Chapter 1

57 3 0
                                    


First Chapter

BRIANNA CRUZ

~*~

"Bes, si Baekhyun!" I shouted while shaking Jennie. "Bakit ang gwapo niya? Hays" hilong-hilo na si Jennie dahil sa kakayugyog ko.

Ganito ako magfangirl.

Yes, I am a fangirl. A K-Pop fangirl to be exact, and the korean boygroup I like the most is EXO, they caught my attention, my heart rather. In fact, sila ang dahilan kung bakit lahat ng mga bagay na may kinalaman sa Korea ay gusto ko, kulang na lang ay tumira ako doon eh.

"Don't be OA, Brianna. You're just watching them in the screen of your laptop. As if naman na magkakachance ka na mapanood ang concert nila ng live." Sabi ng kontrabida kong bestfriend. Palibhasa kasi baliw na baliw sa mga american singers and artists. "Why don't you ask your mother to bring you to Korea for vacation? Para naman hindi yang screen ang lagi mong sinisigawan at hinahalikan."

Para namang napakaeasy non. Like, duh? We're not as rich as her family. "Okay na ako sa ganitong set-up." Sabi ko nalang which is a bit lie. Sino ba namang fan ang ayaw makita ang idols nila diba? "Makita ko lang ang EXO sa screen, okay na ako."

In reality, ayoko nito. I'm actually tired na maging tipikal na tagahanga pero paano kong isstep up ang laro na 'to if the only thing that I really need is freaking money?

Yea, I don't have money. It is so hard if you are just a poor kid. Psh

Buti pa ang bilbil madaling paramihin at palaguin pero money? Makakaipon ka nga mawawala din naman.

"I hope makapunta ka sa Korea someday. It is really good to be there, Korea is worth visiting."

Ngumiti na lamang ako ng bahagya. I don't know what should I reply.

Hanggang pangarap nalang ata ang makita ang EXO. It is an impossible dream na makita at mahawakan sila. Masyadong matagal ang gugugulin kong panahon at oras para makapagipon gayong nasa first year college palang ako.

Nang umalis na si Jennie ay may narealize ako.

I need to make some ways. I don't wanna be a poor kid anymore. I need to earn money para makapunta ako sa Korea at makaattend ng concerts.

Pagod na akong umasa sa mga pictures from different fansites. Ayoko nang umasa sa livestreams and YouTube. I need to reach my ultra mega fangirl dream ko. Kung hindi ngayon, kailan?

Yea right, I need to see them. I need to upgrade. I have to make a move if I badly want to achieve a dream. Sabi nga nung teacher ko, "Hindi ka hahanapin at pupuntahan ng pangarap mo, kailangan mong paghirapan at pagtrabahuhan para makamit at maabot iyon."

Naghanap-hanap at nagisip-isip na ako kung paano ako makakaipon ng pera for a short period of time. Nagsearch na din ako sa kaibigan kong si Google para tulungan ako. At ang unang step ay ilista ang mga pangarap o paglalaanan mo ng pera.

I immediately get my planner and pen. Sinulat ko doon ang mga must do things ko.

1. Travel and visit Korea.

2. Buy different cosmetics.

3. Wear their national costume, the Hanbok.

4. Go and shop snacks at Lotte Mart.

5. Try their delicious foods.

6. Go shopping in an underground shooping centre.

7. Buy K-pop merchandise in SMTOWN@coexartium.

8. Travel every tourist spots in Korea.

9. Attend music shows.

10. Go to EXO's concert and Events. Gotta see and touch oppa's nutella abs!

Alam kong hindi lahat 'to ay matutupad ko at imposible ang marami dito pero kailangan kong burahin sa vocabulary ko ang salitang 'Impossible'. Dapat kong magawa lahat 'to lalo na ang makita at mahawakan ang iniidolo ko.

Nagstart na akong mag-ipon. To be honest, I am an extravagant person, especially when it comes to food and merchandise. Sometimes, sakto lang talaga yung allowance ko galing kay mama at allowance na nakukuha ko dahil scholar ako. Ngayon, I am determined to save money. Kung dati, sobrang dalas ko pumunta sa starbucks at sa krispy kreme para bumili ng pagkain, ngayon sa mcdo nalang ako kakain at sa mister donut nalang ako bibili ng donuts. Huminto na din muna ako sa pagbili ng mga novels, dahil dati ay tuwing may bago sa bookstore ay binibili ko agad, ngayon ay hindi na. Binawasan ko nadin yung pagbili ng mga k-merchandise para makaipon ako ng mabilis. Who would have thought na ganito ako gumastos samantalang kanina ay sinasabi kong poorkid ako.

Natawa ako sa iniisip ko, tsk tsk.

Nagpa-open na din ako ng account kay mama sa banko para maka-ipon na ako ng maayos. Hangga't maaari sana ay ayokong may manggaling na pera sa kanila. Gusto kong sariling pera ko ang gastusin ko. Kaya ngayon, every bigay ni mama ng allowance at ng school ay inilalagay ko sa banko ang kalahati para di ko na magastos pa. Pinahiram naman ako ni Jennie ng maliit na pera para makapag-online business ako at makapagbenta ng mga damit at kung ano-ano pa.

"Baekhyunand EXO, just wait for me. Okay? Kaya ko 'to. Isang linggo palang ako nag-iipon pero meron na akong pang-visa. Oh diba?" Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa passbook ko.

"Sabi ko naman sayo eh, dapat matagal ka nang nag-ipon at dadagdagan ko nalang kapag kinulang." Sabi ni mama sakin. I know right madir. "Pagbutihan mo lang yan, makikita mo rin ang EXO at yung asawa mo, sino nga ulit yun? Ah! Si Baekjung."

Uhh. Ano nga ulit yung narinig ko? Baekjung?

"Mama naman, Baekhyun po ah! Hindi Baekjung. Aish"

"Ganun din yun, magkakamukha lang naman sila ng pangalan. Pati mga mukha nila iisa lang." Sabi ni mama. "Basta wag mo akong kakalimutang iyakap at ihalik kay Lee Min Ho ah? Pag nakapunta kana dun!" Sabi niya na parang kinikilig pa. Jusko ang mama ko.

"Ma! San mo nakilala si Lee Min Ho?!" Sabi ko sa kanya nang may gulat. San naman kaya napulot ni Mama si Lee Min Ho?!

"Nakita ko ang Laptop mo noon na nakabukas tapos nagpplay yung Legend of the Blue Sea, ayun nagandahan ko at nagdownload din ako. Ang gwapo talaga niya, nak!" Sabay yugyog sakin ni Mama.

"Sumbong kaya kita kay Papa? Sasabihin ko na may iba nang nagpapakilig sayo?" Sabi ko habang nakangiti ng nakakaloko.

Napabitaw naman sakin si Mama at dali-daling tumakbo sa kusina. Ang cute cute talaga ni Mama. Hihi

"Kaya mo yan, Brianna. Kakayanin mo yan para sa EXO. Hwaiting!"

My Fangirl LifeWhere stories live. Discover now