TLI 04: Black Sheep

13 1 0
                                    


Juris's POV

"Baa baa black sheep
Have you any whool?"
"Yes sir! Yes sir!
Three bags full
One for the Master
One for the Dame
One for the little boy
Who lives down the lane."

"Could you please stop singing that nursery song? Nakakairita na Kiall."

"Aysus! Masyado namang mainit ulo mo ateng! Pina-practice ko kasi 'to para sa pamangkin ko."

"Ano namang meron doon?"

"Aalis kasi mamaya si ate Kine, e walang magbabantay kay baby shark kaya ako muna magbabantay."

"Tapos kakantahan mo? Maawa ka nga sa tenga ng pamangkin mo!"

"Tingnan mo 'to napakasama ng ugali. Tse! Basta ako kakanta. Baa baa black sheep hav----"

Sinuot ko nalang 'yung headphone ko para hindi ko mapakinggan 'yung nakakairita n'yang boses. Kung maririnig n'yo lang kasi ang boses n'ya ay talagang mapapanganga kayo sa gulat. Alam n'ya ang lyrics pero wala sa tono. Parang 'yung kamag-anak mo lang kung kumanta parang nagpapas'yon.

"Have you heard the news?" Out of nowhere na tanong ni Kiall. News? What news? Hindi naman kasi ako masyadong nanonood ng balita ngayon. Tiningnan ko nalang ito nang may pagtataka.

"'Di mo alam? May pinatay daw na pamilya malapit sa inyo. Ako 'tong hindi nakatira sa village n'yo, ikaw pa ang walang alam. Tsk tsk."

"Tsismosa ka kasi." Inirapan lang ako nito saka pumasok sa classroom. Srsly? Hindi ko talaga alam 'yun. Baka ngayon pa lang kumalat.

Should I cut or not?


Hindi na ako nakapag-isip pa, kusang naglakad ang mga paa ko papuntang gate ng school para makarating dito.

"Oy miss! Bakit ka lalabas? May klase pa kayo ah?"

"Narinig n'yo na po ba ang balita? 'Yung isa po naming kamag-anak namatay malapit sa amin kasama ang buong pamilya n'ya." Naiiyak kong sabi. It's pretty lame, though hindi ko naman talaga kamag-anak 'yun.

"Ah! 'Yung Hana ba 'yun? Ay nako sorry! Sige labas ka na ineng basta bilisan mo lang ha?" Guard ba talaga 'to? Bakit naka-sibilyan? Baka kakapasok lang? Minsan shunga ka rin e 'no?

"Miss? Tabi lumalagpas ka na sa crime scene." Sino ba 'to? Napakaangas naman mukha namang bodyguard.

"Let her. Kasama ko s'ya." Huh? Kasama? Eym nat kaya. Pero ayos na rin 'yun para masilip ko ang loob.

Pumasok ako para makita ang crime scene at nagulat ako nang makita kong naroon pa rin ang mga bangkay. Bakit hindi pa nila dalhin sa punerarya? Nakahandusay pa sa sahig ang pamilya. Ang anak nilang anim na taong gulang ay may gilit sa leeg at marami rin itong pasa sa kamay. Ang nanay naman nito ay may ilang saksak sa ulo at dibdib. Hindi man halata ay may sampal ito sa kabilang pisngi. Nakakita ako ng bakas ng dugo papunta sa itaas ng hagdan. Mukhang sa taas pinatay ang nanay at dito sa baba pinatay ang bata. Nasaan ang tatay?

"Chief! Nandito na po 'yung tatlong pumunta sa bahay bago ang krimen." Sabay hila sa akin ng lalaking nagsabi na kasama n'ya ako. Teka! Hindi ko nga kilala 'to kung makahila parang close kami! Pagkalabas namin ay may tatlong tao ang naghihintay. Ang dalawa ay lalaki at ang isa naman ay babae.

"Sino sa inyo pumunta rito nang bandang ala-sais ng umaga?" Nagtaas naman ang isang lalaki ng kamay nito. Ala-sais ng umaga? Mag nagde-deliver na ba ng pizza nang ganong oras?

"Hans Greto. 25 years old. Isang part-timer sa isang pizza house. Na nagbubukas simula alas-otso ng umaga hanggang ala-siyete ng gabi. Ano naman ang ginagawa mo rito bandang ala-sais?"

The Last Insiquitor (High School Mysteries #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon