Chapter 4

249 18 1
                                    

GM POV

" Love, 1 month na, dapat iniiwan mo na yan. You promise. Ayoko namang may kahati ako sayo " sabi ni Patchie, ang isa sa sikat sa school nung highschool namin.

" Wag ka mag-alala Love, bukas na bukas, ibrebreak ko sya, at sa harap ng maraming tao " sabi ni Ronny

" That's what I like it " Patchie

Sa narinig kong iyon, nagmadali akong pumunta sa bahay ni Emgee.

" EMGEE! EMGEE! " Sigaw ko

" O Gab, pasok, may problema ba? " sabi ng Mom ni Emgee

" Ay Tita si Emgee po? May importante po akong sasabihin sa kanya " sabi ko

" GM? Bakit? " Emgee

" May kailangan kang malaman " sabi ko

" a sige papasok na ko sa loob, maiwan ko na kayo " sabi ni Tita

" Ano ba yun bestfriend? Tara dun tayo sa garden " sabi ni Emgee

Sinabi ko lahat ng narinig ko sa kanya, pero di pa din sya naniniwala.

" Best naman, ilang beses ko na sasabihin sayo na Mahal ako nun, di nya yun gagawin at saka ayaw nga daw nya kay patchie, malandi daw kasi yun " Emgee

"Makinig ka please, kahit ngayon lang, wag kang papasok bukas, isang araw lang naman eh " sabi ko

" Wag kang mag-alala, ok? I can handle myself. Listen, alam kong concern ka sakin, but please trust the person I love " Emgee

Wala na kong magagawa, ayoko namang tuluyang lumayo sakin ang bestfriend ko, basta hindi ako papasok bukas, babantayan ko sya, di ko siya iiwan.

Humanda ka sakin Ronny

Bumalik ako sa lugar, kung saan nakita ko si Ronny at Patchie. Sakto naandon pa din sila.

*boogsh* sinuntok ko sya, at gumanti sya, hanggang sa nagsuntukan na kami ng tuluyan.

" Ano bang problema mo Gab " Ronny

" Eh sira*** ka pala eh, pinaglalaruan mo lang si Emgee, wala kang kwenta " GM

" haha, dapat lang sakanya yun Gab, dahil she not deserve Ronny. She is not deserve in everything na meron sya. Dahil ako lang dapat ang nasa trono nya. Pinatikim ko lang ang unting saya at ngayon oras na ng pagbawi " Patchie

" mga walanghiya kayo " GM

Sinuntok ko ng sinuntok si ronny, at pinagtulungan naman ako ng mga kasama nila.

Kahit masakit physically, mentally, emotionally, ginagawa ko ito para sayo dahil Mahal kita. Ipagtatanggol kita emgee

I Fell In Love with My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon