Chapter 2

19 2 0
                                    

Second Chapter

BRIANNA CRUZ

~*~

Isang buwan na din ang nakalilipas simula ng mag-ipon ako. Oo, malaki na ang ipon ko pero sobrang kulang parin at hindi pa sapat yun. Allowance ko pa, pamasahe sa kung saan ko man gustong pumunta. Nawawalan na ako ng pag-asa dahil ilang buwan nalang ay magcoconcert na ang EXO sa Korea.

Tinititigan ko nalang ang posters na nakakapakat sa dingding ng kwarto ko at mga unan na may mukha nila kapag nawawalan na ako ng pag-asa. At kapag nakikita ko sila ay parang nabubuhay muli ang loob ko.

"Go, Brianna. Hwaiting lang!"

Inayos ko na muna ang mga gagamitin ko tulad ng passport at visa dahil baka matagalan pa bago ko makuha iyon.

Pagkatapos ay naglakad-lakad ako sa village namin para mag-isip kung panong papalaguin ang pera ko at kumita ng mabilis. Kasalukuyang naglalayag ang utak ko kung saan nang may marinig akong mga kahon na binabagsak sa lupa. Sinundan ko ang ingay at nang nakita ko ang pinagmulan nito ay napangiti ako. Sa harap ng isang bahay ay maraming nga kahon na may lamang mga gamit ngunit pwede pa namang gamitin ulit. At nakapaskil sa harap nito ay malaking,

'GARAGE SALE'

Bingo! Dali-dali akong nagtungo pabalik sa bahay para maghanap ng kung anong pwedeng ibenta. Tinawagan ko na din si Jennie para matulungan ako. Pinlano ko na kung ano ang mga gagawin ko para makabenta. Madami-dami akong mga hindi ginagamit na K-pop merchandise na nakatambak lang sa bodega ng kwarto ko. At sa sobrang dami non, baka makabili na ako ng tatlong plane ticket papuntang Korea. Madami rin akong mga damit na hindi ko naman naisusuot at nakatago lang sa aking cabinet. Dapat pala matagal ko na 'tong naisip, edi sana marami na akong naipon ngayon.

Buong araw ay inaayos ko ang mga ititinda ko at tinutulungan naman ako ni Jennie don. Nagpost na din ako online ng mga slightly used kong damit and luckily may bumibili naman. Nang mag gabi na ay nakatulog ako kakaayos ng mga ititinda ko.

The next day ay nagsimula na akong magtinda, si Jennie naman ang kumukuha ng bayad at nagsusukli sa kanila. Mukhang maraming naadik sa mga koryano ngayon at ang daming bumibili. Sana makatulong 'to!

Dalawang araw din akong naggagarage sale. Ang swerte ko naman dahil naubos lahat, as in lahat ng paninda ko.

Pinagpatuloy ko ang online business ko hanggang sa medyo lumago na ito. Marami na ding nakakadiscover ng page ko kaya naman marami na ding bumibili. Kung minsan ay maramihan pa.

"Mahal mo talaga ang fangirling. Mahal na mahal mo talaga sila ano?" Sabi ni Jennie

"Tinatanong pa ba yan? Oo naman, lahat gagawin ko para sa kanila." Sagot ko naman, which is very true. Hindi naman siguro ako magpapakahirap ng ganito kung hindi.

"Alam mo ba na kapag mahal mo daw ang ginagawa mo ay mamahalin ka din niyan pabalik?" Sabi ni Jennie.

I look at her, "Wow, ang deep bes ah?" Pangbubwisit ko sa kanya.

"Unfortunately, hindi iyong umaapply sa love. Even if you love a person so much that is not a guarantee that they will love you the way you love them."

"Totoo yan! Buti nalang si Baekhyun, loves na loves ako."

She rolled her eyes heavenwards.

"Duh? He doesn't love you! Di ka nga kilala non tas aasa ka na mahal ka? Psh"

Alam ko naman na hindi niya ako kilala but he said he loves EXO-Ls and I'm one of them, so it means na mahal niya ako! "Alam mo? Ilang araw na akong nagpapractice mag self defense, gusto mo try ko sayo?"

"Ewan ko sayo, basta ayoko lang umasa at masaktan ka katulad ko. Syempre kaibigan kita" niyakap naman niya agad ako.

Pinaasa kasi siya ng taong minahal niya. Pina-fall tapos hindi sinalo. They will make you feel that they really love you and when you love them back, they will just leave you behind without any explanation and an acceptable reason and that's the ugliest and worst truth.

"Buti nalang di pa ako naiinlove sa iba bukod sa EXO." Natawa naman siya doon.

"Do you know I'm dating someone?"
I asked her. At agad naman siyang napabitaw sa yakap namin at inalog ako habang nanlalaki ang mata.

"What?! Bakit di mo man lang sinabi sa akin? Gwapo ba yan? Mabait ba? Kaya ka bang buhayin? Ano? Sagot!" Ang sakit na ng katawan ko kakayugyog niya at ng tenga ko kakasigaw niya, seriously.

"Hmmm, yea. I am mentally dating an idol that doesn't know I exist." I said in between of my laughs. And with that, nakatanggap ako ng sandamakmak na hampas mula sa kanya.

Sinasapak na niya ako habang tumatawa at ako naman ay natatawa nadin sa kabaliwan ko.

Four years. Four years na din akong fangirl. Four years na ang nakalilipas nang aksidenteng mapindot ko ang video nila sa YouTube. Four years na simula nang mainlove at mabaliw ako sa kanila. Four years ko na silang minamahal at sinusuportahan. At sa four years na iyon, wala akong pinagsisisihan.

Apat na taon na din akong umaasang makikita sila. At dumating na yung point na kailangan ko nang magstep up sa pagfafangirl, kumbaga sa Facebook ay kailangan nang i-update. Kumbaga sa mga pagkain ay kailangan nang i-upgrade. Nakakasawa na din kasing mag-imagine at magdaydream nalang forever. Puro paano nalang ang gumugulo sa utak ko.

Paano kung makapunta ako sa concert nila? Paano kung makita ko si Baekhyun? Paano kung mahawakan ko sila, siya? Paano?

At kailangan ko ng matapos ang paano na iyon. Kailangan ang 'paano' ay maging 'ganito'. Kailangan kong pagtrabahuhan at paghirapan 'to dahil ginusto ko ito eh. Gabi-gabi narin akong nagdadasal na sana magkatotoo ang mga kahilingan ko. Sabi nga nila "Nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa."

Days passed like a blur. Masyadong mabilis ang oras at lahat. At nag-aalala parin ako sa ipon ko dahil isang linggo nalang ay ticket selling na ng concert ng EXO at di ako pwedeng maubusan. I need to see them!

Kaya naman nagtungo ako sa banko para i-update ang bank account ko at para malaman kung magkano na ang laman nito.

"Wooh, Brianna. Relax ka lang, aabot ka okay?" Pangungumbinsi ko sa aking sarili.

Pumasok na ako sa banko at lumapit sa bakanteng teller. Habang naghihintay ay kinuha ko muna ang cellphone ko at nakinig sa kanta nilang Promise na tumatatak talaga lagi-lagi sa puso ko kapag naririnig ko iyon.

Habang nakikinig ako ay bigla namang dumating ang teller dala ang passbook ko kaya agad tinanggal ko ang earphones ko. Kinuha ko ang passbook ko sa kanya at nagpasalamat. Pag-uwi ko sa bahay ay dahan-dahan kong sinilip ang mga numerong nakasulat sa passbook ko at di ko inaasahan ang nakita ko.

Jeongmal?! Jinja?!

My Fangirl LifeWhere stories live. Discover now