwa nga eh, magka age na kami, baliktaran pa nickname namin. haha

Excited na ko ibigay sakanya ang regalong ginawa ko. Sana magustuhan nya.

" geeee....emmmmm "

" huh? " ay si emgee pala, buti naman at dumating sya.

 " ui kala ko di kana dadating " sabi ko

" sus di ah, syempre makakalimutan ba kita?... ito o para sayo " sabi nya sabay abot ng box

" ano ito? bakit mo ko binibigyan ng gift? eh ikaw kaya itong may birthday, Happy Birthday nga pala bestfriend " sabi ko

" hahaha, hindi ito gift, diba ayaw mong pumunta sa amin kasi gusto mo dito tayo magkita, kaya naman dinalhan nalang kita ng handa namin, ito o para sayo " sabi nya sabay abot ulit ng box

" Ay thank you bestfriend nag-abala ka pa " sabi ko sabay hug sa kanya

" Asus drama mo, tara laro tayo " sabi nya

" Ay wait may bibigay muna ako sayo " sabi ko

inabot ko sa kanya yung karton na shape na heart color red sya at may picture namin sa labas, at pag open nya

" I Love You Emgee " sinabi ko, kasabay ng pagbasa nya

" Wow ang cute, sweet naman bestfriend ko :* (mwuah) " sabi nya, then tumakbo sya sa slide

" Kiss? Kiss Kiss O.O " syempre nagulat ako dun, pero wag malisyoso/malisyosa sa pisngi lang naman yun. Pero...... ngayon lang nya yun ginawa eh

" GM tara na " bumalik nalang sa katinuan ang sarili ko ng tinawag nya ako

Ayon sumunod ako sa kanya. Nagslides kami then Seesaw then Slide ulit then swing. Tig-isa kaming swing

" Emgee? " sabi ko

" hmm? " Siya

" Yung kiss? " Ako

" Aah Thank you ko iyon sayo, ang sweet mo kasi eh, thanks sa gift ha, iyon ang best gift ko ngayong birthday ko " sabi nya

Wala lang pala iyon sa kanya

Di ko nalang inisip iyon. Naglaro nalang kami takbuhan, taguan, taya-tayaan hanggang sa nahila ko sya ng medyo malakas at saktong .....

Kiss?? di nga? sa lips?

" Ah so..sorry " nauutal kong sabi, namumula na ata ako, at sobrang kaba

Imbes na sinampal nya ako, niyakap nya ako

" Bestfriend, dapat Bestfriend tayo hanggang sa paglaki natin ha, Wag mo akong iiwan ha bestfriend " sabi nya sabay yakap ng mahigpit

" oo naman, bestfriend tayo, Promise I'll always be here for you " Sabi ko

I Fell In Love with My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon