January 14, 2013

3.7K 16 0
                                    

Bagong blog na naman. Hay. Pang ilang blog ko na ba to? Tatlo? Apat? Sampu? Hindi ko na mabilang. Pano kasi, laging may nagfo-follow sa'kin na kakikala ko. At ayoko ng ganun.

I wanted to share things sa mga hindi ko kakilala. Sa mga kapwa ko blogger. Sa mga taong nakatira libo-libong milya mula sa akin. Sa mga taong hindi alam ang itsura ko. Sa mga taong huhusgahan ako dahil sa ugali at kwento ng buhay ko, hindi sa kung ano ang itsura ko at kung paano ako manamit.

Ikaw na nakakabasa nito, salamat dahil finollow mo ako! Wag kang mag-alala, na-follow back na kita. Kung hindi pa, mamaya nalang pag nag-online ako. At kung hindi pa rin, message mo nalang ako.

Oo nga pala, secret lang natin to ha?

#diary #thoughts #text #newblog #follow4follow #firstpost

Do not read.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon