TLI 02: Spice Up

21 1 0
                                    

A/N: Ayun! Si Kiallay! Ewan ko lang kung nasave ni watty XD

"It takes me more
To feel this sore
Red in my eyes
I waste many sighs

I take it regularly
It makes me glad
It makes me happy"

Juris' POV

"Juris? Sa'n punta?"

"Sa lugar kung saan walang makakaistorbo sa 'kin."

"Sa banyo 'yan 'no? Sige alis ka na! Baka may meeting ka pa kay Obama!"

Sabay tulak sa 'kin ng-- anak naman ni Susan oh-oh. Makatulak wagas! Naglakad na lang ako papuntang field para magpa-hangin. Vacant namin ngayon kaya malamang dumiretso na si Kiall sa canteen. Tss, takaw talaga.

Pagkarating ko sa field ay may nakita akong mga nakakalat na mga pula at itim na lobo. Ano'ng meron?

Papunta na ako sa punong madalas kong pagtambayan nang may nagpatugtog. May nakita akong dalawang magcouple na nagliligawan. Tsk.

"Eunice, would you be my girlfriend? Would you be my girl? I'm not practical, I'm straight forward. I'm just typical and you know it. I hope you're not offended."

Are you packing kidding me? Seryoso? Sa kanta n'ya talaga kinuha 'yan? At talagang baliktad pa ha!

"Magbe-break din kayo!"

What the-? Sinigaw ko ba 'yun? Ay poop! Kakahiya. Lumakad na lang ako palayo para hindi pahiya kunwari. Haha!

Pumunta na lang akong canteen. Taeng Kiall 'to. Lumalamon na naman.

"Tapos ka na bang makipagmeeting kay Obama?"

Hinaluan pa n'ya 'yan ng tawa. Sa totoo lang? Nakakahiya s'yang kasama kapag tumatawa. Alam mo 'yung tawa n'yang parang wala ng bukas? Yung tipong sobrang lakas. Tsk.

I didn't know that I was starving till I tasted you

Don't need no butterflies when you give me the whole damn zoo

Huh? Sino naman kaya 'to?

[Calling Kuya]

Kailangan nito?

"Bakit?"

"Ay! 'Di uso hi at hello sa 'yo? By the way. Makipagkita ka sa 'kin!"

"Ayoko. Marami akong gagawin!"

Sabay kong binaba. Genesis Cortez, kuya ko. Para s'yang timang. Kanina lang nagkita kami tapos ngayon makikipagkita na naman s'ya. Aba! Mauubos na allowance ko sa sobrang layo n'ya. Tsk!

Nag-order na lang ako ng macaroni salad nang biglang may pumasok sa canteen. Transferee? Yabang ah. Umupo na ako tsaka ko nilantakan 'yung macaroni ko. Heaven *-*

Pagkatapos kong kumain ng macaroni ay hinatak agad ako nang bruhildang Kiall na 'to. Kakakain ko lang eh.

Pagkapasok namin ng classroom ay umupo na kami. Syempre. Alangan namang tumayo lang kami do'n poreber. Tss.

"Good Morning class! Mayroon tayong bagong transferees. Guys? You may now enter this room. Introduce yourselves."

"Chase Gregorio. 17."

"Hi! I'm Chazen Gregorio. 17 years of age! As you can see kambal kami."

Weh? Di nga? Ang layo ah. Hindi halata.

"Hindi halata ah inpernes."

"Since nasa harapan na lang ang bakante ay sa likod kayo. Ms. Cortez and Ms. de Guzman! Come here in front! Kanina pa kayo nagdadaldalan!"

The Last Insiquitor (High School Mysteries #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon